Chapter 7

4.1K 200 42
                                    

CHAPTER 7

W-what was that?
Ang mga mata ng karamihan sa kanila, titig na titig sa akin
at kitang kita ko ang pamumula ng mga ito.

Calm down Leigh.
Halos madapa na ako sa paglalakad papunta sa kung saang parte ng unibersidad na ito.

Nanlalata ang mga tuhod ko at nanlalambot ang bawat parte ng aking katawan.

Vampires .

No!

Mahigpit kong ipinilig ang aking ulo.
Hindi.Hindi naman totoo ang bampira eh mga kathang isip lang sila Almira Leigh. Stop acting like a crazy woman. You're just hallucinating.

Hindi na kinaya pa ng aking mga tuhod at kusa na itong bumagsak.

Napaupo ako sa pinakalikod na bahagi ng eskwelahang ito.

Ang Garden.

Ano ba itong naiisip ko?
Masyado na ba akong nilamon ng pagkahumaling ko sa mga bampira?

"Oh my god!" Gulat at kabadong tili ko nang may maramdamang kamay na pumatong sa aking balikat.

"Chill. Nervous?" Taas ang dalawang kamay n'yang sabi habang tumatawa tawa pa.

Anong problema nito?
Bakit nandito na naman ang kulugong to?

Ibinaling ko sa ibang direksyon ang paningin ko.

"Hey,are you mad? I'm sorry.I didn't mean to shout at you a while ago, I'm just a worried boyfriend" pilyong sabi n'ya na may kasamang nakakalokong ngiti.

"Worried Boyfriend huh? Just talk to my hand" at itinapat ko sa kanya ang palad ko.Manawa sya dyan,swerte n'ya kapag sinagot s'ya ng palad ko.Tsk

Umihip na naman ang hangin.

"Intoxicating sweet smell"napatingin ako sa sinabi nya.

Intoxicating sweet smell. 'Yan ang sinulat kong description sa amoy ng dugo ng leading lady sa storyang ginawa ko nang maamoy s'ya ng isang bampira.

"Ang bango naman ng pabango mo nakakaadik" Ah. 'Yung pabango ko pala 'yung naamoy nya, akala ko---

Shit!Nevermind.

"Manyakis na Bipolar. Kanina ang sungit tas ngayon wagas makangiti"

"Hey,I'm not a perverted bipolar human girl" huh? Narinig nya?

"What? Are you a mind reader?"takang tanong ko.

Isang halakhak naman ang itinugon nya sa akin bago muling nagsalita na namumula na ang mukha dahil sa wagas na pagkakatawa.

"You voice it out,didn't you?" Fuck!Ilang beses ko na bang sinabihang tanga ang sarili ko ngayong araw? Dagdagan pa natin ng isa pwede? Ang TANGA ko talaga-_-

Bulong lang dapat 'yon eh, bakit ko vinoice out?

"Bakit ba human girl ka ng human girl? Kung makaHuman ka kala mo hindi ka taong kagaya ko ah" Kung makaHuman 'tong hamal na'to akala mo naman kung sino s'yang supernatural.

Napansin kong natahimik s'ya sa huli kong sinabi.Pero ilang minuto lang ay agad s'yang nagsalita.

"You know already? Why so fast? Pangalawang araw mo pa lang dito right?" Takang tanong niya sa akin.

"Sus! Obvious naman kasi. Alam kong hindi ka tao. Isa kang lamang lupa na umahon mula sa matagal na pagkakalibing.Pwede ba? Bumalik ka na sa mga kalahi mong impakto!" Katahimikan. Yan ang salitang malabong mangyari sa mga oras na ito. Dahil heto ako ngayon at nakatingin sa lalaking nagpapagulong gulong habang nakahawak sa kanyang tiyan habang tuloy lang ang paghagalpak sa pagtawa.

Naiinis ako sabi ng isip ko pero namalayan ko na lang na nakikitawa na pala ako sa kanya. Oo na aminado na ako. Tuluyan ng nasakop ng kabaliwan ang brain cells ko.

Hinahampas hampas ko sya habang pareho kaming tawa ng tawa.

Bahagyang kumirot ang sugat ko sa braso. Nabigla ata.

Agad napansin ni Demonyong Monster ang pagtigil ko.

Kinuha nya na naman ang braso ko at marahang hinaplos. Kitang kita ko ang ilang beses nyang paglunok.

"Tang ina takot ka ba sa dugo? Hahaha ba't napapalunok kang gago ka?" Natatawa na naman ako sa pagmumukha nya. 'Di maipaliwanag. Pigil na pigil kala mo natatae.

"Please be careful. Wag mong hayaang masugatan ka.Hindi mo alam ang maaaring mangyari sa'yo sa unibersidad na ito" ramdam kong bahagyang tumindig ang balahibo ko dahil sa lamig ng kanyang pagkakasabi.

"A-ano bang p-problema mo?Pwede ba 'wag mo akong takutin.Hindi uubra sakin 'yan lalo na kung isang lamang lupa ang nagsabi" pilit kong itinatago ang kaba ko. Ngayong araw na ito,ilang tao na ba ang nagsabi sa aking mag ingat ako? Alam ko. Oo alam kong may kakaiba sa paaralang ito. Alam kong may mali na umpisa pa lang. Mula sa mga habilin sa akin tungkol sa pag iingat, ang pagsigaw ng aking guro na tumakas na ako at ang mga mata ng aking mga kaklase.

Pilit ko mang iwaksi sa aking isipan ang tungkol sa mga matang iyon ay hindi ito mawala wala sa aking isipan. Alam ko,alam kong totoo ang mga iyon. Na hindi lamang 'yon imahinasyon o pamamalikmata.

Alam kong totoo ang nakita ko.
Ang pagtitig nila sa akin,
Ang madaling pagsarado ng pinto,
Ang pagsigaw ni Ma'am.
Ang mga ingay na aking narinig mula sa loob ng klase.

Paghihirap at pagtitimpi.
Yan ang ipinahihiwatig ng kanilang mga hinaing.

"A-ah mauuna na ako" binawi ko na ang braso ko at binitbit ang mga gamit ko. Patakbo akong umalis sa school garden. Kinuha ko ang school map sa bag ako. Maghahanap ako ng lugar na maari kong puntahan.

Nang makakita ako sa mapa ay agad ko na itong itinago sa aking bag at dumiretso na ako sa cafeteria.

Nang makapasok ako rito ay agad kong pinagmasdan ang paligid.

Napakalawak rin nito at kahit saang anggulo mong tingnan ito'y naghuhumiyaw sa karangyaan. Ang mga upuan, lamesa, mga stalls ng pagkain, pintuan at maging ang bintana. Lahat ay walang dudang ginto ang halaga ng presyo.

Naglakad lakad ako sa loob.
Agad kong napansin ang kakaiba sa kanila ng sandaling makarating ako ng tuluyan sa gitna.

Flicker.

Ramdam ko na naman ang mga mata nilang mapanuri akong tinitingnan.

Sa sobrang pula ng kanilang mata alam ko, anumang oras ay may susugod sa akin dito.

At hindi nga ako nagkakamali.
Binalingan ko ng tingin ang braso kong may sugat at nakita na pumapatak na naman ang dugo.
Mariin kong hinawakan ang braso ko na medyo sariwa pa rin ang dugo.
Alam ko na kung bakit.

Ipinikit ko ang aking mga mata at inantay na lamang ang aking kamatayan.

Ngunit biglang namatay ang ilaw at naramdaman ko na lamang na may malapad at matigas na balikat ang sumalo sa akin.

"Human girl,wake up"

----

This is the 7th chapter.
So far,so good.
Kahit papano may nagbabasa na.
Mga teh at kuya paramdam naman kayo kahit pilit pang moral support lang . Haha echos:*

Please do click the star logo.
Salamat sa gagawa:*

Her Realistic Fantasy (UNEDITED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt