Unang Tagpo

8.7K 103 0
                                    

Ewan ko ba pero hindi talaga nawawala ang antok ko. Kelangan ko yatang mag kape.

Pongs!! Mauna na muna ako sa iyo. magkakape lang ako. Sabay hablot ko sa bag ko at umalis na ng dorm.

iniisip ko pa rin yung panaginip ko. sakit talaga sa ulo yun. parang sumisikip ang dibdib ko pag napaniginipan ko yung batang yun. sino kaya siya? ano kaya ang nangyari sa kanya pagkatapos niya akong iligtas dun? napakabata ko pa nun nangyari iyon. hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya. kung hindi dahil sa kanya patay na ako.

nang palakad ako sa STARBUCKS nakita kong pumara ang kotse ng crush ko. ay salamat.. gaganda din ang umaga ko. tumakbo ako papunta sa kanya. at tinawag siya...

Ate Jia!!!

Baby Dean! (Napayakap) I would like you to meet my friend here (tinuro ang isang babae) JEMA. JEMA si DEANA nga pala anak anakan ko.

Inabot ko naman ang kamay ko. Nice to meet you po.

Nice meeting you.

....

Nakabili na ako ng Kape naming tatlo. wow talaga napamahal pa ako, sumabay pa kasi itong isa na to eh. Ang saya na sanaa na kami lang ni Jia. Sumali pa tung asungot na 'to. Nag kwekwetuhan sila, hindi naman ako makarelate kaya busybusihan na lang ako sa phone ko.

Jem? CR lang ako. hintayin mo na lang ako sa kotse. ito ang susi oh. (sabay abot sa akin ng susi)

Sige. Mauna na ako sa kotse. (tinitigan ko si deana) See you. mauna na ako sa iyo.

(Tumingin din sa akin si Deana) See you soon. at ngumiti. (wow ha. ang cute niya rin. pero mas cute pa rin si Jia)

....

Nauna ng umalis sila Ate Jia. In fairness ang ganda nung kasama niya. kaso ang suplada ng dating niya sa akin. Nahuhuli ko pa siyang nakatingin ng masakit sa akin. Parang meron akong atraso sa kanya. ano kaya ang problema nun? 

Tinext ko na si Ponggay na sunduin ako dito sa Starbucks. Dahil nakalibre ako ng Kape ngayun, Binilhan ko na lang siya ng Kape niya.

Deans! Halika na! Malilintikan naman tayo kay coach nito. Lagi na lang tayong pinapagalitan!

Tumakbo papuntang sasakyan. Eh sino bang mabagal sa atin? (inabot yung kape niya)

Essss!!! Ang sweet mo naman. Binilhan mo talaga ako ng kape?

Ayaw mo? Inis kong sabi.

Ano ka ba? Syempre gusto ko (kinuha ang kape sa kamay ko) Thank you deans.

....

Nasa Kotse na kami ni Jia. Ay salamat ma sosolo ko ngayun si crush.

Napatingin siya sa akin. Mabilis lang tayo makarating ng gym. walang trapik ngayon.Napangiti pa siya ng sinabi niya yun

Ang cute niya talaga. Nakatitig lang ako sa kanya habang nakikinig ng mga kanta sa kotse niya. napapagaan niya talaga ang araw ko. Jia?

Yes?

Wala lang. Gusto ko lang tawagin yung pangalan mo. (Nangitian siya)

(Nag smirk siya) Aba ha. Iba na yan.

(Namula naman ako) Bakit masama?

(Tinignan ako saglit) Wala naman. Ang ganda ko noh?

(Natawa naman ako) Syempre ba. Pero mas maganda ako.

Hindi ko naman maitatanggi (nag wink pa siya sa akin)

Paasa talaga tu si Jia. Pero kinilig naman ako.

.....

GYM

Buti na lang hindi pa kami late ni ponggay. kaso nga kami yung pinagtripan nila ate Maddie na mag set up ng Net at kumuha ng lahat ng bola sa storage. Lagi na lang ganito gingawa namin, ma late man kami o hindi.

Girls!! (Tawag ni Ate Maddie) Let us focus on our training. Malapit na ng magsimula ang second round. Kelangan nating manalo sa halos lahat ng games para makabawi tayo at makasama sa final four. Para to lahat kay Jho... Last playing year niya na. Hwag natin siyang biguin.

(nakapwesto kaming lahat sa harap ni ate Maddie) One Big Fight!!!!

Salamat girls. Kahit ano man ang mangyari. I'll be proud to belong in this team. (Napaluha naman si ate Jho.)

Common girls! Bawal ang madrama (sabi ni Bea na parang maluluha na rin)

Ay naku! for sure you just want to hug here. (Hinablot ko si Ate Bea at Ate Jho, at niyakap silang pareho para naman magyakap sila)

Napayakap din ang buong team Heartstrong!!! Laban Tayo! (Sigaw ng Lahat)

Nag start na ang training.

.....

Wala ba kayong Training sa Adamson? (tanong ni ate Alyssa)

Bukas pa po. Meron po kasing activity yung iba naming ka teammates kaya kinansel muna yung training ngayon. (sagot ko sa kanya)

Buti naman pala. Tamang tama din pala ang First Training mo sa amin. (sabi ni Ate Michelle)

(Napangiti naman ako. at tinitigan si Jia)

Sinundo ko nga eh, para hindi makatanggi. (nagpapacute pang sabi ni Jia habang nakatingin sa akin.)

Aray! (binatukan ni Ate Alyssa si Ate Jia) Para saan yun Ate?

Bawal Kang mag pacute. Ako lang ang cute dito.

(nagtawanan din ang lahat)

By the way guys, (dagdag ni Ate Alyssa) Pag nanalo tayo sa season na ito.. may surpresa ang Creamline Management sa atin. Kaya galingan natin. Jema (Nakatingin sa akin) Salamat sa pagbalik sa team. Alam kong malaki ang maitulong mo sa team.

(Nakatingin lahat sa akin.) Salamat sa pagtanggap niyo sa akin dito sa team.

At nagsimula na kami magtraining...


(sorry kung boring tung sturya)



Tamang PanahonWhere stories live. Discover now