Chapter 11

5.4K 228 25
                                    

Warning! Mas masabaw pa sa sinabawang gulay. You have been warned. Pero sana magustuhan niyo parin lols.

"Hay kapagod!" lupaypay na saad ni Pat.

Malapit nang pumatak ang oras sa alas dose ng tanghali. Nauna nang mananghalian ang mga Professors kaya kaming tatlo na lang ang natira rito sa Dean's office para magpahinga muna.

Naupo ako sa tabi ni Pat samantalang nasa tapat naman namin si Jo.

"Pero mas pagod na siya kaya nga iniwan na niya ako," madramang sabi ni Jo dahilan para bigla siyang sabunutan ni Pat. Napadaing sa sakit si Joanna samantalang nabigla naman ako sa bilis ng pangyayari.

"Bruha ka! Akala mo naman may jowa, eh NBSB ka nga! Vaklang twoh!" Natawa ako sa kanilang dalawa. It is true na masayang kasama ang mga uhmm . . . bakla kahit na minsa'y may kasamang pananakit.

"Masama bang mag-emote? Ikaw Renae? Nagkajowa ka na ba?"

Nakangiting aso sa akin ang dalawa, kinakabahan naman ako roon. Medyo naninibago pa rin ako sa kanila kahit na may kaingayan at maligalig si Alliah. Iba pa rin naman kasi siya sa kanila.

I bit my lip. Bakit ang hirap para sa akin na sagutin ang tanong nila? Oo lang naman ang sagot pero hirap na hirap akong banggitin. Para naman akong nasa Who Wants To Be A Millionaire at pang one million na ang question sa hirap!

"Ah, eh—"

"Ano ba yan Jo! Syempre may jowa 'yan! Sa ganda ba naman nito?" sabat ni Pat at mahinang kinurot ang pisngi ko.

"Ano kasi . . . oo nagka-boyfriend na ako," aniko habang hinihimas ang pisnging pinisil ni Pat. Ang sakit!

Napasipol si Jo sa sinabi ko, "Nag na bakla! Ibig sabihin wala na! Care to share us why and sino yang mukhang mushroom na tinubuan ng mukha ang nakipag-break sa'yo?"

"Pero okay lang din naman kung ayaw mo i-share, 'Dai! Tsimosa lang talaga itong si Jo! Pero sinetch ba itey?"

Hilaw akong ngumiti sa kanila. Ayoko pa sanang i-open up ang nangyari lalo na't varsity player siya. Baka kung ano pa ang mangyari. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanila, pero gusto ko muna ng privacy at mainam nang mag-ingat muna.

"Ay by the way bakla! Nakalimutan kong sabihin sa 'yo na may tune-up ang Team A and B ng Men's Basketball Team ngayon! Ah! Ang dami naman kasing pinagawa sa atin ni Madrasta Mendoza!" isterikong sambit ni Joanna.

Nawala na ang mapang-usisang mga mata nila kanina. Samatalang napalitan na ng gulat ang nanlalaking mga mata Patrick, "Walang hiya ka, Cyst! Bakit ngayon mo lang sinabi? Tara na bakla at magpapawasak pa ako kay papa Xander, ugh!" malanding saad ni Patrick at kinagat pa ang pang-ibabang labi niya.

"As if naman na papayag si papa Xander mo, eh napaka-loyal no'n kay Andrea! Grabe 'yung pictures nila sa IG! Nakakakilig! Lakas maka-RS goals!"

"Malantod lang kasi 'yang si Andrea kaya niya nabingwit si papa Xander!"

My chest tightened on what I've heard. He never did that when we were still lovers. 'Yung i-post 'yung mga litrato namin sa social media niya. Isang beses niya lang ata ako naipagmalaki biglang girlfriend niya, at iyon ay noong sinagot ko siya.

The Faded Spark | TID #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon