CHAPTER FOUR

3 1 0
                                    


"Nasaktan ba kita sa sinabi ko? Sorry na. Nabigla lang din ako sa nasabi ko. Promise, di na mauulit kahit sungitan mo ako araw-araw, okay lang basta wag mo akong lalayuan. Ikaw lang ang gusto kong maging kaibigan, Amhira."

Nagitla si Amhira sa mga sinabi ni Chrisha. Hindi niya alam kung ano ang gagawin at dapat maramdaman. Kung yayakapin ba ito pabalik o itutulak? Maging masaya dahil kahit araw araw niya itong ipag tulaka'y nag pupursige pa ring maging kaibigan siya o masasaktan dahil baka iwan lang siya nito?

Kahit anong tanggi ni Amhira sa sarili'y alam niyang masaya siya dahil ngayon na lang ulit may nag lakas ng loob na kaibiganin siya matapos kumalat ang issue na may sumpa siya.

Ilang minuto silang natahimik bago kumalas sa yakap si Chrisha. Ngumiti ito sa kanya kahit may luha sa mga mata. Nasasaktan din si Amhira kapag ipinag tatabuyan niya si Chrisha.

Amhira wipe Chrisha's tears using her thumb Finger. Nanlaki naman ang mata ni Chrisha at mas naiyak dahil sa ginawa ni Amhira.

"I-I'm sorry." Nakayukong sabi ni Amhira matapos punasan ang luha ni Chrisha. "N-Natatakot lang k-kasi ako na baka..baka i-iwan mo rin ako. Di mo ba naririnig y-yung mga issue tungkol sa akin?"

"Na ano? Na may sumpa ka? Na ang bawat nalalapit raw sayo'y namamatay?" Natawa namang si Chrisha. "Alam kong hindi iyon totoo. Edi sana diba nung napalapit palang ako sayo, namatay na agad ako? Eh hindi naman eh! Mukha kang anghel para pagsabihan nilang may sumpa, duh?" Umirap ito at nagkatinginan sila kaya't sabay silang natawa.

Hindi namalayan ng dalawa na mabilis lumipas ang mga araw (a/n na magkasama tayong dalawa.char.) lagi na silang magkasama at halos hindi na mapaghiwalay pa. Pero minsa'y hindi talaga maiwasan na may mang-bully kay Amhira dahil sa nagkaroon na siya ng kaibigan.

"Tumabi kayo! Andyan na ang babaeng sumpa!"

"Ay, tara na mamaya na lang tayo mag snack baka bumulagta na lang tayo bigla kapag tinapunan tayo ng tingin."

"Grabe, sayang! Ang ganda niya sana."

"Kung wala lang yang sumpa, niligawan ko na yan. Baka mabilis pa akong maka Score! Hahaha!"

Sinundan din ito ng tawanan ng ibang mga lalaking estudyante. Nagsialisan na ang iba at ang iba nama'y lumayo lang ng table ngunit hindi pa rin nawala ang mga bulungan sa paligid at ang lahat ng mga mata nito'y nakatingin sa kanila.

"Alam mo Amhi, gustong gusto ko ng patulan ang mga yan." Nag pipigil ng galit na sambit ni Chrisha.

"Hayaan mo na, Sha." Pilit na ngiti naman ni Amhira.

Naglakad na lang sila papunta sa counter para mag order pero hindi pa man sila nakaka abot ay may bumangga na sa kanila at tumapon pa ang mga dala nitong pagkain sa damit ni Amhira.

"Oh my god! Tumingin nga kayo sa dinaraanan niyo!" Sigaw ng babaeng nakabangga kay Amhira.

"Hoy! Wag mong masigaw-sigawan si Amhi ah! Ikaw itong hindi tumitingin. Halata namang sinadya mo, kung hindi mo yon sinasadya edi sana pati ako natapunan!" Di na napigilan pa ni Chrisha ang sarili.

"Sha, wag na, please." Bulong ni Amhira sa kanya.

"How dare you! Haharang harang kasi ang babaeng sumpa sa dinaraanan ko!" Sabay padurong tulak nito sa ulo ni Amhira.

"Edi lumabas din ang totoo. Si Amhi nga ang puntirya mo at sinadya mo!" Tinulak rin ni Chrisha ang babae.

"What the hell?! Di mo ba ako kilala? Ako ang campus queen!!" Paghisterya ng babae habang masama ang tingin sa dalawa.

"Campus Queen? Bakit? Dahil ba maganda ka? Ha! Maganda nga bulok naman ang ugali!" Natatawang sabi ni Chrisha sabay kuha sa bulsa niya ng pera. "Eto oh, Bente! Pambili mo ng manners sa kanto."

"WHAT?! Argh! So Annoying! Makaalis na nga baka mahawaan pa akonng sumpa." Akmang tatalikod na ito ng hinigit ni Chrisha.

"Teka lang. Sumpa ba kamo? Edi sana kanina ka pa namatay kung may sumpa si Amhira. Edi sana kahit isang salita wala ng lumabas dyan sa bibig mo." Nakangising sabi nito sabay lapit ng bibig sa tainga ng babae. "Kung ang pusa may siyam na buhay, ikaw may isa lang. Sa oras na dumapong muli ang kamay mo kay Amhira, kahit pamilya mo'y di mo na mahahawakan pa. Dahil. Puputulin. Ko. Isa. Isa. Ang. Bawat. Daliri. Na. Meron. Ka." Nanlaki naman ang mga mata ng babae at agad na itinulak si Chrisha at kumaripas ng takbo sa sobrang takot.

Nawala ang ngisi sa labi ni Chrisha ng makitang wala na si Amhira sa likod niya. Agad niyang iginala ang mata sa loob ng canteen ngunit wala ito roon.

Agad siyang tumakbo palabas ng canteen para hanapin si Amhira. Una niyang pinuntahan ang Girls comfort room—kung saan ito laging nag kukulong kapag may ganitong eksena—ngunit wala ni anino nito. Sunod ay ang quadrangle, ngunit wala rin. Halos nalibot na rin ni Chrisha ang buong campus pero hindi niya pa rin mahanap si Amhira.

Huminga ng malalim si Chrisha at nag pahingang sandali tsaka tiningala ang 4th floor building. Alam nyang nasa rooftop ng building na to si Amhira. Doon kasi sila laging tumatambay kapag may nangyayaring away sa pagitan nila at ng mga estudyang nambubully. Tinawag nila itong "Freedom Place" dahil malaya nilang nagagawa ang mga gusto nilang gawin na hindi nagagambala ng sinumang bully'ng estudyante. Wala na rin kasing ibang umaakyat sa rooftop na ito ng malaman ng mga estudyante na lagi na silang nakatambay rito.

Nagsimula ng umakyat si Chrisha sa hagdan.

"Bakit ba kasi sila nag tayo ng sobrang taas na building tapos walang elevator?" Natatawang sabi niya sa sarili.

Kahit sobrang pagod na ng mga binti nya'y binilisan niya pa rin ang pag akyat para makita agad si Amhira. Ng sa wakas ay bumungad na sa kanya ang pintuan papunta sa rooftop ay napangiti siya at napahawak at the same time sa mga tuhod dahil sa sobrang pagod.

"AHHHHH!"

Napatayo agad ng tuwid si Chrisha ng marinig ang sigaw na iyon. Alam niyang boses iyon ni Amhira kaya't dali dali niyang binuksan ang pintuan ng rooftop at bumungad sa kanya ang kaibigan niyang nakahiga sa malamig na semento at hawak sa magkabilang kamay ng dalawang lalaki habang nakatayo naman sa harap nito ang isa pang lalaki na nasa ibaba na ang pantalon.

"HOYYYY! ANONG GINAGAWA NINYO?!"


—-
;)

Am I the one who took my Bestfriend's Life? Where stories live. Discover now