Meet the Family

5.1K 93 2
                                    

Pagkatapos naman ubusin ng mga masisiba kong teammates ang pagkain na pinaghirapan ni Jema para sa akin, kinulit na naman nila ako ng kinulit.

Pag napasagot mo na si Jema huwag mo ng pakawalan masarap mag luto eh. Sabi ni Ponggay habang nag hahanda para sa game naming mamaya.

Pag iyan pinakawalan mo pa Deana.. Naku bibitayin ka namin ng patiwarik. Dagdag pa ni Jules. at tumawa naman silang dalawa.

Inirapan ko na lang sila ng tingin ng may umakbay sa akin mula sa likod. Pag magloloko ka. Aagawin ko siya sa iyo. Bulong ni Ate Bea. I like her. Nanlaki naman ang mga mata ko at napakunot noong inalis ang kamay niya sa akin. Nag smirk lang siya sa akin at pumasok na sa bus.

Ang dami ko naming karibal. Una si ate Jia, tapos may Fhen pa. at ngayon dumagdag pa si ate Bea. Nakakainis.

Nasa Arena na kami naghihintay ng tawag ng announcer. Kinakabahan na ako. Napadasal ako na wala sa oras. Ng magsimula na ang laro umingay na ang buong Arena.

Pagod na pagod na ako. Tagaktak na ang mga pawis ko. Sumasakit na ang mga balikat ko. Ang bigat bigat nan g nadarama ko. Tahimik ang Arena. Nasa 5th set na kami. at intense ang laban. Set point na ang kalaban naming. Isang pagkakamali lang. tapos na kami. hindi na ako makagalaw sa tinatayuan ko. Nag simula ng mag ingay ang mga tao. Nakikita kong tumatalon talon na ang mga kalaban naming. Tapos na kami. hindi ako makagalaw. Nakita kong umiyak si Ate Jho.

Naglakad ako palayo ng merong humila sa akin, Napayakap na lang ako sa kanya at humahagolgol... Okay lang yan Baby Deans Bulong ni ate Jia sa akin. Lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya. Bawi ka lang next Season. At lalo pa akong umiyak

Pagdating ng Dug Out. Hindi matapos tapos ang iyak ng lahat. Maliban kasi na natalo kami. Last playing day na ni Ate Jho. Niyakap naming siya. Basang basa na kami ng pawis at luha. Wala na kaming pakialam. Dagdag pa na huling araw na rin ni Coach Tai sa amin. Niyakap din siya naming. Ang sakit na talaga sa dibdib ang pag iiyak namin. Sabi sa amin ni Coach Tai ililibre niya raw kami Next week after niyang mag paalam sa Ateneo. Tumahan naman ang mga patay gutom kong mga teammates. Yun lang naman pala makapatigil sa kanila.

Binuksan ko ang cellphone ko. Nag text pala si Jema.

From my Queen: Deans. Sorry hindi ako makapanood diyan sa Arena. Kelangan ko pang tapusin ang requirements ko sa school. Graduation na kasi next week,

Buti nga lang wala siya. Ayaw ko naman Makita niya akong parang batang umiiyak. Nag eply naman ako sa kanya.

To my Queen: Okay lang. Talo kami. malungkot ako. Need a hug.

Hindi ko nang hinintay na mag reply siya. Alam kong busy siya kaya nag paalam na lang ako kay ate Maddie na kina Jema matutulog ngayong gabi. Pumayag naman siya kasi lahat naman gusto na rin umuwi dahil nakakalungkot din yung nangyari sa amin buong araw. Nag Text ako kay Jema.

To my Queen: See you later. Hug ko ha. I love you.

Nag drive na ako patungong apartment niya.

......

Wala akong tulog. Ang daming tinapos na requirements. Gusto ko na lang talaga humilata na at magpahinga sa bahay. Nicheck ko muna ang cell phone ko. Nag reply na pala si Deana.

From Deana: Okay lang. Talo kami. malungkot ako. Need a hug.

May isa pang message binuksan ko din.

From Deana: See you later. Hug ko ha. I love you.

Pupunta yata ng bahay. Hindi na rin ako nag reply. Magkikita naman kami eh. Inistart ko na ang kotse ko at dali daling nag drive pauwi.

Nang dumating ako ng apartment. Nakita ko kaagad kotse ni Deana kaya pinark ko lang sasakyan ko at tumungo na sa loob ng bahay. Pagbukas ko ng Pintuan may naririnig akong nag sasalita. May mga tao sa sala naming. Pag tingin ko sa kanila nagulat na ako.

Ma, Pa, Ate Jov? Nanlaki ang mga mata ko at pinuntahan sila at bineso at niyakap sila. Anong ginagawa niyo dito. Next week pa naman ang Graduation ko.

Bakit Jessica? Tanong ni Papa. Hindi na ba kami welcome dito sa pamamahay mo?

Inakbayan naman ako ni Ate Jov. May nakalimutan ka yatang sabihin sa amin. Sabi niya sa akin.

Hindi ka na makwento ha. Si Mafe na lang tuloy nag kwento sa amin Dagdag pa ni mama. Sinamaan ko naman ng tingin si Mafe na nakangisi sa likod ni papa at nag Peace sign lang. naaninag ko na may tao pa sa likod ni Mafe. Nanlaki na naman mga mata ko ng Makita kong nakangiti si Deana sa akin sa likod at nag wave siya.

O ano na? Sabi sa akin ni Ate Jov. Hindi mob a ipakilala sa amin tung special someone mo. Namula naman ako sa hiya. Tsk. Kinuha ko ang kamay ni ate sa pag akbay niya sa akin at nilapitan si Deana. Kinuha ko ang kamay niya at hinila sa harap ng mga magulang ko. Ma? Pa? Ate? Isa isa ko silang tinitigan at binigyan ko ng pinakamatamis na ngiti si Deana. Ito pala si Deana. Special Friend ko.

Natahimik naman lahat maliban kay Mafe. Guys?! Gutom na ako. Basag ni Mafe sa katahimikan. Kain naman tayo. Nagluto si Ate Deana ng masarap para sa hapunan.

Napatingin naman ako sa kanya. Nagluto lang naman ako ng Tinolang manok. Bulong niya sa akin. Sorry hindi ko kasi alam na darating parents mo kaya hindi ako naka paghanda. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya ngitian ko naman siya at napasandal sa kanya.

Kain na tayo. Sigaw ni ate Jov. Nagdala kami ng cake. Tamang tama naman pala dating naming eh.

Buti na lang marami ang hinanda natin ate. Siko ni Mafe kay Deana. Kelan ba sila naging sobrang close. Nag wink pa si Deana sa kanya.

Dinala na kami lahat ni Mafe sa Dining. Nakahanda na ang ulam at kanin at tatlong set ng Pinggan. Kumuha pa si Deana ng tatlo pa sa pingganan at nilapag sa misa. Tumulong naman ako at kumuha ng kurbyertos at baso. Samantalang si Mafe kumuha ng isang pitsel na Juice sa ref. timpla rind aw ni Deana yun.

Tuwang tuwa naman ang mga magulang ko kay Deana. Tinatanong nila si Deana about school and family stuff. Sinagot naman lahat ni Deana ang mga tanong nila. At walang kahirap hirap na nagging close sa mga kapatid ko.

Parang nawala yung pagod ko ng Makita na nakangiti yung mga magulang ko habang kausap si Deana. Napangiti naman ako nakatitig sa kanya. Tumingin din siya sa akin na puno ng pagmamahal sa kanyang mga mata at napangiti na kami pareho sa isa't isa.

.....

Tamang PanahonWhere stories live. Discover now