Chapter 6

3.1K 195 61
                                    

WARNING! THIS STORY IS UNEDITED. SO WAG KAYO MAG EXPECT HINDI PO AKO EXPERT OK? ASAHAN NYO ANG MARAMING GRAMMATICAL ERRORS AT TYPOS! BASAHIN NYO KUNG GUSTO NYO PERO KUNG AYAW NYO MY DOOR IS ALWAYS OPEN. AY WALA PALANG PINTO SA WATTPAD . TAKE 2! YOU'RE ALWAYS FREE TO LEAVE. INTYENDES? CAPSLOCK PARA DAMA XD

And before I forgot, I just wanna ask something guys if it's fine with you. So far, anong dating sa inyo? Maganda ba? Pangit ba? May kulang ? Or masyadong over? Please I need your opinions and suggestions.

---

CHAPTER 6

Ugh! Ang sakit ng ulo ko.
Bakit ba natutulog ako?
Ang huling pagkakatanda ko ay nasa loob na ako ng university ah.

"Miss bantayan n'yo sya. At i-Update n'yo ako tungkol sa sitwasyon n'ya" dinig ko ang boses ng isang lalaki.

Amoy gamot. Shit nasa clinic ako. Oo nga pala  nahimatay ako kanina dahil sa dugo. Blood. That was my only weakness. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata ngunit agad 'rin itong ipinikit nang makita ko kung sino ang lalaking nasa harapan ko at kausap ang nurse ng clinic.

Shit. Nandito 'yung baliw kong seatmate.

"Hey my human girl seatmate wake up 'wag ka ngang maarte. My session pa tayong gagawin" seryosong sabi nya habang marahang hinahaplos ang buhok ko.

Hayst. Walang duda pabawas na ata talaga ng pabawas ang turnilyo ng mokong na'to sa utak.

Human Girl daw? At anong akala n'ya hindi s'ya human? Sabagay tama naman s'ya. Mukha s'yang lamang lupang umahon mula sa matagal na pagkakalibing eh.

Sa sobrang puti ba naman n'ya e talagang magmumukha s'yang bangkay.

Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa mga kabalbalang naiisip ko.

" Silly human. So you're already awake huh? Pretending asleep." Oops. Wrong move. Gusto kong bigwasan ang sarili ko dahil sa katangahan ko.
Bakit nga ba hindi ko naisip na nagtutulug-tulugan nga pala ako?

Una kong iminulat ang kanang mata ko para silipin ang reaksyon n'yang seryosong seryoso. Muli ko itong ipinikit.Why is that? Bakit iba ang aura n"ya ngayon? Infairness ah mukha s'yang man of dignity and authority. Yung tindig ng katawan n'ya ay parang isinisigaw ang salitang 'dapat respetuhin nyo ako'

" Hindi ka pa ba didilat? O hahalikan muna kita?" Sabay kong iminulat ang mga mata kong nanlalaki na sa gulat.
Seryoso pa rin ang mukha n'ya. Mukhang hindi s'ya nagbibiro sa mga sinabi n'ya. Ano bang problema ng isang 'to?

"Didilat rin pala ang dami pang arte"
Inirapan ko na lang s'ya at hindi na pinansin. Nakailang ikot na ba ang aking mga mata mula pa kaninang umaga? Bakit ba napapadalas na ang pagkausap ko sa sarili ko? Tuluyan na akong nahaw---

"Sinong may gawa nito?" Mahinahon ngunit malamig nyang tanong habang hawak ang braso kong muntik ng mabutas, na ngayon ay may benda na. Hindi ako sumagot. Hindi ko naman kil---

" I'M ASKING! WHO DID THIS TO YOU?!" sa pagkakataong ito ay tumaas na ang kanyang boses. Pati ang mga nurse ay nagulat sa pagsigaw nya.

"HINDI KO NGA KILALA! ANO BANG PAKIALAM MO?!" 'Tila bigla naman s'yang natauhan at kumalma.

"Sa susunod mag-ingat ka" matapos 'nun ay tumayo na s'ya at naglakad palabas. Anong problema 'nun?

"Ms.Hontiveros you need to take this" Iniabot ng isang nurse sa akin ang isang capsule at isang sky flakes. Malugod ko itong tinanggap.

"Antibiotic yan para hindi masyadong mamaga ang braso mo. Kainin mo muna 'yung biscuit para kahit papano hindi ka sikmurain. Tinurukan ka na rin namin kanina ng anti-venom para siguradong safe ka" inabutan n'ya na rin ako ng tubig. Tumango tango ako sa kanya.

"Yes,yes.Thank-- wait, what? ANTI-VENOM? For what?" Para saan 'yung anti-venom? Venomous na ba ngayon ang kuko ng mga tao?

Nakita kong siniko ng isang nurse ang kasamahan nya.

"Transferee yan" dinig ko pang bulong nito sa kasama.

"Ah. I mean Anti-Bacterial solution. Pasensya ka na Ms.Hontiveros medyo pre-occupied lang ang isip ko kaya namali ako ng sabi" paliwanag ng nurse sa akin.

"Ah ok po"simpleng sagot ko.

"Ah miss pwede na ba akong lumabas pagkatapos kong inumin 'tong antibiotic?" Late na ako. Gusto ko ng lumabas dito sa kwartong amoy gamot.

"Ah yes Ms.Hontiveros. Basta next time take good care of yourself. Hindi basta basta ang school na ito" grabe naman to magwarning. Syempre hindi talaga 'to basta basta. Si Shiena na mismo ang nagsabi, this school is only for high-graded students.

"Sige po salamat po" tumayo na ako at nag umpisa ng maglakad palabas bitbit ang mga gamit ko.

"Hayy. Sa wakas nakalabas din" nahihilo talaga ako kapag nasa loob ng clinic o ospital. Ayoko ng amoy gamot. Ok lang naman pag paisa-isa pero pag marami kasi, ang sakit na sa ulo 'nung amoy.

Tinuloy ko na ang paglakad ko papunta sa classroom namin.
Bahagya kong nilislis ng kamay ko ang puting long sleeve na pang ilalim ng aming uniporme para tingnan sa wrist watch ko kung anong oras na.

11:40 am.

Shoot. 5 minutes na lang at tapos na ang lunch break. I need to hurry. Baka malate pa ako sa subject namin sa 21st century.

Tinakbo ko na ang hagdan paakyat sa silid aralan namin pero dahil na naman sa katangahan ko, sumabit sa nakausling pako sa pader ang sugatan  kong braso dahilan para bahagya na namang tumulo ang dugo. Tinalian ko ng panyo ang braso na hindi tinitingnan ang dugo dito. Laslas na ang benda nito na inilagay kanina ng mga nurse. Ayoko ng bumalik sa clinic. Magtatyaga na lang ako dito.
Kasalukuyan na akong nakatayo sa tapat ng pinto ng classroom namin.

11:50pm.

Shit. I'm 5 minutes late.

Huminga ako ng malalim bago nag umpisang magsalita.

"Good noon Ma'am I'm sorry I'm late"
Napatingin silang lahat sa akin na di rin nagtagal ay lumipat sa aking braso na sariwa na naman ang dugo.
Bakit ganon? Mukha silang mga pigil hiningang lahat habang nakatitig sa akin. I knew it. Being late is disrespectful. Hindi ko naman sinasadya eh. Galing akong clinic.

"Can I come I----" Naputol ako sa aking pagsasalita dahil sa gulat. Biglang  isinara ng aming guro ang pinto. Pati  ang mga bintana ay tinakpan nya ng mga kurtina.

Rinig ko din ang ingay ng mga tao sa loob ng silid na iyon.

Kinatok ko ng kinatok ang pintong nakalock.

Kinakabahan ako.
Ano ba itong nararamdaman ko?

"Ma'am? MA'AM! Ano pong nangyayari jan sa loob?" Marahas na ang ginawa kong pagkatok.

"MS.HONTIVEROS LUMAYO KA NA DITO! RUN! HABANG KAYA KO PANG PIGILAN ANG IBA KO PANG KAURI!"
Dinig kong sigaw nya akin mula sa loob na tila ba isang babala.

Nangangatal ang tuhod akong tumakbo pababa ng hagdan.

Bakit ganoon?
Bakit lahat sila ay ganoon ang reaksyon?
Anong mayroon?
Naguguluhan ako.

At kinakabahan.

-

BrideOfDark.

Vote. Comment and Be A Fan!^_^

Her Realistic Fantasy (UNEDITED)Where stories live. Discover now