Kabanata 4

88.7K 2.7K 882
                                    

"Good morning Young Master Dric. Sa kanan mo po nakalagay ang susuotin mo para sa umagang 'to isang Ralph Lauren na polo at cargo shorts." Ani ko sa kanya habang binubuksan ang malaking kurtina niya rito sa kwarto.

"What are you doing?" Hindi ko muna siya nililingon dahil alam kong nagbibihis pa siya. "Hmm?"

"Binuksan ko ang kurtina para naman masinagan ka Young Master. Napansin ko kasing hindi ka nagbubukas ng kurtina simula noong dumating ako rito." Sagot ko nang matapos sa pagbubukas ng mga malalaking kurtina.

"Hindi ko rin naman kasi nakikita." Ramdam ko ang lungkot sa kanyang boses. Agad akong lumapit sa kanya nang masigurado na tapos na siyang magbihis. Napatitig muna ako sa kanya sandali. He heavily sighed.

"Pero ako nakikita ko. Sino bang mga mata mo?" Inabot ka ang mukha niya, pinadaan ko ang hinalalaking daliri ko sa gilid ng kanyang mga mata. I felt him resting his cheek on my palm.

"Ikaw." Ngumuso siya sa akin. Inalis ko ang pagkakakunot sa noo niya gamit ang kaliwang kamay ko. "Dumadaldal ka na ah". Puna niya sa akin na hindi ko naman gaanong pinansin. "You know what?" Inalis ko na ang kamay ko sa kanyang mukha.

"Ano po 'yun Young Master?" Umiling ito habang nakangiti. Inabot ko sa kanya ang kutsara at tinidor. "Sa kaliwa mo Young Master, isang basong gatas. Inumin mo muna iyan." Sinunod niya naman agad ang sinabi ko. Dahan-dahan niyang kinapa ang baso at tsaka ito dire-diretsong ininom. Napangiti ako, I hope he'll glow more. Masaya sa pakiramdam na unti-unti kong nakikita na nagsisimula na ulit siyang magkaroon ng pag-asa.

Ilang linggo na rin akong nagtratrabaho para sa kanya pero hindi naman ako kailanman ulit nakakita ng dahilan para iwan o hindi makatagal sa kanya. "Wala naman. I just thought I'm really getting comfortable with your presence now." Ako rin naman, nakasanayan ko na ang naging daily routine naming dalawa.

"You know Paresh is my best friend. And I never really had a girl best friend because I can't stand a girl's attitude except for Irynne." Magkahalong lungkot at saya ang pinapahiwatig niya sa akin ngayon.

"Si Ma'am Irynne po pala dumating kagabi kaso natutulog na po kayo noon. Pinahatid ko na lamang kay Paresh." Sandali siyang tumigil sa pagkain at bumuntong-hininga. "Lasing na lasing po siya kagabi."

"I'm sure Paresh drove her home safe. I cannot do that for her, anyway." Mixed of bitterness and sadness was very evident on his voice. "Saan mo gustong pumunta ngayon?" Ngumiti ito sa akin.

"Ha?"

"Labas ulit tayo?"

"Naku Young Master! Hindi na po pwedeng maulit ngayon. Delikado po." Pagdadahilan ko. Sumimangot ito. "Tsaka maglilinis pa ako nitong kwarto, papalitan ko ang bedsheets ng kama mo."

"Okay. I'm done eating." Niligpit ko na ang mga pinagkainan niya, natigilan pa ako nang mahawakan niya ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya.

"Sige na please."

"Hindi na po pwede. Pinagbawal na po kasi 'yun ng mommy at daddy mo." Saad ko sa kanya. Nanatili siyang nakahawak sa kamay ko at bahagya niya pa itong minasahe. Natawa na lang ako nang mas lalo pa siyang sumimangot.

"They won't know." Aniya.

"Maglilinis na po ako, Young Master." Pagbabalewala ko sa sinabi niya. Tahimik lamang ako nagwawalis sa buong kwarto samantalang siya nakabusangot. Pagkatapos ay kumuha na ako ng vacuum cleaner para malinis pa itong mabuti. "Earphones ko." Seryosong sabi niya sa akin. Agaran kong inabot sa kanya ang earphones at iPad niya.

"May gusto ka bang pakinggang kanta?"

"Why would you care?" Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa inaasta niya ngayon. May pagka-isip bata rin pala talaga ang isang 'to.

The Blind Young Master [Published under PopFiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon