CHAPTER 10: Love

20 1 0
                                    

Gabi na at nandito na kami sa room namin. Di parin ako mapakali. Ewan. Im just not comfortable now that im with someone here inside this room. Aarrhggg.

"Dyan ka sa couch. At gusto ko naka on ang ilaw. Ok?" Mataray na sabi ko sa kanya.

"Yes ma'am" nakangiti niyang sabi. Hinayupak. Ang ganda ng ngiti niya. Nakaka inlove. Chos.

"Siya nga pala, may pupuntahan pa ba tayo bukas?" Tanong ko sa kanya na ngayon ay inaayos na ang unan niya sa couch.

"Why gusto mo na bang umuwi?" Tanong niya.

"Hindi naman." Maikling sagot ko.

Humiga na ako sa kama ko at kinuha ang phone ko. Agad na bumungad sakin ang sangkaterbang text ni Shawn.

Hey. How are you?

I miss you

Hey!! Reply naman!!

I miss you

Andito na ako sa Negros.

Ang OA na--- WAIT!! WHAT??!

Agad akong napabangon sa kama ko. Gosshh

"Hey. Are ok?" Napalingon ako kay Yohan.

Ang tigas din ng ulo ng lalaking yun. Nakakainis. Sana lang hindi niya alam kung nasaan ang bahay namin dito.

"Ok lang ako. " sabi ko sa kanya. Agad akong nagtipa ng message para sa hinayupak na yun.

*Bakit ka pumunta dito? Sabi ko di ba wag nah!?

Ilang segundo lang ang lumipas at agad siyang nagreply.

- Wala lang. Gusto lang kitang bisitahin. Namiss kita.

Reply niya. Hmmm. Suntukin kita dyan eh. Ilan kayang mga babae ang nakasama mo noong wala ako. Kung makamiss ka diyan.

* Weh?? Umuwi ka na lang!

- andito na ako sa inyo Alex. Di mo na ako mapapauwi pa Babe.

Syetee!! Parang kinilig ako dun ah. Chos. Bakit ba ang hilig niyang tawagin akong 'Babe'.

*Cheee!!! Babe mo mukha mo. Ilang babae kasama mo ngayon ha?"

- wala akong ibang babae Babe. Ikaw lang diba?

* wehh??? Oh bahala ka sa buhay mo hinayupak. Matutulog na ako.

- ok babye. Good night.:-*

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa tunog ng phone ko. Agad ko itong inabot mula sa side table at sinagot.

"HEL----"

"Babe!!" Sagot ng lalaking hinayupak kaya agad akong napamulat ng mata.

"What?!" Inis kong tanong sa kanya at kinusot yung mga mata ko.

"Nandito ako ngayon sa labas ng resort. Where are you?" Sabi niya kaya napabangon ako sa kama ko.

"Ano?!" Inis kong tanong sa kanya. Agad kong binaba ang tawag at lumabas na sa kwarto ko.

Ang aga aga pa kaya. Nambubulabog na tong lalaking to.  Nang nakalabas na ako ay agad kong ginala ang paningin ko.

"Wala naman eh. Paasa talaga yung hinayupak na yun. Tch" bulong ko sa sarili ko at tatalikod na sana ng may narandaman akong mga brasong nakayakap sa baywang ko at ang mainit na hininga sa leeg ko.

Im His Part Time GirlfriendWhere stories live. Discover now