CHAPTER FOUR- Words Left Unsaid

3.9K 164 12
                                    

NAKAUNAN si Cindy sa may braso ni Erwan habang pinaglalaruan ng kaniyang daliri ang mumunting balahibo ng lalaki sa matipuno nitong dibdib. Kapwa sila walang saplot at wala silang pakialam kahit nakikita nila ang kahubdan ng isa’t isa. Kakatapos lang nila ng isang mainit na pagtatalik sa kwarto mismo ni Cindy. Ngayon ay mas nakapagtalik sila ng maayos hindi katulad noong una sa kotse. Hindi na sila nagmamadali at hindi na rin sila kinakabahan na baka may makahuli sa kanila.

“Ang galing mo pala talaga, Cindy!” palatak ni Erwan habang hinahaplos nito ang kaniyang braso. “Paniguradong hahanap-hanapin na kita simula ngayon.”

Napangiti si Cindy. Umalis siya sa pagkaka-unan kay Erwan. “Hindi mo naman kailangan hanap-hanapin. You can have me anytime you want, Erwan…” Nang-aakit na turan niya.

“Anong ibig mong sabihin?”

“You like me and I like you, right? Bakit hindi pa natin ito i-next level? I don’t want to be your fuck buddy. Kung tayo, tayo. Kung hindi, hindi.”

Hindi makapaniwalang napaupo rin si Erwan. “S-seryoso ka ba diyan? Gusto mong maging tayo? Baka naman nabibigla ka lang, ha. Sobrang yaman mo tapos ako mahirap. Hindi tayo bagay…”

“Walang kaso sa akin. Kapag gusto ko ang isang lalaki wala akong pakialam sa estado ng buhay niya. And I like you. So, anong sagot mo? Ayoko ng paliguy-ligoy,” diretsong sabi niya.

“Oo naman, gusto ko! Gusto kong maging tayo na!” Sa sobrang saya ni Erwan ay mahigpit siya nitong niyakap. Pagkatapos ay hinalikan siya nito sa labi. “Napakaswerte ko dahil akin ka na ngayon, Cindy Locsin. Akin ka lang, ha!”

“I am all yours. Lahat ay pwede mong gawin sa akin!”

“Talaga? Lahat?” pilyong turan nito.

“As long as masasarapan ako the do it!” malanding sabi naman niya.

Wala nang salitang namutawi kay Erwan. Pinugpog nito ng halik ang dibdib niya habang tinutudyo ng daliri nito ang bukana ng kaniyang pagkababae. Muli siya nitong inihiga sa kama upang muli siya nitong angkinin.


-----ooo-----


PAGBABA nina Cindy at Erwan sa salas ay naabutan nila doon sina Brittany at Regina na nanonood ng TV. Sa kwarto na niya natulog si Erwan kaya naman ilang beses silang nagtalik. Inumaga na nga ito sa bahay nila. Huminto sila sa may pintuan upang maghalikan. Sinadya niyang ipakita sa dalawa ang eksenang iyon dahil sigurado siyang maiinis ang mga ito.

“I will miss you, Erwan…” Akala mo ay pusang naglalambing na ungot ni Cindy.

“Ako rin. Hayaan mo, dadalawin ulit kita dito bukas!” ani Erwan sabay kindat.

“Promise?”

“Promise!” Hinalikan siya ulit nito sa labi. “Sige na, uuwi na ako. Kailangan ko pang magtrabaho para sa future natin. Bye. I love you, Cindy!”

“I love you too, Erwan!” Nagyakapan ulit sila at naghalikan bago tuluyang umalis si Erwan. “Bye, Erwan! See you soon!” Inartehan niya talaga ang pagsasalita habang kinakawayan ang nobyo.

Alam niyang napakabilis ng mga pangyayari sa pagitan nila ni Erwan dahil ilang araw pa lang sila na magkakilala ay sila na agad. Ang katwiran niya kasi ay gusto naman nila ang isa’t isa kaya hindi na nila dapat patagalin pa. Sa tingin naman niya ay magkakasundo sila ng naturang lalaki. Isa pa, gustung-gusto niya talaga ito kaya hindi na rin niya ito pinakawalan pa. Baka may iba pang makaagaw dito, mahirap na.

Pagharap ni Cindy kina Regina at Brittany ay may pagkairita sa mukha ng dalawa.

“Hindi ka dapat nagpapapasok dito ng kung sinu-sino, Cindy,” ani Regina nang paakyat na sana siya pabalik sa kaniyang silid.

In Her ShoesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon