CHAPTER TEN- Bloodily Ever After

6.7K 222 42
                                    

HINDI makapaniwala si Brittany sa kaniyang nakita. Pababa na kasi sana siya sa hagdan nang makita niya sina Erwan at Samara. Susundan niya sana ang dalawa para kausapin. Pero napahinto siya nang makita niya kung paano halikan ni Samara ang ama nito. Hindi iyon halik ng isang anak sa ama nito. May kakaiba sa paraan ng paghalik ni Samara kay Erwan. Parang nakita niya tuloy kay Samara si Cindy. Kaya naman mas lalong tumindi ang hinala niya na baka nga sumapi si Cindy kay Samara. Bagaman at hindi siya naniniwala na totoo ang mga ganoong bagay. Pero paano kung totoo nga ang sinasabi ng mommy niya?

Kahit hindi pa rin naniniwala ng buo ay pinuntahan niya ang kaniyang ina sa silid nito. Naabutan niya ito na nakaupo sa gilid ng kama at nakatulala habang walang tigil ang pagpatak ng luha.

Nilapitan niya ito at yumukod sa harapan nito. “M-mommy, si S-samara…” Marahang pumaling ang mukha nito sa kaniya. “Sa tingin ko kasi ay maaaring tama kayo. Baka nga nasa katawan niya si Cindy. Kanina, nakita ko siya na dala iyong lumang manika ni Cindy at suot niya ang sapatos ng babaeng iyon. Nang kunin ko sa kaniya ang mga iyon ay nagalit siya at sinaktan niya ako. Si Samara ang may gawa nito sa akin…” Itinuro niya ang sugat sa kaniyang mukha. Nilagyan na rin niya iyon ng gasa para hindi ma-expose ang sugat. “A-at kanina, hinalikan niya si Erwan na para bang asawa niya ito.”

“Sabi ko naman sa iyo. Bumalik si Cindy sa pamamagitan ni Samara! Ayaw mo lang maniwala sa akin. Sa sobrang sama ni Cindy ay pwedeng matuwa ang demonyo sa kaniya at pagbigyan kung sakaling hiniling niya na bumalik dito sa atin para maghiganti…”

Kumunot ang noo ni Brittany sa pinagsasabi ng nanay niya. Ngayon lang niya kasi narinig dito na nagsasalita ito tungkol sa mga ganoong bagay. “Saan niyo naman po nakuha ang mga salitang iyan?” Nagtataka niyang tanong.

“Dalaga pa lang ako noon nang may makilala akong babae na may kakayahan na lumaban sa mga demonyo at magresolba ng mga hindi maipaliwanag na bagay gaya ng multo at kung anu-ano pa. Naging magkaibigan kami noon at naikwnento niya sa akin ang mga ganiyang bagay kaya naniniwala ako na pwedeng nasa katawan ng anak mo si Cindy!” Bakas ang takot sa mukha nito habang nagsasalita.

“Kung ganoon, ano po ang gagawin natin, mommy? Kung totoo nga na nasa katawan ng anak ko si Cindy, dapat ay mapaalis natin siya at ibalik sa impyerno kung saan siya nararapat!”

“Isang tao lang ang kilala kong makakatulong sa atin. Si Caridad Espiritu! Ang naging kaibigan ko noon na sinasabi ko sa iyo kanina. Puntahan mo siya sa address na ibibigay ko sa iyo at banggitin mo ang pangalan ko sa kaniya!”

Tumayo si Regina at kumuha ito ng papel at ballpen. May isinulat ito doon at ibinigay sa kaniya. Nang basahin iyon ni Brittany ay nalaman niyang isang address ang nakasulat doon. Sa isang bayan na kung tawagin ay Villa San Isidro sa Calauag, Quezon ang addres. Sa pagkakaalam niya ay malayo iyon kaya naisip niyang dapat ay umalis agad siya.

“Sige po. Kung siya talaga ang makakatulong sa atin, mamayang madaling araw ay aalis na ako para puntahan siya,” sabi niya sa kaniyang nanay.

May pag-aalinlangan man na totoo ang mga nangyayari sa anak niya ay wala na siyang pakialam. Mas mabuti na may gawin siya kesa wala.


-----ooo-----


KANINA pa hindi mapakali si Brittany. Hindi niya kasi alam kung nasaan si Erwan. Inakala niya na baka umalis ito pero nakita naman niya ang cellphone nito sa kanilang kwarto. Kinakabahan na tuloy siya na baka may kung anong ginawa dito si Samara dahil ang dalawa ang huli niyang nakita na magkasama. Nang tanungin naman niya si Samara ay hindi ito nagsasalita. Hindi siya nito pinapansin.

Nagdalawang-isip tuloy siya kung tutuloy pa siya sa pagpunta sa taong sinasabi ng nanay niya. Gusto niya kasi na masigurong ligtas ang kaniyang asawa bago siya umalis. Pero naisip niya na kapag hindi pa niya pinuntahan agad ang taong iyon ay baka may mga mangyari pang hindi maganda. Kaya kahit nag-aalala para sa nangyari kay Erwan ay tumuloy pa rin siya sa pagpunta sa Calauag, Quezon. Upang kahit papaano ay maging payapa ang kaniyang isip ay inisip na lang niya na galit pa rin si Erwan sa kaniya at umalis ito para magpalamig ng ulo.

In Her ShoesWhere stories live. Discover now