🌺Color 29: Rejie's House🌺

420 7 2
                                    


Unknown Person POV

Magiging masaya ito, kailangan ko lang sumama para maka-update isa-isa sakanila. Para kahit papaano ay may iba-blackmail na naman ako at magkakapera na naman.

Malaking pera kaya ang nakuha ko nong na-post ko ang video nilang Alexandra, JM at Carol.

At dagdag pa sa video ni Zyla at Rejie.

Sa susunod kapag ang plano ko ay successful ay e-release ko ang video ni Kim at Ivan. Lagyan ko ng Paid ang video nila sa lahat ng social media ko, para mas malaking pera ang kikitain.

Dahil narin sa paghihigante siyempre, sa ginawa nilang lahat sa kapatid ko. Hindi ko sila mapapatawad, kung sino man ang nagpagawa sa kapatid ko 'yon. Nasa kanila lang, wala akong paki-alam kung merong madamay.

Sana may makuha ako na pwedeng iba-black mail nila ngayong araw na ito, lalong lalo na kay Kim dahil mayaman.

Dapat sana Overnight ito eh para may sex videos na naman akong makukuha dahil sigurado na may mangyayari kapag lasing na lasing.

Nandito na ako sa harap ng condominium kaya agad na akong bumaba sa taxi.

"Salamat Rejie sa pag-invite sakin. Ako na lang ba ang hinintay?" agad kung sabi sakanila ng nakababa na ako.

Third Person POV

Nasa labas ng condominium na ang lahat except ni Faith na paparating pa, medyo malayo kasi ang kanila. Uuwi kasi siya sa kanila bahay every friday ng hapon at babalik siya sa dorm niya every sunday ng hapon rin.

"Bakit ang tagal ng Batang 'yon?" reklamong salita ni Kim habang nakatingin sa kanyang gadget.

"Okay nang maghintay dahil makakarating rin naman..." singit naman ni Ivan sabay kindat niya kay Kim mukang napansin naman ni Rejie ito. "Kaysa sa hindi sumama diba?" dagdag nito.

Lumapit si Rejie kay Ivan. "Anong kindat-kindat 'yang ginagawa mo. Kukunin ko 'yang mata mo eh." galit na pabulong niya kay Ivan, ayaw niya ring magpapahalata sa mga kasamahan niya dahil mas lalong magkakaproblema.

At tiyaka surprise nga ang relationship nilang Kim kaya dapat hindi 'yon masira.

'Seloso pala itong gagong ito, kindat lang ang ginawa ko kay Kim.'

Tumitig naman si Ivan sa mga galit na mga mata ni Rejie at naka-smirk lang siya na parang hinahamon niya ito. Kunti nalang at magsusuntukan na itong dalawa eh.

"Bakit? Bawal ba? Diba sabi ko naman sa'yo na gagawin ko ang lahat basta't maagaw ko lang siya?"

Napakamao na lang si Rejie at napansin din ito ni Kim kaya agad niya itong nilapitan, pinigilan niya ito at inilayo kay Ivan.

"Huwag mo ng patulan pa, pabayaan mo na lang siya total hindi ko naman pinapansin. Bahala siya na magmukha siyang baliw basta't huwag mo ng patulan pa... Okay ba'yon?"  gusto lang ni Kim na walang kahit anong away ang magaganap.

Tumango lang naman si Rejie at tinitigan ulit ni Rejie si Ivan at nagsign siya ng 'I always watching you.'

Pero instead na magseryoso ay nakasmirk lang ito kaya walang magagawa si Rejie kundi takpan na lang niya si Kim sa paningin ni Ivan.

STEM True Color✔Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz