🌺Color 2: Two Pokshies🌺

5.3K 20 3
                                    


Kimber Kian Bryle POV

Hindi parin mawala sa isip ko ang nangyari kanina, accidente lang 'yong nangyari pero nakakahiya 'yong ginawa ko sa kanya. Bakit ko ba kasi nagawa 'yon! Ang lambot kasi eh, parang marshmallow lang ang sarap kainin at paglaroan.

"Arggg. Ano bang pinag-iisip ko." agad kung hinawakan ang ulo ko at sinampal sampal para magising sa katotohanan.

"Shhh. Kim, ano bang nangyari sa'yo? Kanina parang statue ka kahit anong tawag ko sa'yo hindi ka kumikibo, ngayon bigla kang sumisigaw na parang baliw." na babaliw na talaga ako.

"Wa-wala, nanaginip lang ako."

"Baliw ka nga talaga, nanaginip ng gising? Ganon ba? Namumula ka pa ohh, para kang kamatis. Umayos ka." nakatitig lang ako kay Rejie, habang hawak niya ang kanyang libro na Chemistry.

"Students, pwede na kayong lumabas at doon kayo sa labas mag-ingay. This is Library not a public market. The door is always open for you to go out, huwag kayong mag-ingay dito. Nakakadisturbo kayo sa ibang tao. Understand?!" worst librarian ever. Nakakatakot ang mga mata niya na parang maninigas ka kapag tinititigan ka nito, bagay rin sa kanya dahil may kulot na buhok pa siya naparang mga ahas.

Nakakatindig balahibo talaga dito, kaya agad na akong tumayo at tinignan si Rejie na ready to go na rin pala. Hindi na namin tinignan ang librarian at agad ng nagmamadaling lumabas sa library.

"Ikaw kasi Kim eh, behave din paminsan-minsan. Punta na nga lang tayo sa Classroom, sa Condo ko na lang ito tataposing basahin."

"Ano bang gagawin natin sa Classroom, matagal pa ang next period natin. Kain muna tayo Rejie, nagugutom na ako eh." agad kung hinawakan ang tiyan ko, inuuna pa kasi ang libro nito eh hindi niya inisip na may gutom na tao dito.

"Ay oo nga pala, nakalimotan ko haha. Tara saan tayo? Nagugutom narin ako, libre mo ha." agad na niya akong hinila. Parati ka namang nagpapalibre sakin eh.

Pumunta kami sa korean grill, dito kasi kami parating kumakain. Ang sarap kasi ng mga meat nila dito, fresh na fresh pa at tiyaka hindi masyadong mahal.

Agad na akong kumuha ng mga meats para sa lulutoin namin ni Rejie, at ingredients. At agad ng pumunta sa table namin, parang mag jowa na talaga kami. Parati kasi kaming magkasama,  may mga ibang kaibigan naman kami pero hindi nga lang masyadong katulad saming dalawa na close na close na hindi na mapaghiwalay.

"Sana all silang dalawa lang, hindi niyo naman kami inimbita ng kain." sa boses pa lang ay silang pokshie na talaga ito.

"Oi Alexandra at Carol, kakain rin ba kayo?" agad akong nag adjust sa upuan at inaya silang umupo. Mas maganda kung madami, para din na hindi kami mapagkamalang mag jowa ni Rejie.

"Totoo na ba talaga ito? Kayong dalawa ha, huwag niyo ng itago saming dalawa ni Alex 'yan. Alam naman namin na mag jowa talaga kayong dalawa eh." parang sira ulo talaga 'tong Carol na ito.

"Hoi, magkaibigan lang kami. Para naman kayong baliw, hindi pa ba kayo sanay na makita niyo kaming dalawa na parating nagsasama? Katulad lang sa inyong dalawa na hindi rin mapaghiwalay. Nagsasalita pa kayo na pareho lang tayo at walang malesya. Okay?" sabi ko sakanila habang nag grill ng meat.

"Hmm... Inaya kung jowain si Carol pero ayaw niya eh haha, kapag may trabaho na lang daw kami pwedeng pwede na." kakain na sana ako pero napigilan ako.

STEM True Color✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon