Lakas

4.5K 99 1
                                    


Madilim ang paligid. Wala akong may nakikita. May umiilaw. Yung bracelet ni Deana. Lumapit ako sa umiilaw pero lalo itong lumayo. Tumakbo ako patungo dun pero naglaho na ito. Nataranta na ako.

Nagising naman ako sa pananaginip ko. Nakatulog pala ako. Hawaak hawak ko pa mga kamay ni Deana

Saglit muna akong lumabas ng kwarto ni Deana kasi naalala ko naiwan ko pala sa labas si Cy.

Paglabas ko nakita ko na si Bea at Jia na naghihintay sa waiting area. Hindi pa rin pala sila umuwi. Tinignan ko ang orasan mag aalas onse nan g gabi. Nandun din mga magulang ni Deana. Nakasandal yung mom niya sa dad niya habang nakaakbay naman sa kanya. Nakatulog na yata sila sa kakahintay.

Jema? Tawag sa akin ni Bea. Tumayo na rin siya. Iniwan pala ito ni Cy para sa iyo. Inabot ni Bea sa akin ang Backpack ko. Umalis na siya kasi sumama daw ang pakiramdam. Tumango lang ako sa kanya.

Na tense yata si Cy kaya sumama ang pakiramdam. Nag text naman ako ng pasasalamat sa kanya.

Bei? Nagsalita na si Jia. Wala ka bang training bukas? Tanong niya kay Bea habang nakaupo na kami sa Waiting area.

Wala naman, rest naming ngayong linggo. Sagot niya

Hindi ka ba uuwi ng Dorm? Tanong ko sa kanya.

Si Maddie na muna bahala dun. Hihintayin ko muna magising si Deana.

May lumapit naman sa amin na doctor. May kasama siyang intern na panay tingin sa notes niya.

Sino ba ang guardian ng Pasyente sa ICU? Tanong ng doctor.

Tinignan naming ang gawi ng mga magulang ni Deana. Nakahawak na ako kay JIa. Parang kinakabahan ako. Sabay kaming tumayo at tumungo sa kanila.

Tinap ni Bea ang balikat ng Dad ni Deana. Tito Dean? Tawag niya dito. Napalingon naman siya kay Bea at ginising na rin yung mom ni Deana.

Lumapit na rin ang Doctor at ang intern niya sa amin at nag simula na magsalita.

Sir, Ma'am? Mahinahon na sabi ng Doctor. May itatanong lang ako sa inyo. Tumango naman ang mag asawa. Madalas bang naninikip ang didbdib ng pasyente?

Nagtinginan lang sila. Bigla naman sumagot si Jia. Madalas niyang nirereklamo ang paninikip ang dibdib sa tuwing umiiyak siya.

Tinitigan lang namin si Jia. Hinawakan ko siya ng mahigpit. Siya lang naman kasi ang lagi napupuntahan ni Deana pag may problema siya.

Ganun naman pala. Matagal tagal na siguro iniinda ng pasyente ang pananakit ng dibdib niya. Ngayon lamang lumabas lahat. Sabi ng Doctor. Ito ang intern ko, explain mo na. Utos niya sa intern niya,

Based on her MRI results the patient is suffering from Myocardial infarction. It is an interrupted blood flow damages or it destroys part of the heart muscle. This is usually caused by a blood clot that develops in one of the coronary arteries and can also occur if an artery suddenly narrows or spasms. Napakunot noo kami lahat. Kaya tinoloy na lang ng Doctor.

Kailangan maoperahan ng Pasyente. Kailangan naming makuha ang naka clog sa ugat niya para macirculate ulit ang dugo niya. Magpapapirma lang ako ng waiver sa inyo. Kinausap niya na ang mga magulang. Tuluyan ng naiyak ang mom niya. I'll explain the terms in my office. Sumunod naman ang mga magulang ni Deana sa Doctor.

Parang na shock ang lahat sa narinig. Narinig kong napabuntong hininga na si Bea. Nagtinginan kami ni Jia, at di ko na napigilan. Umiyak na naman ako at napayakap kay Jia. Kakayanin mo naman to di ba Jem? Tanong ni Jia na parang umiiyak na din.

Ano ang gagawin ko ngayon? Tanong ko habang umiiyak.

Kailangan mo maging malakas Jem? Hinawakan niya ang kamay ko. Nandito lang naman kami para sa inyo.

Huwag ka masyadong mag alala. Pagpunas ni Jia sa mga luha ko. Hindi naman hahayaan nina Tito at tita si Deana. Gagawa sila ng paraan.

Napayakap naman ako kay Jia. Tama naman kasi sila. Kailangan ko palakasin ang loob ko. Ngayon ako mas kailangan ni Deana.

I think I need to go and get something to eat. Tumayo na si Bea. What do you want for dinner? Tanong niya sa amin.

Tinignan ko ang orasan, alas dose na. I think its more like a midnight snack. Sabi ko. I think we have to go eat. Gutom na rin ako eh. Sabi ko sa kanila. Parang nagngitian naman sila kasi nagagawa ko na rin ngumiti.

Kailangan kong maging malakas. Aalagaan ko pa si Deana.

.........

Pagkatapos namin kumain Binalik kami ni Jia sa ospital kailangan rin kasi niya makauwi kasi hinahanap na rin siya ng mga magulang niya.

Naiwan kami ni Bea sa ospital. Nahiga siya dun sa bench para mag iglip ng sandali. Nasa loob ng kwarto ni Deana ang mga magulang niya kaya sinamahan ko na si Bea sa Waiting area. Sumasakit na ang ulo ko sa pagod pero pinipilit kong magising. 

Maya maya pa dumating si Ponggay at Jules. Mukhang wala din silang tulog.

Nagulat naman ako sa kanila. Anong ginagawa niyo dito ng Madaling araw?

Ano na ba balita kay Deana. Tanong ni Ponggay sabay upo sa tabi ko. Nakatayo naman si Jules sa harap namin.

Hindi pa rin siya nagigising. Sabi ko sa kanila. Ooperahan yata siya mamaya.

Ganun ba siya ka lala. Tanong ni Jules na parang nanginginig pa.

Tumango naman ako. at yun nga nagkagulo na silang dalawa. kaya nagising si Bea.

Ang iingay niyo! Saway ni Bea sa kanila at Binatukan sila isa isa. Relax lang kayo. Gagaling si Deana. Ooperahan lang naman siya.

Lumabas naman ng kwarto ang mga magulang ni Deana kayo umayos na kami sa pagkakatayo. 

Mga ija. Sabi ng Mom ni Deana. Punta muna kami sa laboratory. kailangan kasi makahanap ng dugo para kay Deana. Magdodonate ng Dugo si tito niyo.

lumapit ako sa kanila. ilang bag ba ang kailangan? Tanong ko.

Mga tatlo. Sagot ng Dad ni Deana. 

Ano po ba ang blood type niya? Tanong ko. 

Type A. Sabi ng Dad niya.

Type A din ako. Sabay sabi namin ni Bea.

Sumunod na rin kami sa Dad ni Deana. Naiwan na sina Ponggay at Jules kasma ng Mom ni Deana.

Nauna muna si Bea na nagpakuha ng blood type. sinigurado kasi kung baka anemic kami o tama bang A ang blood type namin. naiwan ako kasama and Dad ni Deana.

Uhm. Napalunok yata siya Jessica? Tawag niya sa akin. Parang kinabahan ako.

Tumingin lang ako sa kanya.

Sorry. Diin na sabi niya. At salamat sa pagmamahal na ibinigay mo sa anak ko.

Nag titigan lang kami. pinalapit niya ako sa kanya. lumapit naman ako at niyakap niya ako.

Salamat sa ilang Beses mong pagliligtas sa anak ko.

Napaluha lang ako at napayakap din sa kanya

.............................

Tamang PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon