🌺Color 15: Resort🌺

998 10 0
                                    


Kimber Kian Bryle POV

Agad na kaming nagtipon-tipon lahat medyo lumulubog narin ang araw kaya panay picture-picture ang aking mga classmates sa dagatan. Maganda kasi ang view dito, lalong lalo na kapag sun set.

Nakita ko si Mama na nakipag-usap sa mga bisita niya, pinuntahan ko siya para makausap.

"Hi Ma." tawag ko sakanya at agad na nagmano.

"Ohh... Sorry Nak may mga bagong dating na mga bisita kasi... Oo nga pala, kanina pa naghahanap si Felipe sa'yo. 'Yong mga bestfriends mo iniinvite mo ba?"

"Pupunta mamaya silang Ferjie at Julia dito, alam mo naman sila Ma palaging busy sa kanilang Lalaki... Siyanga pala Ma saan ngayon si Felipe?"

Si Felipe ay Childhood friend ko at nagiging Ex ko narin siya, siya rin ang first love, first kiss, first sex at first na nagiging matapang na humarap sa mga magulang ko tungkol sa relasyon namin. Hindi pa alam nilang Mama na Bisexual ako noon kaya no'ng nalaman nila na kami na ni Felipe ay tinanggap nila kami.

"Babalik na lang daw siya, miss na miss ka na no'n Nak... Kumain naba kayo ng mga Classmates mo?" sabi ni Mama.

"Busy pa sila sa kanilang picture taking nila, kapag nakita mo na si Felipe Ma sabihin mo na nandoon lang ako kasama ang mga Classmates ko ha... Si Papa at Kuya nasan?"

"Papa mo merong kinuha sa Bahay, Kuya mo bumalik nasa office niya." sagot ni mama habang nagwave sa ibang Bisita.

"Siya ba ang bunso mong anak?" tanong ng isang bisita ni Mama.

"Oo nga pala, bunsong anak ko at pinamana ang Resort na'to sakanya."

"Doon muna ako Ma." agad na akong umalis ng tumango si Mama.

Pumunta ako kung nasan sila nag picture taking. Kailangan ko ring sumali para may remembrance kami.

"Kain na tayo guys, gabi na ohh." sabi ko sakanila agad naman silang sumunod sakin papunta sa Catering area.

"Malapit na daw silang Nicee Kim, sabi niya may sumama ring isa sa kanila hindi niya sinabi kung sino pero kilala mo daw siya Kim." sabi ni Jerlyn sakin, may isang kasama sila? Kilala ko okay lang siguro.

"Okay lang 'yon, may space pa naman sa ibang kwarto na pwedeng matutulogan... Kumain natayo." sagot ko at pag-aya ko sa kanila.

Agad na kaming nagsandok ng pagkain at pumunta sa table namin, pinapahanda ko narin ang mga maiinom namin mamaya.

Nakita kung nagtataluhan parin silang Ivan at Rejie kaya lumayo muna ako sakanila, mukhang masali pa ako sa kabaliwan nilang dalawa.

"Nandito na sila." sabi ni Axl at agad ng kumaway sa deriksyon sa entrance kaya agad narin kaming lumingon doon.

Nakita ko ang isang napaka familiar na babae, Zyla? Siya pala ang sinabi ni Nicee na kilala ko, hindi ba niya alam na may Crush ako ni Ivan at ex pa ni Ivan ang pinasama niya dito?

"Bakit si Zyla? Bigaon paki-explain naman kung bakit dinala ni Nicee 'yan dito." sabi ko kay Ate Jerlyn dahil katabi ko siyang kumain.

STEM True Color✔Where stories live. Discover now