CHAPTER TWO- A Wolf In Sheep's Clothing

4.8K 186 16
                                    

LABIS ang gulat ni Cindy nang makita niya si Brittany sa hallway ng school kung saan siya nag-aaral. Nagtataka lang naman siya dahil obviously ay dito na ito nag-aaral. Nakasuot kasi ito ng school uniform na katulad ng sa kaniya. May kasama pa itong dalawang estudyanteng babae habang naglalakad ang mga ito. Masayang nagkukwentuhan ang tatlo. Ang bilis naman makakuha ng kaibigan ni Brittany. Samantalang siya na dito na nag-aaral since elementary ay wala pa ring nagiging kaibigan dito. Wala kasi siyang nakikitang tao na pwede niyang kaibigan na pwedeng tumapat sa level niya. Masyado kasing mataas ang tingin niya sa sarili.

“Wow! You are a Locsin? Anak ka ni Don Amado Locsin? So, super yaman ka pala!” Narinig ni Cindy na sabi ng isa sa kasama ni Brittany.

Hindi nakikita ni Brittany na nasa unahan siya dahil abala ito sa pakikipag-usap sa dalawang kasama.

“Hindi niya ako, anak. Ikakasal na kasi sila ng mother ko sa susunod na buwan kaya magiging anak na rin niya ako. Aampunin na daw niya ako, e. Kaya mapapalitan na rin ang apelyido ko--”

“Oh, really?!” Sinadyang lakasan ni Cindy ang pagsasalita nang malapit na sa kinaroroonan niya si Brittany. Kitang-kita niya ang pagkagulat sa mukha nito nang makita siya. Naka-crossed arms na nilapitan niya ito. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa at muling bumalik ang mata niya sa mukha nito. “Anong ginagawa ng isang basurang katulad mo dito, Brittany? Afford ba ng nanay mo ang tuition dito? Masyado na yata kayong ambisyosa!”

“Cindy, hindi naman si nanay ang may gusto na mag-aral ako dito kundi si Daddy Amado?”

“Daddy Amado?! One week ka pa lang na nakatira sa bahay namin tapos daddy na agad ang tawag mo sa daddy. You have no right na tawagin siya ng daddy dahil hindi ka niya anak!”

“Grabe ka naman talaga, Cindy!” sabay na sabat no’ng dalawa nitong kasama.

Pinanlakihan lang niya ng mata ang dalawa at nanginginig nang umalis ang mga ito. Iniwan mag-isa si Brittany sa kaniya. Kilala kasi siya ng lahat doon bilang isa sa pinaka maldita at lahat ay takot sa kaniya.

“Ang daddy mo naman ang may gusto na tawagin ko siya ng gano’n, e.” Katwiran ni Brittany.

“At sinunod mo naman siya?! Ganiyan na ba katagal ang mukha ninyong mag-ina?” gigil na dinuro niya ang mukha nito. “Ikaw at ang nanay mo, huwag kayong ambisyosa, ha! Siguro nasa kama kayo ngayon pero I’ll make sure na babalik kayo sa banig na pinanggalingan ninyo!” May kasamang pagbabantang turan niya dito at tinalikuran na niya ito.


-----ooo-----


MEDYO late na umuwi si Cindy sa bahay nila mula sa school. Pag-uwi niya ay naabutan niya sa salas ang kaniyang daddy na yakap ang umiiyak na si Brittany. Kung makaiyak naman ito ay para itong namatayan. Talagang may hikbi at pagsinghot pa.

Ang arte naman! Sabi niya sa kaniyang isip sabay irap.

Lalagpasan lang sana niya ang mga ito nang bigla siyang makita ng daddy niya.

“Cindy!” Maawtoridad nitong tawag sa kaniya.

Napahinto siya sabay tirik ng mata. “What, daddy?” iritadong tanong ni Cindy.

“Lumapit ka nga dito.”

Hindi alam ni Cindy pero nakaramdam siya na parang may mali sa tono ng pananalita ng ama niya. Parang galit ito na hindi niya mawarian. Dahil sa wala naman siyang pagpipilian ay lumapit na lang siya dito. Kumalas na ito sa pagkakayakap kay Brittany.

“Cindy, hindi mo dapat ipinahiya si Brittany sa school ninyo! Mali ang ginawa mo!”

Nanlaki ang mata niya. “What?!”

In Her ShoesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon