Supporta

4.6K 94 1
                                    

Napakaingay ng buong Gym. hindi na kami magkarinigan. Championship na at makakalaban namin ang team ni Jema. Excited na ako at kinkabahan. halo-halo na ang emosyon. Magaling talaga ang team nila. Maliban na nandun si Ate Jia at ate Alyssa, may Jema pa, May Ate Michelle at marami pang iba. 

Ang gagaling pa ng floor defense nila. yun ang kahinaan namin. inaamin ko talaga iyon. kahit ako nahihirapan kahit pa naging libero pa ako. si Jema halos magaling sa lahat ng posisyon sa court. napapantayan niya na ang galing ni Ate Alyssa.

Ang dami daming fans ng mga team namin. ang init init nga sa court sa sobrang dami ng tao.

Hello Ate Deana. may biglang kumalabit sa akin habang palabas ako ng dug out para mag warm-up. kakatapos lng kasi ng first game. Pwede bang magpapicture?

Sure. Ngiti kung sagot sa kanya, inakbayan ko siya at kumuha na ng litrato.

Bago png tuluyang umalis ang ale may humila sa akin. Si Jema. Ako rin. Pwede bang sumabay? Tanong niya sa ale.

ang laki naman ng ngiti nung ale nung makita siya. Hala. syempre po. Nagtilian na din yung mga kasama ng Babae at nagpapicture din sa amin. Pinagkaguluhan na kami kaya kinuha na kami ng mga coaching staff ng team namin para makawala sa kaguluhan.

Huwag masyadong magdikit. Saway sa amin ni Ate Maddie at hinila na ako palayo kay Jema. Nag wave naman sa akin si Jema at hinila rin siya nina Kyla sa corner nila.

Ang dami na pala namin fans. 

Dean? focus tayo sa game ha. bawal harutan sa court. bulong ni Ponggay sa akin. ningitian ko lang siya. 

hindi ko maiwasang tumingin kay Jema ngayon pang net lng ang pagitan naming dalawa. Nakikita kong seryoso siya sa warm up. Hindi nga niya ako sinusulyapan kahit minsan.

inayos ko na sarili ko kasi mag sisimula na ang laro. kailangan ko tung seryosohin para sa team.

Masyadong off yung mga receives namin ngayon. napapagod na ako sa kakahabol ng bola kaya paminsan minsan pinapahinga ako ni Coach dahil alam niya naman ang kalagayan ng health ko. 

Consistent naman ang laro ni Jema. kasi naiiwasan niya mga blocks namin. Ang galing din ng depensa niya sa likod kaya maganda ang set up ni Ate Jia ng mga bola niya. 

Natutuwa naman ako sa performance ng mahal ko pero sobrAng nadismaya naman ako sa sarili ko. na frufrustrate na yata ako.

malaki laki na rin ang lamang ng kalaban. Habang naghihintay ng serve napatingin ako sa harap ko, si Jema. Ang seryoso talaga ng mukha niya, nung nakita niya ako tumititig sa kanya binigyan niya ako ng isang cute na wink. napangiti na rin ako sa kanya. at narinig ko na lang ang tilian ng mga tao. 

Tinitigan ko siya kaya nalaman kong sa kanya ibibigay ang bola at na block ko siya. Nagsigawan na ang lahat at tumawa lang ako at napa staredown sa kanya, nag smile naman siya sa akin. 

Pagkatapos namin magkapuntos nag combination play sila Ate Riza at Jema. Lumusot ang Bola sa kamay namin ni Ate Bea kaya nakapuntos si Jema. Humiyaw na naman ang mga tao kasi nag staredown din sa akin si Jema. at pangiti-ngiting pumunta ng Service line.

Nag sign naman ako ng small heart sa kanya habang nasa Service line siya. Sa pagpigil ng mga ngiti niya napakagat labi siya, kaya lalong umingay ang court. Ang cute kasi talaga ni Jema. Ngumiti na rin ako. 

Sa kalaunan, natalo kami sa team ni Jema. 3 sets to nothing. kahit napagalitan ni coach parang nasa cloud nine ako. kasi marami palang sumusuporta sa pagmamahalan namin ni Jema.

.......

kakatapos lang ng laro. Kanya kanya pa rin kami ni Deana. Busy ang sched namin pareho. May Defense din kasi siya sa school kaya kailanghan niyang mag double time.

Tamang PanahonWhere stories live. Discover now