CHAPTER SIX

3 1 0
                                    


Hindi na pumasok pa sa susunod na subject ang magkaibigan, inaya na lang ni Amhira si Chrisha sa bahay nila para doon na lang mag palipas ng oras. Hindi naman sa lagi silang nag ka-cut ng class—mga twice a week lang.

Nag pasalamat si Amhira dahil wala pa ang mommy at daddy—malamang ay nasa opisina pa nila ito—mang-uusisa nanaman ang mga ito kapag nakitang andito silang muli sa bahay ng ganito kaaga.

Ayaw niya rin malaman ng mga ito na may nangyayari sa kaniya sa school. Hindi pwede.

Wala silang ibang ginagawa kundi—mag bake, kumain, mag movie marathon, swimming at kung minsa'y nag pipictorial. Mahilig kasi si Amhira'ng kumuha ng mga litrato at mag make-up ginagawa niyang pag pa-practice-an si Chrisha. Minsa'y pinag susuot niya pa ito ng mga damit niya—na hindi niya ginagamit dahil halos labas na ang kaluluwa kaya minsa'y naiinis si Chrisha pero hindi niya din matiis si Amhira kaya't pumapayag na lang din siya.

Ngayon ay nasa may pool sila, pinasuot niya kay Chrisha ang isa sa mga swim wear niya.

Ngayon ay nasa may pool sila, pinasuot niya kay Chrisha ang isa sa mga swim wear niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(A/N: imagine-in niyo na lang basta morena sila hehe.)

Pina-pose ni Amhira ng kung ano-ano si Chrisha

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pina-pose ni Amhira ng kung ano-ano si Chrisha. Napapangiti si Amhira kapag nakukuhang agad ni Chrisha ang ibang pose na itinuturo at pinapagaya niya. Bagay na bagay kasi kay Chrisha ang pinili niyang swim wear dahil maganda ang katawan nito. Noong una'y ayaw pa nga nitong isuot iyon pero dahil makulit siya'y napapayag niya rin.

Kaya niya laging isinasama si Chrisha sa bahay nila dahil minsa'y nawawalan na ng oras ang magulang niya sa kanya. Nalulungkot siya kapag nag-iisa lang siya sa malaki nilang bahay. Madami sigurong nag iisip na ang pambubully lang sa kanya ang problemang pinag dadaanan niya ngunit hindi. Kung noon ay umuuwi ang magulang niya tuwing linggo para mag simba sila, ngayo'y hindi na. Kung noo'y kaya ng mga itong lumiban sa pag tatrabaho para makasama siya, ngayo'y hindi na. Habang lumalaki kasi siya'y mas naging busy ang mga ito 'siguro'y alam nilang kaya ko na kaya't kahit hindi na sila umuwi, okay lang dahil malaki naman na ako.' Yan ang laging nasa isip ni Amhira.

Mabibilang sa kanyang daliri kung ilang beses lang umuwi sa isang taon ang magulang niya. Lagi niya naman itong nakakasama sa pag celebrate ng mga importanteng okasyon tulad ng birthday niya, birthday ng magulang niya, pasko at bagong taon. Pero ramdam pa rin ang lungkot dahil kahit sa mga ganoong okasyon ay may ginagawa ang mga ito. Pagkatapos ng party ay balik trabaho kahit nasa bahay, kaya parang wala lang rin. Iniisip niya na lang na para naman sa kanya iyon kaya mas pinag iigihan ng magulang niya ang pag papatakbo sa negosyo nila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 17, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Am I the one who took my Bestfriend's Life? Where stories live. Discover now