CHAPTER 12: VAMPIRE

34 1 0
                                    

"San ka ba galing anak ha? Bakit ka nandoon sa lugar na iyon? I was worried sick kaya ako umuwi agad pabalik dito." Pag aalalang tanong ni Dad nang makarating na kami sa mansyon.

Agad akong umupo sa sofa at ipinikit ang mga mata ko. Haysst.

"Dad namasyal lang ako doon." Pagsisinungaling ko sa kanya.

"Namasyal? Naku naman Alex!! Kahapon ka pa nawala? At ngayon sasabihin mong namasyal ka lang doon?!!" Galit na sigaw na sakin.

"Pagod ako Dad, gusto ko nang matulog." Sabi ko at tumayo na. Naglakad na ako ngunit napatigil ako nang marinig ko ang boses ni Shawn.

"Alex!!" Sigaw niya at agad ko naman siyang hinarap. Niyakap niya kaagad ako at hinimas ang buhok ko.

"S-shawn" nauutal kong sabi sa kanya.

Kumalas siya sa yakap at yumuko ng kaunti para magpantay ang mga tingin namin.

"Saan ka ba galing? I was so worried. Akala ko k--"

"I want to sleep." Putol ko sa kanya at tumalikod na. This feeling is so new to me. And im afraid that if I trust him so much I'll end up crying. Dapat ko ba talaga siyang pagkatiwalaan? Ngayong unti-unti narin akong nahuhulog sa kanya. Ayoko nang umasa pa.

Pumasok na ako sa kwarto ko at agad na nahiga sa kama ko. Napabuntong hininga nalang ako at ipinikit ang mga mata ko. Nalilito na talaga ako.

********

Nagising ako ng madaling araw. Nauuhaw kasi ako. Tinignan ko ang oras at alas 4:34 pa. Bumangon na ako at bumaba na. Pagdating ko sa kusina ay nagsalin na agad ako ng tubig. Napatigil ako saglit at napa-isip.

' bakit ko ba pagkakatiwalaan ang babaeng yun? Tss' bulong ko sa sarili ko at tinapos na ang iniinom ko. Aalis na sana ako nang pagharap ko ay bumungad sakin ang mukhang napakagwapo. Halos maduling na ako sa lapit ng mukha niya. Umatras ako ng kaunti ngunit lumapit parin siya kaya nacorner na niya ako ngayon dito sa may ref. O-O. Gulp.

"Go-good m-morning" nauutal kong sabi sa kanya. Nakangiti lang siya sakin ngayon habang nakatitig sa mga mata ko. Feeling ko matutunaw na ako ngayon ano mang oras.

Aalis na sana ako nang bigla niya akong hinila papalapit sa kanya at siniil ng halik. Sa gulat ko ay halos matumba na ako sa kinatatayuan ko. OMO. *O*
Pumiglas ako pero ayaw niya akong pakawalan at mas lalo pang inilapit sa katawan niya. Lalo pa niyang pinalalim ang mga halik niya. Gusto ko mang kumawala ay di ko magawa. Nakakadala ang mga halik niya. Tinugon ko iyon at ikinawit ang braso ko sa leeg niya. Shit. Ano ba tong ginagawa ko? Parang may sariling utak ang katawan ko na sumusunod sa bawat galaw niya.

He lifted my ass so I was forced to wrap my legs around his waist. Pinaupo na ako sa may sink at doon niya ako patuloy na hinahalikan. Bumaba ang halik niya sa leeg ko. Halos di na ako makahinga sa ginagawa niya sa akin.

"Ahhh" nagulat ako nang bigla niyang sipsipin ang leeg ko at kinagat ng marahan. Tumigil siya at tinignan ako. Gosh. Sigurado akong sobrang pula na ng mukha ko dahil sa hiya. Goshh.

Ngumiti siya sakin at kumindat pa. Agad akong bumaba at pinagsusuntok siya.

"What the hell did you do to me? Y-you s-seduced me!" Galit kong sabi sa kanya. Tss. I touched my neck at narealize kong ano ang ginawa ko. Nakakahiya.

"Tss. " irap pa niya sakin.

"Are you a vampire ha? Walang hiya ka!" Galit kong sigaw sa kanya pero agad ko din namang tinakpan ang bibig ko dahil baka may makatinig samin. Tss. Pinagsusuntok ko siya at pinagtatadyakan. Hinayupak talaga. Dahil sa inis ay tumalikod na ako sa kanya narinig ko ang tawa niya kaya nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Nakuhh!! Lupa kainin muna ako!!

Agad akong bumalik sa kwarto ko at agad na napahawak sa dibdib ko. Gossh. What have I done? Goshh. Pabalik balik lang ang lakad ko habang ginagawang nailcutter ang ngipin ko dahil sa kakagat sa kuko ko. Chos.

Hayystt. Di parin ako mapakali. Ano ba kasi ang pumasok sa utak ko at hinalikan ko rin siya? Aisshh.

Humiga ako sa kama at kinalma ang sarili ko. It's gonna be alright. Mamaya makakalimutan mo rin yun. Tama tama.

******

"Morning Alex" nakangiting bati ng hinayupak pagkababa ko ng hagdanan. Kalma lang Alex. Sinamaam ko siya ng tingin at umupo na sa tabi ni Lola na nasa harap niya. Tss.

Kumuha na ako ng pagkain sa plato ko. Susubo na sana ako nang bigla namang magsalita si Lola.

"Naunsa na imong liog?(anong nangyari sa leeg mo?)" At ako dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya ay nakakunot lang ang noo ko.

Tumingin ako kay Dad pero nakatingin lang ito sa kinakain niya. Tiningnan ko sa Shawn at agad niyang nginuso ang Leeg ko.

"Ha? Ahh. O-oo. Haha. Ummm. R-rashes lang po ito. Hehe" kinakabahang sabi ko kay lola. Nagkibit balikat lang siya at pinagpatuloy ang pagkain niya. Tss. Muntik na yun ah. Tiningnan ko si Shawn na ngayon ay pilit na pinipigilan ang tawa niya. Tss.

"Kagagawan mo ito, hinayupak" galit na bulong ko sa kanya.

"Unsa?( ano?)"tanong ni lola.

" ahh. Wala po lola. Hehe"ngiti ko at lumingon kay Shawn. Tss. Sinamaan ko siya ng tingin pero patuloy lang siya sa pagkain niya. Tss. Pagbabayaran mo to hinayupak ka!.

Pagkatapos mag agahan ay inabangan ko talaga yung lalaking yun. Pumunta ako sa Garden at doon siya inabangan. Lagot ka talaga sakin. Hmmm. Saan kaya yung lalaking yun? Baka kung saan sa----"ay kalabaw!" Gulat akong napatalon ng may sumundot sa tagiliran ko. Liningon ko siya at agad na pinagsusuntok.

"Walang hiya ka talagang hinayupak ka ha!" Galit na sigaw ko sa kanya.

"Bakit ba ha?!!!" Sigaw niya din sa mukha ko. Kumukulo na talaga ang dugo ko sayong hayop ka!!! Susuntukin ko na sana siya nang bigla nalang siyang tumakbo. Nakakakita ako ng isang sanga kaya dinampot ko iyon. *Evil smile* lagot ka talaga sakin ngayon.

Hinabol ko siya ng hinabol. Nahahampas na din yun pwet niya dahil naaabutan ko na siya. Tawa lang ako nang tawa dahil sa tuwing nahahampas ko ang pwet niya ay tumatalon talon pa talaga siya sabay himas sa pwet niya. Pffttt.

At dahil hiningal na ako ay tumigil na ako sa kakatakbo at napahawak sa tuhod ko. Aytss. Tumatanda yata ako ah. Sakit ng tuhod ko eh. Lumingon ako sa kanya at nagulat akong may hawak na siyang hose ng tubig.

"A-anong gagawin mo?" Kinakabahan kong tanong sa kanya habang umaatras. Naka evil smile lang siya habang lumalapit sakin.

"Maligo ka na Baby. Ambaho mo na eh. Hahahah!!" Sabi niya at ine-on na ang switch ng hose.

"Ahhhhhhh!!! SHAWN!!PAPATAYIN TALAGA KITAA. AGGRHHH!!" Tili ko dahil basang basa na ako. Tawa lang siya nang tawa habang binabasa ako. Tumakbo ako sa kanya at inagaw ang hose at siya naman ngayon ang binabasa.

"Hahahaha!! Kala mo ha!!" Natatawang sabi ko sa kanya.

"Tss" nakangiti siya ngayon at tumingala. His so damn hot right now. Bakat na bakat sa katawan niya ang Tshirt niya. Ang Abs niyang sobrang ganda. He's so handsome.

"Ehemm!" Natauhan ako at napatitig ka mukha niya. Nakangisi lang siya at kumindat pa ang loko. Tss. Napa iling nalang ako at binitawan na ang hose na hawak ko.

"Gwapo ko talaga eh" mayabang na sabi niya. Natawa nalang din ako sa kanya.

"Tss. Yabang!" Irap ko sa kanya. Natawa nalang kaming dalawa sa sarili namin.

I really am falling for him. I can't help it. Everytime he smiles at me. Everytime he stares at me. It makes my heart beats so much. I dunno why. But he definitely got my heart now.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 16, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Im His Part Time GirlfriendWhere stories live. Discover now