Kabanata 10

77.6K 2.6K 524
                                    

Sa mga sumunod na araw ay naging matamlay si Dric. We even cancelled some of his appointments sa ViC. He rarely eats. Hindi rin nagparamdam si Irynne. I thought Irynne's a nice girl. Iba kasi magkwento si Dric kapag siya ang topic. She still owes Dric an explanation kahit anong mangyari.

"Young Master gusto mong magpahangin sandali sa labas?" Umiling lamang ito. Irynne is literally his world that he got used with the idea that he can't live without her. "Tawagin mo na lang ako Young Master, kung may kailangan ka pa."

Sa isang gilid ay kinuha ko ang sketchpad ko. I started doing a sketch of him again. Nagsimula ako sa mga mata niyang nakatingin sa malayo. Sa paulit-ulit na pagi-sketch ko sa kanya ay nasaulo ko na ang bawat parte ng mukha niya. He looks so lonely today. Naalala ko tuloy 'yung batang nakalaro ko dati sa kanya.

"Bata! Bata!" Tawag ko sa batang naka- white suit. Mas matangkad ako sa kanya at hanggang balikat ko lang siya. "Bakit ka umiiyak?" Inabot ko sa kanya 'yung isang lollipop na hawak ko.

Hindi niya iyon tinanggap. Ang sungit naman.

"My ball. The other big kid got my ball." Aniya at muling ngumawa. I laughed at him. "Why are you laughing? Isusumbong kita sa daddy ko!"

"Tsk. Ilang taon ka na ba bata? Bakit ang sumbungero mo pa rin?" Inirapan ko siya. "You're a boy! Hindi ka dapat iyakin eh! Sige ka pag bumalik yung big kid. He'll bully you again."

"9 years old."

Namilog ang mga mata ko.

"Mas matanda ka sa akin eh! Bakit ang iyakin mo?!"

"You're the bully!" Tinawanan ko siya. May sipon na tumulo sa ilong niya. Kumuha ako ng panyo at pinunasan ang ilong niya.

"Kapag nagkita ulit tayo. Hindi ka na dapat iyakin. Gwapo ka na sana eh." I had a secret crush on him the moment I saw him entering the event place with his dad. Sinundan ko lang siya palabas.

"You're a bad girl."

"I am not. I am just teaching you how to be strong. Look at me I'm a girl pero I'm strong." Ngumuso lamang siya. Sa wakas ay tumigil na siya sa pag-iyak. "Kapag inagaw sayo bawiin mo. Don't let others get it if it's yours in the first place."

"I'm strong. But I can't fight with big kids. Masamang makipag-away because dad will get mad."

"Bakit kasi ang pandak mo?" Sinamaan niya ako ng tingin.

"See. You really are the bully!"

"I am not. I'm just stating a fact. Pandak ka!" Tinawanan ko siya nang malakas. Napikon siya kaya hinabol niya ako. Mas binilisan ko ang takbo palayo sa kanya.

"Bully!"

"Pandak!"

"You'll regret calling me pandak! Kapag nagkita ulit tayo pakakasalan kita! Pag nagkita ulit tayo hindi na ako umiiyak." He stuck his tongue out. I smiled and rolled my eyes at him.

Tumakbo ako. That same night, nagtago ako mula sa kanya. And the next day, I never saw him again. He's my first crush kaya hindi ko siya makakalimutan.

Ano na kayang hitsura niya ngayon? Pandak pa rin kaya siya? Ang hirap naman kasing magpapansin sa kanya noon. Natatawa na lamang ako tuwing maaalala yun.

Sunod ko namang ginuhit ang ilong ni Dric. Matangos ang ilong niya katulad ng sa daddy niya. "Ela..."

"Hmm?"

"Pagod na ako. Hindi ko na kayang magpanggap na okay ako." Nabitiwan ko ang sketchpad at lapis na hawak ko. Tumakbo ako palapit sa kanya. He's holding a blade na agaran kong hinablot sa kanya, napangiwi ako nang bahagyang masugatan ang daliri ko.

The Blind Young Master [Published under PopFiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon