Chapter 22

3.7K 138 9
                                    

Napapikit ako sa inis nang makitang nangulubot ang tracing paper dahil sa moist na nagmula sa mala-waterfalls kong kamay.

Uulit na naman ako!

"Akin na, give me your hand."

Wala na akong nagawa nang hilain ni Archimedes ang kanang kamay ko. Nakatulala na lang ako sa kan'ya habang siya naman ay nilalagyan ang palad ko ng pulbos. Lumilipad na ang aking utak sa kung paano ko maipapasa itong final plate ngayon! Hanggang 8 PM na lang ang deadline, at 7:30 na ngayon. Hindi ko ba alam kung matatapos ko ba ito on-time!

College is so frustrating! First year ko pa lamang ngayon pero I could say that I am already suffering academically, emotionally and financially! How can I survive the four remaining years?!

"Relax, Nausicaa. Masyado kang tensed, hindi ka makakapag-focus niyan," hinimas-himas ni Archimedes ang aking palad para mabawasan ang paninigas no'n sa pinaghalong pag-aalala at kaba.

Marahas kong binawi ang kamay ko sa kan'ya at masama siyang tinignan.

"Ano pa bang ginagawa mo rito? Umuwi ka na nga."

Sa loob ng halos apat na buwan ko siyang kasama sa iisang klase, hindi pa rin nagbago ang nararamdaman ko para sa kan'ya. I still feel annoyed on his presence. Nabuburyo pa rin ako sa tuwing lumalapit siya sa akin.

For some reason, I hate him. I don't know why.

But I have I bad feeling that this man will make me feel so bad.

Saglit na lumandas sa kan'yang singkit na mata ang sakit. Pakiramdam ko'y namalik-mata lang ako no'n. Sa totoo lang, hirap talaga akong basahin ang emosyon sa mata ng mga singkit na tao. Para kasing iisa lang ang emosyon nila—bored—o 'di kaya'y madalas na emotionless.

But with Archimedes, I quickly recognizes if he's happy, sad or hurt through his black chinky eyes. It's like his eyes were so transparent.

"Uuwi lang ako kapag tapos ka na."

I heaved out a sigh of defeat. Bahala siya d'yan. Hindi ko na kasalanan kung mapupuyat 'to. Bumalik na ako sa pagdo-drawing, sinulyapan ko muna siya na inosenteng nakatingin sa akin. Muli na naman akong napabuntong hininga bago kumuha ng panibagong tracing paper.

"Umuwi ka na kasi. May exam pa tayo sa Solid Mens bukas, o," I told him, achiever siya kaya alam kong mahalaga ang bawat oras sa kan'ya. At dapat ngayon, nagre-review na siya at hindi pinapanood ako na parang isang pelikula!

"Uuwi nga lang ako kapag naipasa mo na 'yan kay Miss Razon."

Napakamot na lang ako sa aking anit sa inis.

"Tigas ng ulo," bulong ko.

"Aling ulo?"

Nabigla ako nang sumulpot siya sa aking harap nang may ngisi sa mukha. Napaatras ako dahilan para tumama ang likod ko sa isa pang drafting table. Napangiwi ako sa sakit.

"Bakit ka kasi biglang nasulpot?!" inis kong tanong.

"Sorry, hindi ko naman sinasadya," pagpapaumanhin niya. Kinunutan ko lang siya ng noo bago mapatingin sa relo.

Great! I've already wasted the six minutes of my time! Hindi ko na lang pinansin si Archimedes na naupo sa tapat ko. Inabala ko ang sarili sa pagguhit ng plate. Sobrang kunot na ang noo ko, kulang na lang magdikit ang dalawang kilay ko para maging isa na sila.

But I was distracted by the ringtone of my phone. Magkasunod na tumunog iyon. Inabot ko iyon at binasa ang pumasok na text.

It was from Zachary.

Zach:

I'm here at the lobby of COA. I'll wait for you here.

I also brought food. Alliah told me you haven't eat dinner, yet.

The Faded Spark | TID #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon