CHAPTER TWO

65 3 0
                                    



"Peace be with you."

Nakapikit na Nakangiti si Amhira ng halikan siya sa magkabilang pisngi ng kanyang mga magulang ng marinig ang mga salitang iyon.

Ibig sabihin ay matatapos na ang misa, halos isang oras rin ang misa kaya't masaya siya na matatapos na at kakain na sila sa labas kasama si Shane.

Ilang minuto pa ang lumipas at nakita ni Amhira na nagsisilabasan na ang mga tao hudyat na tapos na ang misa. Hawak siya sa mag kabilang kamay ng kanyang mga magulang ng papalabas sila.

Agad niyang hinanap si Shane, mahaba na ang kanyang leeg sa kakatanaw sa pwesto nito. Kumunot ang noo niya ng makitang maraming taong nag kukumpulan kung saan ang pwesto ng kanyang kaibigan. Agad silang lumapit doon at naki usyoso sa mga tao, laking gulat ni Amhira ng makita ang kaibigan niyang nakahiga sa malamig na semento. Hawak ng kanang kamay nito ang tiyan—malamang ay iyong parte iyon na masakit—at putlang putla.

Agad siyang bumitaw sa hawak ng magulang niya at agad na tumakbo palapit kay Shane. Binuhat niya ang ulo nito at ipinatong sa mga binti niya.

"Shane! Shane!" Naluluha ng sigaw ni Amhira. "Mommy! Daddy! Call the ambulance! Si Shane!" Tuluyan ng humagulgol ng iyak si Amhira.

Agad namang dumating ang ambulansya na tinawagan ng magulang niya. Si Amhira ang sumama sa ambulansya at sumunod naman ang kanyang magulang sakay ng kanilang sasakyan.

Ng tumigil sa Hospital ang ambulansya ay agad ibinaba si Shane sakay sa stretcher at dinala sa Operating Room. Umiiyak na umupo si Amhira sa waiting area ng Hospital. Agad namang dumating ang kanyang mga magulang at niyakap siya.

Ilang minuto ang lumipas ay lumabas na ang doctor.

"D-Doctor, kamusta po ang kaibigan ko? Pwede na po ba akong pumasok sa loob?" Agad na tanong ni Amhira.

Ginulo naman ng doctor ang kanyang buhok at yumuko.

"Iha, pwede bang maupo ka muna? Kakausapin ko muna ang magulang mo."

Tumango naman si Amhira at naupo na lang muli.

Lumayo ng kaunti ang doctor at magulang ni Amhira.

"Kamusta ho yung lagay ni Shane?" Agad na tanong ni Knickle.

"I'm sorry." Malungkot na wika ng doctor sabay yuko. "Ginawa namin ang lahat ngunit hindi na kaya ng kanyang katawan. Matagal na niya sigurong iniinda ito. Sobrang laki na kasi ng hiwa ng kaniyang sugat. Meron siyang Stomach Ulcer. Hindi kasi agad ito naagapan kaya't mas lumaki ang sugat."

"Jusko!" Napayakap na lang si Knickle kay Jayson.

"Asan na ho siya doc?"

"Nasa OR pa, ililipat na sa Morgue. I'm sorry again Mr. and Mrs. Ballesteros." Sabay bow ng doctor at nag paalam ng aalis.

Hindi alam ng mag asawa kung paano sasabihin at ipapaliwanag ito kay Amhira.

"Mom, Dad? Pupunta na po ba tayo kay Shane?" Tanong ni Amhira ng maupo na ang mag asawa sa kanyang tabi.

Umiwas ng tingin si Knickle dahil nag babadya nanamang tumulo ang luha nito. Naging close niya na rin kasi ang bata at tinuring na rin nila itong anak.

"Baby, i'll explain it to you, okay?" Mahinag sabi ni Jayson sa anak. "May sakit si Shane kaya siya nawalan ng malay kanina. Siguro matagal niya na iyong iniinda kaya lumala na."

"Ano pong sakit niya? Magagamot pa po siya diba?"

Ngumiti si Jayson at niyakap na lang ang anak.

"Daddy! Pupuntahan ko na po si Shane. Sa operating room po diba?" Sabay kalas sa yakap ng kanyang ama at tayo.

"Amhira, sit down please." Si Jayson sabay hawak sa kamay ng kanyang anak at paupo nito. "She's not in the operating room, inilipat na siya sa morgue." Nag pipigil ng iyak ang ama.

"M-Morgue?" Gitlang wika ni Amhira.

Familiar na si Amhira sa morgue dahil doon niya huling nakitang nakahiga si Rose—bago sa coffin—noong nasagasaan ito.

"D-Diba po d-doon din dinala si R-Rose? D-Doon po dinadala yung mga n-namatay na po? I-Ibig sabihin p-po p-patay na si Shane?"

Niyakap na lang ng dalawa ang nag iisa nilang anak. Hagulgol na lang ni Amhira ang narinig sa pasilyo ng Hospital.

Am I the one who took my Bestfriend's Life? Where stories live. Discover now