🌺Color 33: Unlucky🌺

337 7 5
                                    


Third Person POV

Agad na nagmadaling tumayo si Kim at pumunta sa kwarto para kunin ang susi ng kanyang sasakyan, wala na siyang paki-alam kung anong oras na basta't makakaalis siya dito sa bahay na ito.

Kahit siya ay nagkakamali rin, kaya nga aalis siya dahil hindi niya mapatawad ang sarili niya at pati narin sa ginawa ng Boyfriend niya ngayon, lalong lalo na Babae ang ka-sex niya.

"Kim saan ka pupunta?" pag-alalang tanong ni Ivan dito.

Hindi na niya sinagot ito at agad na ngang lumabas sa kwarto,  pinigilan din siya ni Jademar pero hindi siya nagpatinag dito.

Patuloy paring tumutulo ang luha niya, napansin niya ang soot niyang necklace kaya kinuha niya ito at inilagay sa kiliran ng television.

Agad na nakita ng guard si Kim at agad niya itong tinanong.

"Sir gabing-gabi na po, saan po kayo?" sabi ng guard sakanya.

Pinunasan muna ni Kim ang mga luha niya. "Paki-bukas ng gate Guard. May kukunin lang ako sa sasakyan ko." aniya sabay pakita ng susi ng sasakyan niya.

"Kung gusto niyo Sir ako na lang ang kukuha, ano po-"

"No- ako na po, may pupuntahan rin ako." putol niyang sabi sa Guard.

"Pero curfew na po ngayon Sir baka may checkpoint po at nakakainom ka pa naman Sir. Delikado na pong umalis ngayon." papigil na sabi ng Guard sakanya.

Pero ayaw niyang mag-stay pa dito ng mga ilang oras, pagod na siyang masaktan, mag-explain at makinig sa explain.

"Guard please naman po, hindi niyo ako naiintindihan eh. Okay lang na mapaano ako basta't makaalis lang ako dito, wala na akong paki-alam kung anong susunod na mangyayari kung aalis ako." napaiyak na lang si Kim.

Pero hindi nakikinig ang Guard, iniisip niya rin ang kaligtasan ni Kim at lalong lalo na kung may mangyayari kay Kim ay mapapagalitan talaga siya sa Amo niya.

"Mapapagalitan po ako kapag may mangyayari sa'yo-"

Agad na yumakap si Kim dito sa Guard pero kinuha niya lang pala ang susi nito at agad ng kumalas sa yakap.

Agad na siyang pumunta sa may entrance Gate at binuksan ito. Magaling din mag-acting ito si Kim, kaya nabuksan na niya nga ito.

"Guard salamat, but I need to go." agad na niyang binigay ang susi at tiyaka na siyang lumabas.

"Bu-But But Sir, delikado na po talaga Sir."

Hindi na pinakinggan ni Kim ang Guard at agad na niyang hinarorot ang kanyang sasakyan ng napaandar na niya ang engine.

"Wala akong kwentang Boyfriend at wala ka ring kwentang Boyfriend. Pareho tayong may kasalanan kaya ayoko na talagang magkaroon ng relasyon, bumalik ka sa bisyo mo at wala na akong paki-alam."

Hindi na niya alam kung anong gagawin niya, may naramdaman narin siyang sobrang lamig. Hindi pa naman niya nadala ang mga gamit niya, nasa kwarto lahat ni Rejie.

STEM True Color✔Where stories live. Discover now