Karibal

6.1K 86 1
                                    

Nagtagal na rin nagsimula ang Second Round Elims sa UAAP Season 80. Napaka importante ng laro ngayon. Kailangan naming manalo. Pag natalo kami dito maaagawan na kami ng pwesto sa Final Four. Masasayang lang lahat ng pinaghirapan ko. Ayaw kong matalo, Last playing Year ko na, pinangako kong dadalhin ang team sa Finals. Kelangan ko Talagang manalo.

Team. This is it. Pag nanalo tayo dito sure ball na ang pwesto natin sa Final Four. (Nakapalibot sa akin ang buong team, ako ang Team captain at umaasa silang lahat sa akin) Guys gawin lang natin lahat ng itinuro sa atin ni coach. kaya natin manalo.

Laban! (Sigaw ng lahat sa Team)

....

Kinakabahan ako. Simula pa nitong season pressured na talaga ako. Buong season kinukumpara ako ng lahat kay ate Jia. Kilangan ko ma meet lahat ng expectations sa akin. ang laking kawala sa team si Ate Jia at ako pa tung pumalit sa kanya. Seryoso na tu. pag natalo pa kami dito. wala na talaga kaming pagAsa sa final four.

Baby Deans (Napatawag si ate Jia) Hwag mo na masyadong intindihin ang ibang tao. Just play your game ha. (Pano niya kaya nalaman ang iniisip ko? napayakap na lang ako kay ate Jia)

....

Nagbanyo muna ako at naparaan sa dug out ng Ateneo. may nakita akong familiar sa akin. Si JIA. Nakayakap kay Deana. Parang nainis naman ako pero naisip ko mentor si Jia sa batang iyon kaya kibit balikat akong tumungo ng CR.

....

Nagsimula na iyong laro... ang higpit ng laban. Nauna ng makadalawang set ang adamson. 

4th set na.

...

Girls. Papanaluhin natin tu. (Sabi ni Ate Maddie) Bawi Tayo Girls! One Big....

Fight! (sigaw naman ang lahat)

Ang hirap talunin ng Adamson.. Magaling yung kapitan nila. Lagi niyang naiiwasan yung blocks namin. laging pasok yung kills niya. ang hirap makuha. ang lakas. Kelangan kung gumawa ng paraan.

Napatingin ako kay Jema... ayan na. nag reready na siya pumasok... 1..2..3...

Jema Galanza! Denied by Deana Wong!!!! (Sigaw ng Commentator)

Wow!!!! Nagawa ko... Nablock ko siya. Tinitigan ko pa siya ng matagal habang nakaupo siya sa kabilang court. Ang saya lang nagawa ko siyang ma block!

....

Shit! nablock niya ako... Ang yabang talaga ng dating nito sa akin.. parang iniinis niya ako.. Staredown na staredown talaga! nakakainis... Babawian kita makita mo....

Jema Galanza! Through the Block!!!! (Sabi ng Commentator)

Ayan bawi na ako. ano ngayon Deana Wong!? Tinitigan ko siya! Akala mo ikaw lang marunong mag staredown? ano ka ngayon!

.....

Gigil na talaga si Jema.. Gustong gusto niyang manalo. naaawa naman ako sa kanya... sa kanya lahat binibigay ang set. siya yung inaasahan ng team niya. ang dami niya ng errors.. bantay na bantay na namin siya. sorry Jema, hindi lang ikaw ang gusto manalo..

At nanalo na kami... Yes!!!!! ako pa yung player of the Game... ang saya.

....

Talo na kami. parang gusto kong umiyak... lahat ng pinag hirapan ko bigla na lang naglahong parang bula.

....

ininterview nga kami after ng game. Hindi ako mapakali kaya nasabi ko kina ate Maddie na na staredown ko si Jema, at nangyari yun habang may reporters. nang matapos ang interview lumabas muna ako at nagpahangin ng makita ko si Jema sa parking lot...

hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para lapitan siya, ang sakit niyang tingnan na umiiyak, nung palapit na sana ako dumating din yung mga ka team mates niya para damayan siya.

hindi na ako lumapit, pero di rin ako makaalis sa pwesto ko... ang mga luhang iyon sa mga mata niya ang pinakamasakit na nakita ko sa buong buhay ko.

...

Sorry guys. shinorcut ko na yung staredown.. halos lahat ng story sa jedean may pa ganun eh.

Tamang PanahonWhere stories live. Discover now