TWO-Manpire University

4.1K 224 150
                                    

CHAPTER T W O

Hindi pa rin ako makatulog dahil sa pag-uusap namin kanina ni mama. Sabi niya sakin ayos na raw ang mga papeles para sa pagta-transfer ko ng school. From Cebu ay lilipat kasi kami sa Manila. Actually ako lang pala. Lilipat raw ako sa bahay nila kuya Alvin, my cousin. Sila mama at papa naman ay babalik din agad bukas sa New York dahil abala pa ang mga ito sa pamamahala sa kumpanya namin na doon nakabase. At ang dahilan nila sa biglaang paglipat ko ng matitirhan ay dahil ayaw na raw nila akong mag-isa dahil nag-aalala sila sa akin kaya mas nakabubuti kung sa kanila Kuya Alvin muna ako maninirahan.

Hindi ako mapakali magmula ng malaman malaman ko na kailangan kong umalis dito sa Cebu. Ito na ang kinalakhan kong lugar, mahirap para sa akin ang lisanin ito.

Tinawagan ko si Lyra about dito and well, as expected ay ngumawa na parang bata ang bruha. Mamimiss n'ya daw kasi ako. I will miss her too. Sa 18 years of existence ko sa mundo ay s'ya lang talaga ang nag-iisang naging kaibigan ko. Maganda naman ako at medyo mabait pero sadyang makilatis lang talaga ako sa pagkakaroon ng kaibigan. Dahil kasi sa parents ko ay nagkaroon ako ng trust issues. Alam nyo na, mangangako silang uuwi sila para makasama ako and then the next day sasabihin nilang may important meeting pala sila kaya di sila matutuloy.
________

*THE NEXT DAY*

" Best!Mamimiss talaga kita, lagi tayong magska-skype ah" Lyra is really a cry baby. I will miss this childish brat. Hayst

"Yeah. Alam ko na 'yon best, hindi mo pa sinasabi naiisip ko na. At alam ko namang maglupasay ka kapag 'di tayo nakapagvideo call eh" Natatawa-tawa ko pang sabi.

"Anak, we need to go. Baka ma-late kami ng daddy mo sa flight namin at hinihintay ka na rin nila kuya Alvin mo. We already told them about you staying there." Pagpuputol ni mama sa usapan namin.

Hinarap ko ulit si Lyra.

"Alright! Lyra is it a goodbye then?"

"Huwaaaaah." She cried outloud.

"What happened to you best? Are you alright? Nagbreak ba kayo ni Elric?" Nag-aalalang tanong ko dahil bigla na naman kasing parang batang umiyak ang bruha.

"Eh kasi--*sniff* k-kasi *hik* uwaah"

"Uy ano ba? Bat kaba umiiyak best?" Nag-aalala na talaga ako sa babaeng 'to.

"K-kasi sabi mo g-goodbye. Ayoko ng goodbye best! Ayoko, ayoko, Ayoko!"

"Ok, fine. Then see you next time?" Pagre-rephrase ko sa sinabi kong goodbye.

"Yan! Mas ok yan best. Mami-miss talaga kita."

"I will miss you too best. 'Wag ka mag-alala, we will see each other pa naman. But for now we really need to go." We hugged again. And for the last time, we bid our goodbyes.

Habang nasa b'yahe kami, hindi ko maiwasang mapatingin na lang sa bintana at tanawin ang lugar kung saan ako lumaki.

Sinalpak ko muna ang earphone sa tainga ko para makinig na lamang ng tugtog.

Ang mga nangyari sa akin sa lugar na'to at ang pagdating ni Lyra sa buhay ko bilang isang matalik na kaibigan, malalayo man kayo sa akin, ngunit hindi kayo mabubura sa ala-alang mayroon ako.

Her Realistic Fantasy (UNEDITED)Where stories live. Discover now