CHAPTER THREE- First Time To Fall

4.4K 169 16
                                    

“MAY dumi ba ako sa mukha?” untag ng lalaki kay Cindy.

Napakurap ng ilang ulit si Cindy nang mapagtanto niyang kanina pa siya nakatitig sa lalaking nasa katabi niya. Hindi lang kasi siya makapaniwala na kinakausap siya nito ngayon. Ang akala niya kasi ay umalis na ito kanina. Hindi naman niya akalain na lalapitan pa talaga siya nito.

“Akin na nga 'yan!” sabi na lang niya upang makabawi. Inagaw niya dito ang sigarilyo at hinithit iyon. Naisip niya na hinithit din iyon ng lalaki kaya nagkaroon sila ng indirect kiss. Sa kauna-unahang pagkakataon ay naramdaman ni Cindy ang sinasabi ng iba na “kilig”.

“Type mo ako, 'no?” confident sa wika ng lalaki.

“Huh?”

“Ang sabi ko, type mo ako. Kung makatitig ka kasi sa akin, parang nilalamon mo na ako ng buo, e.” Medyo presko magsalita ang lalaki pero para kay Cindy ay bagay naman dito ang mayabang nitong pananalita. Nakakadagdag ng kagwapuhan nito iyon.

“In your dreams! Ang yabang mo!” Sinabi lang niya iyon upang hindi siya mahalata na totoo ang sinabi nito. “Hindi mo ba ako kilala? I am Cinderella Locsin. The only daughter of Don Amado Locsin!”

“Pasimpleng pagpapakilala, ha. Hindi mo na kailangang magtaray. Sasabihin ko rin naman ang pangalan ko sa iyo, e. Ako si Erwan Prince. Tunog mayaman ang pangalan ko pero… sa pangalan lang. Tricycle driver ako. Malayong kamag-anak ko sina Shanel kaya ako nandito.”

“I don’t care!” irap niya.

Aalis na sana siya nang mabilis na hinawakan ni Erwan ang kaniyang braso. Kung ibang estranghero ang gumawa niyon sa kaniya ay kanina pa niya ito nasampal. Pero may kakaibang init na hatid ang palad ni Erwan sa kaniyang balat. Gusto niya iyon. Gustung-gusto…

“Kwentuhan pa tayo. Nagkakilala na rin lang naman tayo, ituloy na natin ito,” ani Erwan.

“Ituloy? Saan?”

“Ang pagkakakilala natin,” anito na may kasunod na kindat.

Napasinghap si Cindy. Parang kakapusin siya ng hininga sa pagkindat ni Erwan. Don’t do that again, Erwan! Baka ma-fall na talaga ako sa iyo! Tili ng utak niya.

Muli siyang humarap sa lalaki at nag-crossed arms. Ayaw na niyang mapakipot pa dahil wala naman talaga iyon sa kaniyang pagkatao. Straight-forward at prangka siyang tao. Ayaw na niya ng paliguy-ligoy pa.

“Okay, fine, Erwan. Didiretsuhin na kita. I like you!” pag-amin niya.

Nakangising tumango-tango si Erwan. Nainsulto siya sa ginawa nito. Iyon lang talaga ang reaksyon nito sa pagtatapat niya? Tumango lang ito at nginisian siya?

Dahil doon ay naningkit ang mata niya sa inis. “Iyan lang talaga ang reaction mo? Sinabihan mo ako kanina na maganda at sexy tapos--”

Hindi na natapos pa ni Cindy ang sasabihin dahil bigla siyang kinabig ni Erwan sa kaniyang beywang at siniil nito ng halik ang kaniyang labi. Noong una ay nagulat siya dahil hindi niya inaasahan na ganoon pala kabilis ang lalaki. Ngunit nang maglaon ay nanlaban na rin siya sa mapusok na halik ni Erwan. Nagsalo ang amoy ng alak at sigarilyo sa bibig ng lalaki at sa hindi malamang dahilan ay nagustuhan niya iyon.

Agad na nakaramdam ng init ng katawan si Cindy. May kakaibang hatid ang bawat hagod ng labi at dila ni Erwan. Binubuhay nito ang kaliit-liitang pagnanasa sa kaniyang katawan.

Tumigil muna siya sa paghalik kay Erwan. “Let’s do this quickly!” anas niya habang namumungay ang mga mata.

“Ano?” Kunot ang noo at naguguluhang tanong ni Erwan.

In Her ShoesWhere stories live. Discover now