Chapter 13

72 43 26
                                    

Hellooooo ^-^ heto na naman ako magUupdate kahit wala namang nagbabasa:( pero ok lang sanay naman na akong nirereject. Tanggap lang kahit masakit na. Ayoko na rin ipagpilitan 'yung sarili ko sa taong ayaw naman sakin.

HHAHAHA Charaught! Mema lang akes mga pistewaps- i mean beshywaps. Mwah!

Anw dedicated 'to sa pesteng ulan kanina Huhu. Ang hirap kapag dika marunong maglakad sa putikan kawawa yung binti mo tadtad din ng walang hiyang putik. Ok. NONSENSE na yung sinasabi ko . Skl baka may magreact✌✌

Here's the update.
ENJOY!:D

---------

"Oh bakit mukhang nilukot na papel 'yang mukha mo cousy? Care to share?"

"Wala 'to Shiena. Nagtitrip lang ako" wala sa hulog na sagot ko sabay tusok sa karneng baboy na nasa harapan ko.

Shabu pa Leigh!

"Boyfriend?" Biglang tumuwid amg pagkakaupo ko dahil sa sinabi n'ya.

"H-hindi" puta umayos ka Leigh! Nagmumukha kang uod na guilty.

"Nagbreak kayo noh? Kaya ka siguro tulala." Magkatapat lang kami sa upuan sa dining table pero pakiramdam ko ginigisa ako sa kawali dahil sa mga tanong n'ya.

"Pfft!HAHAHAHAHA" napalingon ako sa walanghiyang huklubang iyon.

"Kuya! Ano ba? Wag mo ngang tinatawanan si cousy, kita mong broken hearted na nga eh" pagtatanggol sa akin ni Shiena bago n'ya tinapunan ng matalim na tingin si Kuya Alvin.

"Eh kasi naman Shiena. Ang tanda tanda mo na hindi ka pa rin marunong gumamit ng wikang Filipino ng wasto" sagot n'ya habang patuloy na marahang yumuyugyog ang balikat.

Kami naman ni Kuya Aldrin ay tahimik lang na nakikinig sa kung anumang pinag uusapan ng dalawa na obvious naman na nagsimula sa akin.

"Ano bang mali sa sinabi ko?" Medyo nakanguso nang turan ng babae.

"Sa isang sasakyan,ilang ang nagmamaneho?"seryosong tanong ng kuya n'ya

"Isa"

"Oh alam mo naman pala eh.Kaya mas tamang pakinggan kung sasabihin mong 'nagbreak ka?' kesa 'nagbreak kayo', tama di'ba?" Jusko po hindi ko alam kung anong nagawa kong masama 'nung nakaraang buhay ko at napapalibutan ako ng mga baliw! Sa school at bahay ay talagang hindi nawawalan ng baliw.

Srsly?Ano kayang brand ng medyas ang nasinghot nito?

"Actually 'yung tigbebente lang sa palengke,bakit mo natanong?" Lahat kami ay napatingin kay kuya Alvin.

Nagtataka.

Pero mas lalong kumunot ang noo ko nang mapansing sa akin mas nakapokus ang tingin n'ya.

"Tinatanong mo kung anong brand ng medyas ang nasinghot ko diba? Bumili kasi ako kanina tapos inamoy ko.Curious kasi ako kung anong pinagkaiba ng amoy ng branded sa hindi eh" halos mapunit ang labi n'ya sa wagas wagasang pagngiti.

Napasapo na lang ako sa aking noo ng wala sa oras.

Pero rinig kong humahagikhik si Shiena.

At hindi rin nakakatakas mula sa aking mapanuring mga mata ang ngiting pinakawalan ni Kuya Aldrin.

Maybe I should start treating them like a real family.

Wala man sila mama at papa dito, kulang man ang pagkatao ko dahil hindi ko kapiling ang mga magulang ko pero nand'yan naman ang mga pinsan ko.

Pilit pinupunan ang parte ng buhay ko na ipinagkait sa akin sa mahabang panahon.

Ang magkaroon ng pamilya.
Ang makarinig ng mga tawanan at hagikhikan,

Na kailanman hindi ko naranasan.

****

"Mag-usap tayo"bungad sa akin ni Akira pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom.

"Ayoko" walang ganang sagot ko.

"How dare you turn me down? Sino ka sa tingin mo?"matalim ang kanyang mga titig habang palapit ng palapit sa kinaroroonan ko.

Hinatak n'ya ako sa braso at hinila sa kung saan.

"What the heck is your problem?!" Singhal ko sa kanya habang patuloy ang pagpupumiglas.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Filthy Bitch!" Singhal n'ya pabalik at malakas akong itinulak sa pader dahilan para manliyo akong bahagya.

Napahawak ako sa ulo ko.
Fuck! Nahihilo ako.

"ANG KAPAL NG MUKHA MO! YOU WHORE FUCKING SLUT!"isang malakas na sampal ang nagpadagundong at yumanig sa mukha ko.

"Para sa pag agaw mo kay Dylan!"

"Para sa magiging malandi mo!"

"Para sa lakas ng loob mong tanggihan ang pakikipag usap ko sa'yo!"

"Para sa araw na ipinanganak ka sa mundong ito!Mamatay ka na!"

At sunod sunod na mga sampal ang dumapo sa mga pisngi ko.

Unti-unti ng nawala ang pasensya ko.
Naipon ang lahat ng sakit ng mga sampal na ginawa n'ya sa akin.

Hindi ko namalayan ang mga nangyari.

Sobrang bilis.

Namalayan ko na lang na nasa lapag na si Akira.

Duguan na ang mukha at magulong magulo ang buhok habang nakadagaan ako sa kanya.

Ako ba?

Ako ba ang may gawa nito?

Pero paano?

Alam ko.

Ang alam ko.

Ang alam ko ay tinakasan na ako ng lakas kanina dulot ng mga ginawa n'yang pagsampal sa mukha ko.

Pero paano?!

Hindi pa ako makapaniwala kung paano nangyari iyon nang maramdaman ko ang kalmot sa aking likod na nagdulot ng labis na hapdi sa katawan ko kaya napaharap ako sa taong gumawa no'n.

"Wala kang karapatang saktan ang babaeng mahal ko Almira.Sino kaba sa inaakala mo?Isa ka lang taong walang kwenta.Mahina ka"

"B-bakit mo alam ang pangalan ko?"

"Hindi na mahalaga iyon.Ang pinakamahalagang bagay na magagawa ko ngayon ay ang patayin ka" mabilis s'yang sumugod sa akin at binigyan ng isang kalmot ng kabilang bahagi ng pisngi ko na may bakat pa ng palad ni Akira.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Hinang hina na ako at nahihilo pa.

Ngunit hindi pa man ako nakakabawi mula sa pagkalmot n'ya sa akin ay isang malakas na hampas ng tubo ang naramdaman kong humampas sa likod ko bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay.

--

BrideOfDark

Sorry for the short Update babies ✌
Hehe. Ginawa ko lang kasi 'yan sa pagitan ng mga nakaw na sandali e.
Yung mga panahong nagdidiscuss 'yung teacher namin sa Business Finance tapos ako nagtatype ng isang chapter sa story na ito . HHAHAHA.

WARNING! Wag n'yo po akong gagayahin bad 'yon! Hehe. SORRY SA TC KO NAGING PASAWAY AKO. DIKO NA PO ITO UULITIN PROMISE MWAPHS:*

And anyway, hindi na ako manghihingi ng votes nor comments.
Aantayin ko na lang kayong magkusa. Because in the very beginning I wrote stories to share what's on my mind, not for the sake of popularity.

So ayun lang. I will update whenever I finished a chapter.No quotas anymore. I'll just leave it to you guys.If you like this chapter then vomment , if not then ignore.

Her Realistic Fantasy (UNEDITED)Where stories live. Discover now