Kabanata 13

83.8K 3.2K 1.1K
                                    

Hinabol ko si Dric palabas subalit naharangan na agad ako ng mga media. Dahil sa matinding pagsisiksikan ay natabig nila ako dahilan upang matanggal ang suot kong salamin. Hinayaan ko nalang muna na humupa ang tensiyon sa ngayon. Hindi ko na nabilang kung ilang oras ang tinagal ko sa paghihintay humupa lang ang pagkakagulo nilang lahat.

Nang makarating ako sa mansion ay agad kong tinungo ang kwarto ni Dric. Muntik na akong mapamura nang makitang walang Dric sa kwarto niya. There's no sign of him anywhere. "Si Young Master Dric?" Tanong ko sa isang bodyguard niya.

"Ela, naghihintay din ako ng balita sa mga kasamahan ko. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa nila nahahanap si Young Master Dric." Agad akong ginapangan ng kaba sa aking dibdib. I bit my lower lip, I hope he isn't planning to harm himself again. He had too much of pain already, sobra-sobra pa na hindi na talaga dapat.

"Sige. Salamat." Muli akong umalis sa mansion. Binura ko ang fake freckles, makapal na kilay sa mukha ko tsaka ko siya sinimulang hanapin.

There were eyes looking at me. "Miss nawawala ka ba?" A drunk man approached me, nagmadali akong maglakad palayo sa kaniya. Muntik pa akong madapa dahil sa pagmamadali.

"Sorry po." Hinging dispensa ko nang may makabangga ako.

"Why does Manila have to be this big?" Iritadong tanong ko dahil sa hindi ko na namalayan kung ilang ikot na ba ang nagawa ko sa buong Manila.

"Excuse me. Have you seen a guy about 6 ft tall? He has slightly messy hair and has well-defined jawline? He's not too dark, not too fair." Gusto ko na lang matawa sa sarili ko. Umiling lamang sa akin ang pinagtanungan ko. Alam kong hindi ko mahahanap si Dric sa ganitong paraan. Nakakainis! Wala siyang cellphone na ginagamit, ako ang gumagamit ng phone niya ngayon lalo na kapag tungkol sa business.

I checked the phone I'm holding right now. Wala man lang siyang picture rito. Napabuntong-hininga na lamang ako. Ngayon ko lang na-realize how convenient it is to have our technology evolved this way. Hindi ko alam kung sa paanong paraan ko pa maco-contact si Dric.

Napapikit ako nang mariin at tsaka umupo sa isang bench pansamantala. Inisip kong mabuti kung saan nga ba pwedeng magtungo si Dric. "Excuse me Miss? You are?" Hinarang ako ng head security ng ViC. Shit. Nagtanggal nga pala ako ng disguise kanina. Hindi ako pwedeng magpakilala na si Ela ngayon.

"I'm sorry. I got the wrong place..." Pagdadahilan ko na lamang. Agad akong tumalikod at bahagya kong hinilot ang sentido ko. Muntik na ako roon. Tinanaw ko sa malayo ang ViC, well-guarded ang buong corporation kaya hindi ako makakapasok basta-basta. Hayaan na nga! Mukhang wala naman dito Dric eh.

Pabalik na sana ako sa mansion nang matalisod ako--- "Young Master..." Agad kong dinaluhan ang nakasalampak sa damuhan na si Dric.

"Ela...Ela..." He keeps on sobbing. "Ang bigat-bigat dito oh." Paulit-ulit niya ring sinapak-sapak ang dibdib niya. Hinawakan ko ang kamay niya para itigil ang ginagawa niya. "Bakit palagi na lang ako? Anong maling nagawa ko?!" Hindi ko rin masagot ang katanungan niya kaya niyakap ko na lamang siya.

"Napapagod na ako sa paulit-ulit na sakit. Ano pa bang silbi ko sa mundo?" Siniksik niya ang ulo niya sa may dibdib ko habang humihikbi siya. "Nagmahal lang din naman ako. Sobra-sobra pa nga." Yun ang mali, sobra-sobra tayong magmahal kung minsan ay nakakalimutan na nating magtira para sa sarili natin.

"Tahan na..." Marahan kong pinadaan ang mga daliri ko sa kanyang buhok. "She doesn't deserve you." Nang medyo kumalma na siya ay hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. Tinitigan ko ang mukha niya. "You deserve a love that stays." Dinampi ko ang labi ko sa kanyang noo. "Balang araw hindi mo na kailangang umiyak dahil balang araw darating yung pagmamahal sa'yo nang kusa, na hindi nangangailangan ng anumang kapalit." Pinalis ko ang luhang kumakawala sa kanyang mga mata. "At kapag dumating yung araw na 'yun alam ko, sigurado akong masusulyapan mo na siya gamit ang mga mata mo."

The Blind Young Master [Published under PopFiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon