Panaginip

18K 170 1
                                    


Umuulan ng malakas.  Parang meron namumuong bagyo. nasa gitna ako ng daan. Umiiyak. Ang sakit ng aking nadarama ay tila bang di na makayanan pa. napaupo na ako. hindi ko maalala kung bakit sumasakit ang dibdib ko sa kakaiyak. may  narinig akong ingay....

isang itim na kotse rumaragasa sa daan ng biglang...

may humablot sa kamay ko at itinulak ako sa isang sulok. nang ako ay napatingin sa taong humila sa akin.. natulala ako sa isang bata nakangiting nakatitig sa akin. napangiti naman ako. inabot niya ang kanyang mga kamay para ako'y patayuin, ng ito ay akin abutin, duguan ang kanyang mga kamay.... naiyak na naman ako at napasigaw...

Hoy gising!!!! Deana! ano ba!? Gumising ka!!!!!

Namulat ko ang aking mga mata.. at nakita sa aking harapan ang ka roommate ko.

o ano na? Nanaginip ka yata ng masama. okay ka lang ba?

Naupo naman ako at hinimas himas ang aking ulo. Pinaniginipan ko naman ulit ang batang yun. hindi ko maalala, pero alam ko parti ito ng aking nakaraan. -Okay lang ako Pongs. 

Parang hindi naman eh. napasigaw ka nga sa panaginip mo.

Okay nga lang ako. Anong oras na ba? Tanong ko sa kanya para mailihis ang topiko.

Oras na para bumangon ka. May training pa tayo. Tumayo ka na diyan.

.....

Hinihintay ko si mama sa labas ng bahay. Alam ko kasing may dala siyang pasalubong sa akin. kasama ko ang aking ate. Kumakanta kami sa daan. "Sitsiritsit alibangbang, salaguintot salagubang ang babae sa lansangan pag umotot mabaho siya..." tawang-tawa naman ako habang kumakanta ng meron akong nakitang umiiyak na bata sa gitna ng daan. tinignan ko si ate, abala niyang inaalagaan ang baby sister namin. napatingin ulit ako dun sa bata. naaawa naman ako sa kanya. nakita kong balisa siya kaya nilapitan ko siya. Paglapit ko meron akong narinig na ingay, rumaragasang sasakyan at parang babangga sa bata, kaya tumakbo ako at hinila siya pero masyado siyang mabigat kaya tinulak ko na siya. at nanilim ang aking paningin, narinig ko ang boses ng aking ate natinatawag ako... Jessica....

Uy ate? Gumising ka na? kakain na? Maaga ka pa! Hoy!!!

Nagising naman ako. ang ingay talaga ni Mafe. Bumangon ako at binatukan siya. Ano ba!! kailangan mo ba talagang sumigaw. 

Para ka kayang mantika matulog. 

Ewan ko sa iyo!!! Naiinis talaga ako sa kapatid kung iyon.. Bakit kaya napaniginipan ko naman yung batang iyon? hai bahala na nga. maliligo na ako.

....

STARBUCKS..

Bago ako mag punta ng training mag cocoffee muna ako. hihintayin ko dito si Jia dahil nangako siya sa akin na susunduin niya ako.. nung unang pagkakataon na nakasama ko siya na starstruck talaga ako sa kanya. Isa kaya siya sa mga crush ko talaga. Ang bait-bait niya. excited na nga ako makasama siya buong araw ngayun. nakikita ko na ang kotse niya. ayan na....

Uy! Jema! Tawag sa akin ni Jia.

Hi Jia. Mag kakape ka rin? Tanong ko sa kanya.

Oo naman. Basta libre mo. Pakindat na sabi niya. ang cute niya talaga!

Ate Jia!!!!!! May sumigaw dun sa likod. napalingon ako.

Baby Deans!!! Sabay yakap ni Jia sa taong tumawag sa kanya.. "Baby?" sakit nun ha. Sino kaya ito. napatingin naman si Jia sa akin ng nakangiti.

Baby Deans, I want you to meet my friend here (sabay turo sa akin) Jema, Jema si Deanna pala anak anakan ko. 

Hi po. Nice to meet you po (inextend niya ang kamay niya para kamayan ako)

Nice to meet you (Kinamayan ko rin siya)

....

First time to. kaya sorry sa mga kakulangan ko. salamat sa pagbabasa.


Tamang PanahonWhere stories live. Discover now