CHAPTER ONE

91 5 0
                                    




It's sunday morning when Amhira heard a knock on her room's door.

"Amhira wake up, mag sisimba tayo ngayon." It's her mom's voice.

"Yes mommy!" Magiliw na sigaw ni Amhira at dali-daling bumangon at nagpunta sa kanyang banyo ng maalalang linggo ngayon.

"Good morning po, Mommy! Daddy!" Bati niya sa kayang mga magulang—na nakaupo na para mag almusal—pagkababa niya ng hagdan.

"Good morning baby."

Amhira Zandara wearing a Flounce sleeve shirred top partnered with high wasted jeans and white shoes. She's just 8 years old pero kung titignan mo'y aakalain mong dalagang dalaga na dahil sa matangkad ito at Morena. May hanggang balikat na straight na buhok at magandang mukha. Matangos ang ilong, makapal ang kilay, manipis at mapula ang mga labi at brown na mata. Ayaw niya na rin magsuot ng mga damit na pambata.

Excited si Amhira na mag simba dahil makikita niya nanaman ang kanyang bestfriend—si Shane—na nakilala niya sa labas ng simbahan dahil nagtitinda ito ng sampaguita. Yes, hindi siya mapili sa kung sino ang magiging kaibigan niya. Minsan na rin siyang nagkaroon ng kaibigang pulubi—si Rose—noong 6 years old siya na lagi niyang tinutulungan, binibigyan ng mga pagkain at damit ngunit sa kasamaang palad ay namatay ito dahil nasagasaan habang namamalimos.

Nalungkot at halos hindi na makausap ng maayos si Amhira noon dahil iyak lang siya ng iyak. Kaya't ang mommy't daddy niya na ang sumagot sa pag papaburol ng kanyang kaibigan kaya't halos hindi na din umuwi si Amhira non.

Unti-unti na ring natanggap ni Amhira na wala na si Rose at dahil din don ay lagi na siyang nag sisimba at nag papasalamat na nakilala niya ang bestfriend niya. Doon niya na rin nakilala si Shane, noong una'y sinusungitan niya ito kapag kinakausap siya dahil ayaw niyang magkaroon ng kaibigan at palitan si Rose pero hindi sumuko si Shane kaya't naging magkaibigan na rin sila ngayon.

Pagkababa sa kanilang sasakyan ay agad tumakbo si Amhira sa kung saan nakapwesto ang kanyang Bestfriend kapag nag titinda. Halos walong bwan na silang magkaibigan minsa'y isinasama niya ito sa kanilang bahay at minsan ri'y binibili niya na ang mga tinda nito para hindi na mapagod at makapag laro na sila.

"SHANEEEE!!!" Malakas na sigaw at kaway ni Amhira ng makita ang kanyang bestfriend.

Matangkad at payat ngunit mahaba ang kulot na buhok nito. Morena, matangos ang ilong, mahaba ang pilik mata at mataba ng kaunti ang pisngi. Mas matanda siya ng apat na taon kay Amhira.

"A-Amhira bitaw n-na, bitaw na." Utal na utal na sabi ni Shane dahil halos hindi na siya makahinga sa higpit ng pagkakayakap sa kanya ni Amhira. "Grabe naman makayakap. Ngayon lang nagkita? Ngayon lang?" Sabi niya habang habol ang hininga ng bitawan siya.

"Hahahaha! Namiss kasi kita. Bakit kasi twing linggo ka lang nag titinda dito?"

"Pasensya naman po! E kasi nga po pag linggo lang maraming tao dito, Syempre kailangan kong magtinda sa ibang lugar para maubos." Nakapamaywang namang sagot nito.

Tuwing linggo lang sila nagkikita dahil dito tuwing linggo nag titinda si Shane. Kung minsa'y nakikita nila ito sa park na pinapasyalan nila tuwing walang trabaho ang mommy't daddy niya.

"Sabi ko kasi sayo bibilhin ko na lang lagi ang paninda mo para di ka na mapagod. Payag naman sila mommy at daddy. Gusto pa nga nila sa bahay ka na kumain at uwian mo na lang ang pamilya mo para di mo na magastos ang pera." Sabi naman ni Amhira.

"Diba sabi ko ayoko, andami niyo ng naitulong sa akin. Di pa nga namin nauubos yung tatlong kahon na mga grocery na binigay niyo eh!" Katwiran naman ni Shane. "Alam mo bang kayang umabot ng isang taon yung grocery na iyon sa amin?"

Ngumiti na lang si Amhira.

"Tutulungan na lang kitang mag tinda." Sabay kindat nito kay Shane.

"Ano ka ba? wag na! Nag punta kayo rito para mag simba, hindi para tulungan akong mag tinda! Alis na! Alis!" Pagtataboy ni Shane. Nagkatinginan sila at sabay na nag tawanan. Naputol lang ang tawanan nila ng magsalita ang magulang ni Amhira na hindi nila namalayang pinag mamasdan sila kanina pa.

"Mga dalaga ano't hindi pa kayo pumapasok sa loob?" Nakangiting tanong ng daddy ni Amhira.

"Naku! Mabuti ho at nandito na kayo tito, tita." Sabay lapit ni Shane at mano sa magulang ni Amhira. "Napaka kulit po ni Amhira!" Naka hawak sa noong sabi ni Shane.

Natawa naman ang nagulang ni Amhira. "Gusto niya kasing kasama ka mag simba." Sabi ni tita Knickle—mommy ni Amhira.

"Naku! Alam niyo naman hong hindi pwede hindi pa ho kasi ubos ang paninda ko." Malungkot na wika ni Shane. Gustong gusto niya lagi ang mag simba at makasama si Amhira ngunit dahil may paninda siya'y hindi pwede. Pumapasok siya sa simbahan at nag darasal na lang pagkaubos ng paninda niya.

"Bibilhin na lang namin para makasabay ka sa amin." Sabi naman ni Tito Jayson—daddy ni Amhira.

"Naku wag na ho. Sige na, Amhira magkita na lang tayo mamaya pagkatapos ng misa. Di ako aalis dito, kapag naubos na ang paninda ko na hindi pa tapos ang misa papasok ako at hahanapin ko kayo." Sabay akbay at ngiti nito kay Amhira.

"Sige na nga. Pero sasama ka sa amin kakain ah? Wag ka ng tumanggi!" Dinuduro duro niya pa ito. Narinig niyang tumawa ang mga magulang niya pati na si Shane kaya't ngumuso siya.

"Oo na, sige."

Pagkaalis nila Amhira ay napaupo sa semento si Shane. Kanina niya pa pala nararamdamang sumasakit ang kanyang tiyan tiniis niya lang dahil ayaw niyang mag alala ang kanyang kaibigan.

Huminga ng malalim si Shane at uminom ng tubig dahil ganito ang lagi niyang ginagawa kapag sumasakit ito baka sakali kasing mawala kahit kaunti ang nararamdaman niya. Matagal niya na itong nararamdaman, noong una'y akala niya nakakain lang siya ng masamang pagkain kaya't binalewala niya pero nagtaka siya noong lagi na itong sumasakit. Hindi niya rin magawang sabihin sa magulang niya dahil salat sila sa pera at may sakit rin ang papa niya. Ang mama naman nya'y nag lalabada at may dalawa pansiyang maliliit na kapatid.

Napapikit si Shane ng hindi pa rin mawala ang sakit, ngayon lang ito sumakit ng sobra.

"Ineng, ayos ka lang?" Tanong sa kanya ng isang ale.

"A-Ah—" tumango na lamang si Shane dahil hindi na niya magawang magsalita dahil alam niyang sigaw na ang sunod na lalabas sa bibig niya kapag nag salita pa siya.

"Sigurado ka? Namumutla kana! Pinag papawisan ka na rin!" Nag papanic na sabi ng Ale.

"A-Ayos l-lang ho a-ako. M-Masakit lang ho y-yung tiyan ko." Ngiti ni Shane at okay sign kaya't tumango ang ale at umalis na rin.

Walang ibang nakapansin sa kanila dahil nag sisimula na ang misa at nasa loob na ang lahat.

Hindi na nakayanan pa ni Shane ang sakit kaya't nawalan na siya ng malay.

Am I the one who took my Bestfriend's Life? Where stories live. Discover now