Chapter 11

103 45 24
                                    

"May girlfriend na daw si Dylan"

"Weh?For real?"

"Oo nga.May nakakita daw,pero hindi nakita 'yung mukha ng babae kasi nakatalikod"

Naglalakad ako sa corridor patungo sa classroom ko.

Umagang umaga puro chismisan ang naririnig ko. Tungkol na naman sa Dylan na 'yan! Ano naman ngayon kung may girlfriend s'ya?

Like wtf? Lahat na lang ng bagay tungkol sa kanya ganun na lang ka-Big Deal sa mga taong 'to.

Busy ako sa pagkokomento sa isip ko tungkol sa mga schoolmates ko na wala ng matinong ginawa sa buhay kundi ang magchismisan tungkol sa misteryosong Dylan na'yon nang bigla akong natumba at napaupo sa sahig.

Shit.

Bubulyawan ko na sana kung sinoman ang lapastangang bumangga sa akin nang makita kong kumpulan ang tao sa labas ng classroom namin.

Malamang sa malamang na isa sa mga ito ang nakabangga sa akin.

Pero teka,bakit ang daming tao dito?

"Yeah.We're officially in a relationship now."Dinig kong sabi ng babaeng pinagkukumpulan nila.

"Nakakainggit si Akira noh?Sabagay they are perfectly perfect with each other" dinig ko namang sabi ng isang estudyanteng nasa pinakadulo ng kumpulan.

Pinilit kong makita ang itsura ng babaeng iyon.

Pake nyo?Curious ako eh.

Kinailangan ko  pang tumingkayad para lamang makita ang itsura ng babae.

Kaklase ko s'ya pero hindi pamilyar.
Baka ngayon ang unang araw na ipinasok n'ya. Oo baka lagi naman talaga siyang nasa classroom pero dahil anti-socialize ako ay hindi ko alam na nag eexist pala sya bilang kaklase ko.

"Ofcourse!We're madly deeply inlove with each other.Actually,we're childbood bestfriends back then.Maybe this is our fortune,to be in each other's arms" wow ah.
Ganyan ba talaga pag inlove? Ang korni? Hindi ko maiwasang mapairap sa mga naririnig ko.

Tsaka istorbo sila ah! Talagang sa pintuan pa sila ng classroom namin humarang! Mga walang hiya sa kapwa.

Pinilit kong isiksik ang sarili ko sa mga taong nagkukumpulan para lang makapasok sa loob. Wala akong paki sa kung anoman ang pinag uusapan nila. Ang mahalaga ay makaupo na ako sa aking upuan, ayokong mangalay noh. Kung sila kayang tiisin 'yon para lang makapag interview ng bitch-like na babae well iba ako.

Kapag tumayo pa ako ng mas matagal sa labas baka bigla ko na lang maibato sa kanila ang sapatos kong may 4 inches na takong lalo na at sagabal sila sa daraanan ko.

Pumunta ako sa upuan ko at isinalampak ko ang ulo ko sa armchair. Inaantok pa ako.
Tangina kasi ng Aldrin na 'yon eh.
Hindi ako nakatulog kagabi kakaisip kung bakit hindi n'ya ako inilaglag kay daddy. Baka mah mas masama s'yang binabalak. O baka naman sobrang nagagandahan s'ya sa akin at kahit magpinsan kami ay hindi na n'ya maitago ang paghanga n'ya sa akin.

Oh ano? Walang papalag.
Maganda  talaga ako alam  ko na 'yon wag n'yo ng ipangalandakan pwede?

Makakaidlip na sana ako nang may panibagong hiyawan na naman akong narinig.

Tang*na.Anong problema ng mga taong 'to?

Nag angat ako ng ulo at nakita kong may isang tao pa silang pinagkukumpulan.

Hayst. Mga tsismosa.Buti sana kung may kwenta ang pinag uuspan.

Napalingon ako sa katabi kong upuan.
Himala at wala ang lamang lupang iyon! Baka tinubuan na ng hiya sa katawan.
Muli kong sinilampak ang ulo ko at natulog na.

---

Nagising lang ako nang dumating na si Sir Aryann. Our Philosophy teacher.

Oo. At the same time 'yung pilosopo naming teacher.

Masyado n'yang pinanindigan 'yun para daw makatotohanan.

Sana bukod sa clinic magpagawa din sila ng mental institution dito kahit maliit lang.

Pakiramdam ko konti pa at mababaliw na ako eh.

"Ms.Hontiveros" napapitlag ako sa pagkakatawag ng pangalan ko.

"Yes sir?" Tangjuice.Di man lang ako nainform mukhang may recitation pa ata.

"Sino ang pinakagwapo mong teacher?" Eto na ba 'yung tanong?

"Sir?" Pag uulit ko. Baka mali lang ako ng dinig.Kasi sa pagkakaalam ko, wala namang ganitong tanong sa philosophy.

"For the 95 percent highest grade for recitation,ang tanong,Sino ang pinakagwapo mong teacher?" Pakiramdam ko lahat kami 95 sa recitation na ito.

"Mr.Aryann Dela Vega" yan naman ang gusto n'yang marinig eh. Edi ayan ang sasabihin ko.Sayang ang 95 noh.

"Very Good.Ang tatalino naman ng Section A. Hindi ko pa 'yan itinuturo sa inyo pero alam na alam n'yo na"

Hindi ko alam kung talaga bang degree holder to pagdating sa Education o baka naman s'ya yung nakikita kong baliw doon sa may kabilang kalsada at nagbihis lang ng matino para makapasok sa prestihiryosong paaralang kagaya nito.

"You may now take your seat Ms.Hontiveros.Dahil sa sobrang ganda ng sagot mo you got 100 in this surprise recitation"

Napaupo na lang ako habang umiiling iling pa. Srsly? Nakakatanga 'tong teacher na'to.

Nagdiscuss pa s'ya ng nagdiscuss.

"Philosophy came from the greek word Philo and Sophia wherein philo means love and sophia means wisdom. Therefore philosophy means Love and Wisdom"

Paminsan minsan ay mayroon s'yang matinong sinasabi pero hindi na yata mawawala sa sistema n'ya ang nga kabundulan.

No wonder bago matapos itong semester na 'to ay marami marami na ang nauulol sa mga estudyante n'ya.

Lumulutang na naman ang isip ko.
Gusto kong makinig sa nga itinuturo n'ya pero ayoko namang matuto ng mga kagaguhan.

Siguro ay magbabasa na lang ako ng libro mamaya pag uwi ko sa bahay.
Mas tahimik at payapa roon kaysa dito.

Hindi sinasadyang napalingon na naman ako sa katabi kong silya.

Wala pa rin s'ya.

Inilibot ko ang paningin ko dahilan para makita ko s'yang nakatitig sa akin mula sa unahan.

Katabi ang babaeng iyon.

Yung babaeng pinagkakaguluhan kanina sa pinto ng classroom namin.

Bakit sila magkatabi?
At kapit na kabit pa sa braso nya ang babaeng 'yon. Akala ko ba may boyfriend s'ya?

Diba sila na 'nung Dylan?
Eh bakit kung makayapos s'ya kay DM akala mo pag-aari n'ya ito?

Muli kong binalingan ng tingin si DM pero titig na titig pa rin s'ya sa akin.

Anong problema ng isang iyon?
Ako na ang unang nag iwas ng tingin.

Mukhang wala s'yang balak eh.
Hindi ko alam na marunong din pala itong kumabit.

Kabit?

Eh magjowa pa lang naman yung babaeng yun at yung Dylan.

Oh baka naman nagseselos ka lang Leigh

-----

BrideOfDark

Ito na po 'yung pinangako kong update hehe. Yung next chapter ipopost ko kapag may nagcomment dito kahit dalawa lang :)

Para lang malaman ko kung may nagbabasa pa ba nitong story ko.

Okiee. Babush muna akes:*

Her Realistic Fantasy (UNEDITED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora