CHAPTER FIVE

3 1 0
                                    


"HOYYYY! ANONG GINAGAWA NINYO?!"

Napatigil si Chrisha sa paglapit sa kaibigan ng marinig ang malakas na sigaw ng isang lalaki. Kahit ang tatlong lalaking may hawak kay Amhira'y natigil rin.

Napaharap si Chrisha sa kanyang gilid kung saan naroon ang lalaking sumigaw. Matangkad, naka uniform na pang sr high—katulad ng mga lalaking may hawak kay Amhira kanina—Magulo ang buhok, halatang maganda at malinis sa katawan. Halata ring mayaman.

"Anong ginagawa niyo?" Ulit nito sa tanong habang nag lalakad palapit sa tatlong lalaki.

Walang sumagot sa tatlo at halatang kinakabahan at may binabalak na tumakas. Agad namang binitawan ng dalawa si Amhira at inayos naman ng isa ang kanyang pantalon.

"Ano? Walang sasagot o gusto niyo pang ulitin ang tanong ko?" Malamig na sabi nito—mas naka agaw pansin pa ang adams apple nitong gumagalaw sa tuwing nag sasalita at paminsa'y lumulunok—nanginig ang tatlong lalaki at akmang aalis ng mapigilan ni Chrisha.

"At saan kayo pupunta?" Tanong ni Chrisha sabay sarado sa pinto ng rooftop.

Nagulat si Chrisha ng biglang tumakbo palapit at lumuhod ang tatlong lalaki sa harap ng lalaking sumigaw—nasa gitna iyong naka tayo sa harap ni Amhira kanina at nasa magkabilang gilid nito ang dalawang mukhang alalay. 'Ano't nagaisiluhod ang mga unggoy na ito?' Tanong ni Chrisha sa isip.

Agad namang lumapit si Chrisha kay Amhira at itinayo ito't inayos ang uniform na wala na ang tatlong butones sa may dibdib at ang skirt na nakatiklop hanggang upper thigh. Nanginginig na niyakap niya si Amhira na umiiyak.

"Shhhh! Papaalisin natin ang mga yan dito." Sabi ni Chrisha habang hinahaplos ang mukha ni Amhira. "Anong ginawa nila sayo? Sinaktan ka ba nila? May masakit ba sayo?"

Umiling naman si Amhira. "N-Nagulat na lang ako pag-akyat ko dito b-bigla na lang may h-humigit sakin. T-Tapos ginawa na nila iyong n-nakita niyo k-kanina." Uutal utal pa't nanginginig at halatang takot pa ring sagot ni Amhira.

"Ano't ginagawa niyo yon? Alam niyo bang pwede ko kayong paalisin dito?" May itatanong pa sana si Chrisha ngunit sabay na silang napaharap ni Amhira sa lalaki dahil sa sinabi nito.

"Handa naman kaming umalis dito." Matapang na sagot ng nasa kaliwang lalaki.

Naningkit ang mga mata ni Chrisha sa narinig sa lalaki. 'Nakakapag taka na matapang pa rin ito kahit na alam niyang mapapaalis sila. I smell something fishy.' Sa isip niya.

"Ang tapang niyo naman kung ganon. Bakit di na lang kayo umalis agad, kelangan mag papansin muna kayo rito bago umalis? Para ano? Para maging Famous dito? At purihin? Na matapang niyong nasaktan si Amhira at hindi kayo namatay?" Dire-diretsong sariastiko at natatawang sabi ni Chrisha.

Natahimik naman ang tatlo at nagsiyukuan na lang. "oh asan na ang mga tapang niyo?" Patuloy ni Chrisha. Wala pa ring sumagot at tanging ihip lang ng hangin at huni ng mga ibon ang umiingay sa paligid.

"S-Sino siya?" Biglang bulong ni Amhira.

"Hindi ko rin alam." Bulong rin ni Chrisha sa kanya.

Nakakunot noo naman ang lalaki—si Mr. Sumigaw kanina—at isa isang tinignan ang tatlo. Hindi masyadong maaninag ni Chrisha ang mukha ng lalaki dahil sa sinag ng araw na nasa likod nito at dahil malayo layo rin sila sa kinatatayuan nito.

Hinawakan ni Chrisha si Amhira sa kamay at dahan-dahang naglakad ang dalawa papalapit sa mga ito.

"Diba sabi ko ayoko ng may mga ganitong eksena? Ayoko ng may nalalaman akong nangyayaring ganito dito sa loob ng school at mas lalong ayoko na makikita ko mismo." Maawtoridad nitong sabi. "Dahil lumabag kayo sa isa sa mga rule na ako mismo ang gumawa ay inuutusan ko kayong umalis na ngayon mismo sa harap ko at hindi na muling babalik o makaka apak man lang dito sa Lee-Uni." Napaharap si Chrisha kay Amhira dahil sa biglaang paghigpit ng hawak nito sa kamay niya. Alam nyang nakaramdam rin ito ng kilabot at lamig sa katawan dahil kahit siya mismo'y ganon ang naramdaman.

Nakakakilabot ang malalim, malamig at maawtoridad nitong boses at pananalita. The way he speak sent shiver down Chrisha's spine. Hindi niya rin ito kilala at ngayon niya lang nakita ang mukha nito dahil sa sr high na ito—nasa kaliwang part kasi ang building ng mga sr high at nasa kanan naman sa junior high.

Unti-unting tumango ang mga lalaki, nakita niyang natatakot na rin ang mga ito.

"THIS IS MY RULE! SO NOW, LEAVE!" Umalingawngaw sa buong rooftop ang boses ng lalaki at dahil rin sa gulat ay napapikit at napatalon ang magkaibigan. Kahit gulat pa at nanginginig ang tatlong lalaki'y dali-dali rin itong nagsitakbo papunta sa pintuan—nadapa pa ang isa. Sa isip ni Chrisha'y humahalakhak na siya dahil sa pagkakadapa ng isa 'Napaka tanga naman' sa isip niya.

"Are you okay?" Napaharap muli si Chrisha sa lalaki ng magsalita ito at nagulat siya ng makitang nasa harap na nila ito ni Amhira. Doon na niya mas nakita ang mukha nito. Tinitigang mabuti ni Chrisha ang mukha ng lalaki—Singkit ang mga mata, makapal ang kilay na sobrang bagay sa kanya, may nunal sa gitna ng kilay, maganda ang pagkakatangos ng ilong at mapula ang makapal kapal na labi and He's-freaking-ultra-mega-hot.

"A-Ah, o-oo." Utal utal na sagot ni Amhira dahil sa hindi inaasahang tanong nito.

"Sinaktan ka ba nila? Kahit napaalis ko na sila, I will still report it to the guidance office. Those fvcking stupid bastards." Bulong nito sa huling tatlong salita kaya't hindi na rin narinig ng dalawa.

"T-Thank you." Sabi ni Amhira. "S-Siguro nagawa na nila ang gusto nilang g-gawin sakin kung...kung di ka d-dumating." Nakayuko pang dagdag nito.

Napakunot naman ang noo ni Chrisha ng may mapagtanto. 'Bago ako makaakyat dito'y andito na ang lalaking yan. Paano't hindi niya agad tinulungan si Chrisha? Ano pinanood niya muna? At baka kung hindi pa ako dumating ay wala talaga siyang gagawin.' Sa isip ni Chrisha. Ipinag kibit balikat niya na lang iyon.

"Paano nga palang nagkaroon ka ng rule dito?" Singit ni Chrisha. "Sino ka ba?" Agad naman siyang siniko ni Amhira dahil sa mga deretsahang tanong.

"I'm Dior Louis Lee, by the way." Sabay lahad nito ng kanang kamay. Dahil sa alam ni Chrisha na nahihiya si Amhira'y siya na ang kumuha sa kamay nito.

"I'm Chrisha Psalmuelle Valdez and She's Amhira Zandara Ballesteros—we're a grade 8 student." Pag papakilala ni Chrisha at bumitaw na sa shake hand. "Ang mahal naman ng pangalan niya. Mamahaling brand ng bag." Natatawang Bulong ni Chrisha sa tenga ni Amhira kaya't napabalik ito sa wisyo galing sa malalim na pag-iisip at Pinanlakihan siya ng mata kaya't natahimik siya.

Sa isip ni Amhira'y familiar ang pangalan ng lalaki pero hindi niya alam kung paano o saan niya narinig ang pangalan nito.

"May position ako sa Student Council." Sabi ni Dior.

"Bakit di mo tinulungan agad si Amhira? Nauna ka pa sa akin dito kasi hindi ka nang galing sa pintuan." Hindi na napigilan ni Chrisha ang mag tanong.

"Ah, kasi kailangan ko pang i-video para may evidence." Sagot nito. Tumango at nag kibit balikat na lang si Chrisha kahit hindi siya kuntento sa sagot nito.

"Familiar talaga ang pangalan mo. Sino ka ba talaga?" Napasapo naman sa noo si Amhira sa mga tanong ni Chrisha nasobrang straight forward.

"Dior Louis Lee, the Campus King." Malamig na sabi nito sabay lakad paalis. Kahit naka alis na ang lalaki ay naka tulala pa rin ang mag kaibigan sa pwesto ng lalaki habang may mga nanlalaking mata.

"OH MY GOD!" Biglaang bulalas ni Amhira sabay takip ng kamay sa bibig.

"PUTAKTE! TOTOO BA NA NAKAHARAP NA NATIN ANG ANAK NG MAY ARI NG SCHOOL NA 'TO, AMHIRA?"

————
;)

Am I the one who took my Bestfriend's Life? Where stories live. Discover now