Kabanata 8

76.9K 2.8K 1.3K
                                    

Mas humigpit ang yakap niya sa akin. "Huwag mo na ulit akong iiwan nang ganun-ganun na lang..."

"Young Master..." Nanginginig ang aking mga labing tawag ko sa kanya. Dumako ang tingin ko kay Irynne. Tila bumalik ako sa realidad nang makita ang kanyang mga mata. She's hurt. She's probably jealous of me. Sinubukan kong lumayo kay Dric pero ayaw nito. "Young Master Dric...magpahinga na po tayo." Ani ko. Pero tila hindi niya narinig ang sinabi ko. Umiling pa siya na tila walang pakialam sa paligid namin.

"Dric..." Si Irynne ay naglakad papalapit sa amin. Nahanap ko na ang tiyempo na makahiwalay sa yakap niya. "Nagseselos ako..." Bigla siyang humagulgol sa pag-iyak. Napaatras ako.

Realizations.

Kaibigan lang ang tingin sa akin ni Dric. At gaano man siya maging kalapit sa akin ay hanggang kaibigan lang talaga. Between Dric and Irynne, I'm out of the picture. Ayoko ring maging dahilan ng tuluyang paghihiwalay nila. I've been there. Iniwan ako kasi may nahanap na kapalit ko. I don't want other girls to experience what I've been through. Mas masakit kasi yung iniwan ka dahil may kapalit ka na, kaysa sa iniwan ka dahil nagsawa na.

Nanatili ako sa isang tabi. "Nagseselos ako Dric." Pag-uulit ni Irynne. Nagkatinginan kami ni Paresh. "Hindi mo ba ako marinig?" Kinuha ni Irynne ang mga kamay ni Dric. Nakita ko ang paglambot ng expression ng mukha ni Dric nang hawakan siya ni Irynne.

Mahal pa rin niya, ramdam na ramdam ko. Pero bakit ganun, may kaunting kirot sa dibdib ko.

"Nagseselos ako. Hindi ko kayang lumayo. It's so damn hard Dric kasi mahal pa rin kita. I just can't stop loving you..." Hindi nagsalita si Dric. "Dric! Mahal na mahal---" Dric suddenly claimed her lips. Napaiwas agad ako ng tingin. Lumapit sa akin si Paresh. Marahan ako nitong hinawakan sa siko, pakiramdam ko matutumba ako kaya napahawak na lang din ako sa suit niya.

"Stubborn. I told you to stay away. I told you to stop loving me, but you keep coming back." Mas lalong naiyak si Irynne, ganoon din si Dric.

"Mahal pa rin kita..." Pinagtama ni Irynne ang noo nilang dalawa. "Mahal na mahal..."

"Mahal pa rin kita...pero natatakot ako Irynne." Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko kay Paresh. Tila naubusan ako ng mga salita para ilarawan ang nararamdaman ko ngayon. "Irynne takot na takot ako, na baka kapag ikaw ang nang-iwan ubos na ubos na ako. Irynne ikaw ang naging mundo ko noon pa man, hanggang ngayon..."

"I won't leave...Hindi kita iiwan. Please, just please...wag mo na ulit akong itutulak palayo sayo..."

Their exchanged of sweet and touching words disappeared into thin air as Paresh grabbed my hand and together we walked away from them. Nagpatianod na lamang ako sa ginawa niya. "You look so sad." Aniya. Hindi ko alam kung saang parte kami ng mansion ngayon. Humiga siya sa damuhan. Tsaka pinagmasdan ang kalangitan.

"Someone told me before, you can look at the night sky if you're feeling sad, you can watch the stars as they twinkle." Humiga rin ako roon. "And if you're about to cry, breathe in and out. Then choose if you'll cry or not."

"I'm sad."

"I know you are..." Aniya. "But I hope you don't get confused with what Dric is showing you. Ela, kaibigan lang talaga ang turing niya sa'yo. He probably got so excited to have a new friend whom he can trust. Baka naging iba ang dating sa'yo." He isn't looking at me. Nakatitig lamang siya sa mga bituin.

"Alam ko. It's just hard not to expect." Mapakla akong napangiti. "Pero wala naman akong balak mahulog sa kanya sa umpisa pa lang. I just really wanted to help."

"Hindi maiiwasan 'yun pero sana kung kaya mo pang pigilan, pigilan mo..." Tumango na lamang ako, kahit wala na akong alam na paraan kung paano pa pipigilan. "I don't want to see you cry because of him. He's my best friend, you're also my friend. Mahirap kung sa dulo magkakasakitan lang kayo."

The Blind Young Master [Published under PopFiction]Where stories live. Discover now