Kabanata 2

101K 3K 1K
                                    

Nagising ako sa alarm clock kong naka-set sa 5 o'clock. Isang oras bago magising si Young Master Dric para makapag-ayos pa ako ng aking sarili. Nang matulog ako kagabi ay tinanggal ko ang lahat ng pang- disguise ko sa mukha. I now have my bare face in front of the mirror. Napabuntong-hininga ako. Sana ay magtagal pa ako rito.

Mabilisan lamang akong naligo. Matapos iyon ay naglagay na akong muli ng fake freckles sa mukha. Pinakapal ko pang mabuti ang natural na kilay ko. Sinuot ko ang personal maid's uniform na binigay sa akin ni Nay Beth kahapon, pitong set iyon.

Huminga akong malalim bago kumatok at tsaka pumasok sa loob. Naririnig ko na rin ang pagpatak ng tubig sa kanyang bathroom. Naglakad ako papunta sa kanyang walk in closet.

Ilang minuto pa akong nagtagal dito dahil wala akong mapili. Hindi naman kasi ako ang pumipili ng mga damit ni Gael noon dahil magaling na itong manamit o pumorma simula pa lang.

"I like the texture of this one." Napatalon ako sa gulat nang mapagtantong nasa likuran ko na pala siya. Naghahabol na naman ako sa paghinga dahil sa presensiya niya. "Remember that." Bulong nito sa akin.

Mabilisan kong kinuha ang isang Ralph Lauren na polo. Mabuti na lamang at may alam ako sa mga mamahaling gamit. "Mahilig ka sa polo?" Tanong ko habang inaabot sa kanya ang mga isusuot niya.

"Aaahh!" Nagulat ako nang bigla niyang hubarin ang towel na nakatapis kanyany baywang. Napatakip ako ng aking mga mata.

"Silly." Bahagya siyang tumawa.

"Young Master Dric, kung maghuhubad ka sabihan mo naman ako." May halong iritasyon sa boses ko.

"I'm blind. What's there to expect? Besides I wouldn't know if you're looking at me while I dress myself." I can sense he's now smirking. "I need my underwear and cargo shorts too."

"Bakit kasi bigla kang naghubad?" Patalikod kong inabot ang underwear and Ralph Lauren cargo shorts niya sa kanya. Dumantay ang daliri niya sa kamay ko at tila ba may kuryenteng dumaloy sa pagitan namin.

"You're so tense. Relax. I'm not gonna eat you." He chuckled. Hinawakan niya ang balikat ko at marahan itong minasahe.  "Better." Nang makapagrelax ako sa wakas.

Sa labas ng kwarto niya ay kinuha ko ang breakfast niya mula sa kanyang personal chef. Inayos ko ang salamin ko. "Salamat po."

"I'm not that older than you, I guess. Hindi mo na kailangang mag-po."

"Ela! Gutom na ako!" Nagmamadali akong binalikan si Young Master Dric dala-dala ang pagkain niya. Narinig ko pa ang bahagyang pagtawa ng personal chef niya.

Habang inaayos ko ang hapagkainan niya para sa kanya ay prenteng nakaupo lamang ito sa kanyang upuan. Minsan ay sa bahaging bintana naman siya nakatanaw. "Anong pangalan nung personal chef mo?"

"Bakit? Crush mo?"

"I didn't say that." Napakunot siya ng noo. Napatakip naman ako ng bibig. Gusto kong tampalin ang sarili ko. Ilang beses akong napractice para masanay magtagalog pero tinatraydor pa rin ako ng sarili kong bibig.

"You know how to speak in English?"

"Ah opo Young Master Dric. Natutunan ko po sa probinsiya nang..." Mabilisan akong nag-isip ng maidadahilan. "Tatlong buwan po kasing may American Volunteers ang namalagi sa probinsiya namin. Natuto na lamang akong mag English dahil palagi ko silang nakakausap para sa medical mission nila sa bawat Barangay sa Probinsiya." It was half true. Dad has that project in collaboration with American Volunteers back then. I was in first year college at minsanan na rin akong nakasama sa kanila.

"Now I get why you speak so professional." Tumango-tango ito.

"Susubuan ko na po ba kayo? Naihanda ko na po ang pagkain mo."

The Blind Young Master [Published under PopFiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon