CHAPTER THREE

37 1 0
                                    


Isang linggo na ang lumipas muli Nang mailibing si Shane at hindi nanaman muling makausap ng maayos si Amhira. Tulala lamang ito at hindi na rin nakakapasok sa iskwelahan.

Hindi alam ng mag asawa kung ano ang gagawin. Dahil pangalawang beses ng nawalan si Amhira ng kaibigan.

"Anak, kumain ka muna." Anang Knickle ng maupo sa kama ng anak matapos ilagay ang nasa Tray na pagkain sa side table ng Anak. Tulala lamang si Amhira na naka upo at natatakpan ng kumot ang kalahati ng katawan. "Please, para kay mommy at daddy. Di ka nag almusal, di ka rin nananghalian." Pag susumamo ng Ina.

"Mommy." Sambit ni Amhira at nag simulang umiyak. "B-Bakit po pag nag k-kakaron ako ng kaibigan iniiwan a-ako?"

Naluha na rin si Knickle at niyakap na lang ang anak. Hindi niya alam kung paano ito patatahanin at pagagaanin ang loob.

"Shhhh, nag kakataon lang ang lahat. We didn't know if kailan kukunin ang buhay ng isang tao. Atleast diba bago sila namaalam ikaw ang naging kaibigan nila. Pinahalagan at minahal mo sila kaya't may babaunin silang magandang ala-ala ng isang kaibigan na dadalhin nila sa Heaven." ngiti ni Knickle sa anak at hinaplos ang mukha na may luha.

"Really po? Magiging happy po ba sila don? Hindi po ba sila mag i-skip ng pagkain?"

Natawa naman si Knickle. "Hindi anak. When you are in heaven you will never feel hungry, you will never feel anything. Si Rose di niya mararamdaman yung mga sugat na tinamo sa pagkaka sagasa sa kanya at si Shane naman hindi na niya mararamdaman ang sakit na dinadala niya." Paliwanag ng Ina. "Kaya ipag-pray na lang natin ang soul nila, okay? Hindi din sila magiging happy when they see you sad."

Tumango naman ang bata at ngumiti. "Yes mommy, from now on i will never cry na po. I will accept that they will not coming back anymore but they will always stay in my heart forever."

Napangiti naman ang Ina sa sinabi ng anak at niyakap ito ng mahigpit. Napabitiw lang sila sa pag yayakapan ng marinig ang paggtunog ng tiyan ni Amhira dahil sa gutom. Natawa ang mag-Ina.

"Uhm, mommy, I'm hungry na po kanina pa." Naka nguso nitong sabi na ikinatawa ng Ina.

"Oh see? You starved yourself. Nako magagalit ang mga kaibigan mo." Sabay tayo nito at kuha sa pagkaing dinala.

It's already 3pm, at meryenda na kaya't ipinag bake niya na lang ito ng Chocolate puff Pastry at Chocolate brownies with ice cream and Raspberry sauce.

"Hmmm..." nakapikit na sabi ni Amhira at inamoy ang hinanda ng Ina. "My favoriteeee." She giggled.

"You'll eat Chocolate puff first, okay?" Sabi ng Ina. Tatlong piraso kasi ng Chocolate puff ang dinala niya para sa meryenda ng anak at isang Brownies para sa dessert nito.

"Pag naubos mo na ang kinakain mo tawagin mo na lang ako ah? Mag hahanda lang din ako ng iba pa nyan para sa papa mo." Sabi ng Ina sabay halik sa noo ng anak na busy sa paglantak ng pagkain.

Pagkaalis ng Ina'y binalot nanaman ng lungkot si Amhira. Kahit anong sabihin niyang tatanggapin na niya ang pagkawala ng mga kaibigan niya'y hindi nya pa rin maiwasang maisip ang mga ito at malungkot.

MABILIS lumipas ang mga araw, linggo, bwan at taon. Sa Limang taon na lumipas ay iginugol niya na lang ang kanyang sarili sa pag-aaral.

Pero ng mag simula ang klase'y akala niya'y magiging tahimik ang buhay niya ngunit nagkamali siya. Dahil may isang makulit na babae na napag alaman niyang transferee ang ginugulo siya.

"Ano ba? Di mo ba ako titigilan? Arghhh! Nakakainis ka na!" Sigaw ni Amhira sa babaeng halos walang ibang ginawa kundi sundan siya kahit san siya mag punta at tanungin kung pwedeng maging kaibigan.

"Ang sungit mo talaga. Ayaw mo ba akong maging kaibigan? Wala akong kaibigan, wala rin akong nakikitang kaibigan mo. Kaya tayong dalawa na lang?" Nakangusong sabi nito sabay hawak sa kamay ni Amhira na agad naman nitong hinawi.

"Ayoko nga! Ang kulit mo! Ilang beses ko ng sinabi sayo na ayoko diba?" Sabay irap nito.

"Kaya pala wala kang nagiging Kaibigan dahil ang sungit mo. Ang sama ng ugali mo." Mariing sabi ng babae.

Sarkastiko namang natawa si Amhira sa sinabi nito. "Ha! Unbelievable! Matagal mo na akong sinusundan ngayon ka lang nag reklamo? Isipin mo kung ano ang gusto mong isipin tungkol sa akin at wala akong pakialam." Mariin ring sabi ni Amhira. "Alam kong iiwan mo rin ako kapag naging kaibigan kita." Pabulong niyang sabi sa huling mga salitang binigkas at Nag iwas ng tingin ng mamuo ang luha sa mata.

"Ano yon? Di ko narinig yung huli eh."

Napapikit si Amhira kaya't may tumulong butil ng luha sa kanyang pisngi.

"Halaaa! Bat ka umiiyak?" Napatakip sa bibig ang babae.

"Leave me alone, okay? Just.. just leave me freaking alone." Mahinahon at mariing sabi ni Amhira at umalis na.

Nag punta siya sa girls comfort room at nagkulong sa isang cubicle at doon humagulgol ng iyak.

Gustong gusto niya na ring magkaroon ng kaibigan ngunit natatakot siyang iwan rin siya nito pag napalagay na ang loob niya rito.

3 years ago kasi may isang lalaking nerd na gusto siyang maging kaibigan, hindi niya sinungitan at pinapakisamahan niya naman pero makalipas ang halos isang bwan ay namatay ito dahil sa pang bubully ng mga ka eskwela nila.

Naisip ni Amhira na baka may sumpa siya. Kaya't hindi na siya muling nag aksaya pa ng panahon para maghanap o mag karoon ng kaibigan.

Ayaw niyang maging harsh at masungit sa babaeng iyon—na nag pakilalang Chrisha—dahil sa ilang linggong pag hahabol nito sa kaniyay lagi siyang binibilhan ng pagkain kapag break time na hindi siya pumupunta sa canteen.

Para siyang isang mamahaling Vase na mababasag kaya't oras na may lumapit sa kaniya'y hinaharang ni Chrisha.

Kapag may nang-aasar sa kanya na grupo ng mga babae'y andyan agad si Chrisha para paalisin ito. Ito rin ang nakikipag away para sa kaniya.

Pero natatakot talaga siya na baka iwan lang din siya nito katulad ng mga naging kaibigan niya. Noong mamatay kasi ang nerd na nakasama niya ay kumalat sa buong school nila na siya ang dahilan kaya't namatay ito.

Napahinga si Amhira ng malalim bago pinunasan ang luha at inayos ang sarili bago lumabas ng cubicle.

Nagulat siya dahil tumambad agad sa kanya si Chrisha—at mas nagulat siya sa ginawang pagyakap nito sa kaniya.

"Nasaktan ba kita sa sinabi ko? Sorry na. Nabigla lang din ako sa nasabi ko. Promise, di na mauulit kahit sungitan mo ako araw-araw, okay lang basta wag mo akong lalayuan. Ikaw lang ang gusto kong maging kaibigan, Amhira."


———
;)

Am I the one who took my Bestfriend's Life? Where stories live. Discover now