Kabanata 14

84K 2.6K 904
                                    

Bumuhos bigla ang malakas na ulan. Nakakainis! Hindi ko narinig yung huling sinabi ni Dric, bukod sa mahina ay sinabayan pa ng malakas na ulan. "Uh...Young Master Dric ano nga ulit 'yung sinabi mo? Yung huling sinabi mo?" Tinutuyo ko ngayon ang nabasa niyang buhok habang pabalik na kami sa mansion sakay ng kotse niya.

Hinawakan niya ang kamay kong may hawak sa towel na pinangtutuyo ko ng buhok niya. "Wala. I just checked if you can still hear clearly. Hindi pala." Napailing na lamang siya. Ano ba 'yan! Hindi ko kasi talaga narinig eh. "I'm not that sure yet, kaya wag mo nang alamin sa ngayon." I was so determined to know what that is but he made the topic died kaya hindi ko na rin pa pinilit.

"Okay." Pumiyok ang boses ko. Natawa siya. "Anong nakakatawa?" Hindi ko alam kung bakit naging iritado ako bigla nang dahil sa pagtawa niya. Do I look like a joke to him right now? Paulit-ulit akong bumuntong-hininga simula kanina, I used to love the rain but now I kinda feel so disappointed, I badly want to know kung anong sinabi niya kasabay nang pagbuhos ng ulan.

He seems so serious when he told me that and his expression a while ago is a bit different than usual. Ano kaya iyon? The more I think about the more I get curious. Kung bakit ba naman kasi kanina pa umulan!

"Damn Ela. Ang cute mo siguro ngayon." Napasimangot ako lalo. "Kahit hindi kita nakikita, alam ko kung kailan ka nalulungkot at sumasaya." Ngumiti ito sa akin. "What I'd give up just to be with you forever..."

"Huh?"

"Hindi ko alam ang buhay ko kung wala ka."

"Wag kang ganyan Young Master kinikilig ako." I say what I think, that's part of being me and sometimes I really get ashame about it. "Joke!" I faked a laugh.

Tinawanan na lang din niya ako. "I'm serious tho. Having you by my side makes me feel I can always see the light in the darkness. It always makes me feel I'm not blind anymore. I can just depend on you, to be honest. And everyday I always think of what you look like, one of the reasons why I wanted to get a corneal transplant as soon as possible." Hindi ko na nahapuhap ang mga salitang gusto kong sabihin sa kanya. It feels like for the first time in forever, nababawasan na yung mabigat kong kasalanan sa kanya. And sometimes I forget why I am here, kasi nakakasanayan ko na...kasi masaya ako.

Nang makabalik kami sa mansion ay agad ko siyang kinuha ng bagong damit dahil basang-basa pa rin siya. "I can handle this. Magpalit ka na rin ng damit mo. Baka ikaw naman ang magkasakit niyan."

"Hindi 'yan. I have strong immune system." Pero agad din akong tumungo sa kwarto ko. Hindi waterproof yung pangkilay na gamit ko kaya medyo nabura ito. Buti hindi natatanggal basta-basta ang fake freckles ko.

Naligo ako tsaka nagpalit at nag-ayos ng sarili. Latang-lata ako nang humiga ako sa kama. Pakiramdam ko ay magkakasakit ako.

Nang gabing iyon ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Hindi na rin ako nakabalik sa kwarto ni Dric.

I caughed and sneezed the moment I woke up. "Sabi ko sayo eh. Nagkasakit ka tuloy." I was surprised by his presence beside me.

Mabuti na lang ay nakapaglagay pa rin ako ng fake freckles at napakapal ang kilay bago ako makatulog kagabi. Baka nabuking na ako kung hindi. Paniguradong si Nanay Beth ang naghatid sa kanya rito. "Mabilis naman akong gumagaling kapag may sakit."

"Tsk. Ang kulit-kulit mo kasi." Tsaka niya sinipat ang noo at leeg ko. Noong una ay tila nakuryente pa ako. "Tsk. Here's the thermometer. Check your temperature." Natatawa ako kasi ang seryoso na naman niya.

"Takot ka lang mawala ako eh. Hindi naman nakamamatay ang lagnat." Biro ko sa kanya. Bumahing muli ako. Nakaubos na pala ako ng isang box ng tissue. "Sige na. Lumayo ka muna sa akin ngayong araw at baka mahawa ka pa."

The Blind Young Master [Published under PopFiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon