🌺Color 41: Sleep with Ivan🌺

510 5 8
                                    


Third Person POV

Hindi alam ni Zyla kung paano siya makaka-uwi sa ganitong oras, wala ng masasakyan.

Nag-iisa lang siya sa may kalsada at nahihiya na siyang bumalik sa bahay nilang Jademar at tiyaka sirado narin ang pinto.

Hindi niya masisisi si Cherry dahil kailangan niya na talagang umuwi.

Napayakap na lang si Zyla sa kanyang sarili dahil sa lamig na nararamdaman.

"Hintay lang tayo Zyla, may dadating na sasakyan ngayon." tanging bulalas ni Zyla sa kanyang sarili, think positive lang siya at agad na naghahanap ng ma-upoan.

"Sa mga ganitong oras, wala ka na talagang masasakyan." agad na lumingon si Zyla dito at agad naman niya itong tinututukan "anong paki-alam mo?"

Si Ivan na nakapamulsa at lumapit dito sakanya.

"Wala na akong choice kung hindi maghintay na lang." agad niyang sabi dito.

Wala naring choice si Ivan kundi isama si Zyla papunta sa kanilang bahay, hindi niya naman gustong iwan itong mag-isa.

Kahit na wala na sila ay nag-alala parin si Ivan sa kapakanan nito lalong-lalo na at babae pa naman.

Kaya hinila niya ito papunta sa direksyon kung saan patungo sakanilang bahay.

"Huwag mo'ng sabihing papuntahin mo ako sa bahay niyo?" takang tanong nito kay Ivan na hinila siya.

Tumango si Ivan. "You have no choice."

Agad na binawi ni Zyla ang kamay niya. "Nababaliw ka na ba? Haa-... As if namang sasama ako sa'yo." hindi pinakinggan ni Ivan si Zyla at hinila na niya ito. "Ano ba! Bitiwan mo nga ako!" nagpupumiglas na sabi ni Zyla.

Napabuntong hininga na lang si Ivan at binitawan si Zyla.

"Ikaw ang bahala, kumatok ka na lang sa bahay kung gusto mo. Wala na naman akong karapatang mag-desisyon sa buhay mo." agad na tumalikod at naglakad papalayo si Ivan sa kanya.

"Walang wala talaga, para saan pa? Paaasahin mo na naman ba ako? Tsk. Pagod na akong umasa." bulong nito sa sarili.

Napayakap ulit siya sakanyang sarili dahil biglang lumakas ang hangin.

Tumingin uli si Ivan kay Zyla ng nasa harap na siya ng gate sa kanilang bahay. Napailing na lang si Ivan dahil napakatigas ng ulo ni Zyla.

Agad na siyang pumasok sa kanila at tinignan ang orasan. "Curfew Time. Hindi ko nalang e-lock ang pinto."

Si Zyla ay nanginginig na sa lamig. Kaya naglakad-lakad muna siya hanggang sa nakaabot siya sa harap ng bahay nilang Ivan.

"Baliw na ako, bakit ako nandito?" tanging sabi niya sakanyang sarili at agad na sana siyang bumalik sa nilalakaran niya pero may nakita siyang ilaw na kulay pula at blue sa hindi kalayoan. "Shi-shit."

Agad na napalunok si Zyla dahil police ito, kaya agad siyang pumasok sa gate. Wala na siyang ibang paraan kundi kumatok sa pinto nilang Ivan.

Pero kahit anong katok niya dito ay hindi siya pinabuksan. "Ivan, please pagbuksan mo naman ako... Ma-may police." agad niyang inikot ang door knob, namalayan niya ito na hindi pala naka-lock. "Shit pinahirapan pa ako."

STEM True Color✔Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang