Chapter 28

3.9K 133 10
                                    

I closed my eyes and heaved a sigh, hoping that this will be the best and right thing to do.But I know it's not.

Nakapikit man, pero ramdam ko ang pamumuo ng aking mga luha hanggang sa tuluyan na nga silang kumawala isa-isa.

Wala pa mang nangyayari, masakit na kaagad. What more if I tell to him that . . .

Lumunok ako para pigilan ang hikbing gustong kumawala. Mabagal kong minulat ang aking mga mata. Narito ako ngayon sa isang kilalang Convention Center. Nakatayo at pilit na ngumingiti habang pinagmamasdan ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.

It's Zachary's graduation. Natapos na rin sa wakas ang lahat ng paghihirap niya, kaunti na lang, magiging ganap na inhinyero na siya. I'm happy to witness one of his dreams come true, to be with him while he's reaching for it. Pero natatakot ako na . . . hanggang dito na lang ako—na hindi na ako makakasama pa sa susunod na kabanata ng buhay niya.

"Zachary Dale M. Lozano, Cum Laude."

I swallowed the lump in my throat when Zach gazed at my direction. Tuluyan akong napaiyak nang masigla nitong iwinagayway sa ere ang hawak na diploma sa direksyon ko. Inakbayan niya ang kaniyang Tita bago niya ito halikan sa pisngi.

I doesn't deserve him.

No.

He doesn't deserve a girl like me.

May ngiti kong pinagmasdan si Zach na masayang naglalakad papalapit sa akin. I could clearly see the genuine happiness in his eyes. Paano ko magagawang sabihin sa kaniya ang desisyon ko kung ganiyan siya kasaya? Hindi ko yata makakayang makita siyang masaktan nang dahil sa katangahan ko.

"C-Congrats!" namamaos kong bati.
"Bakit ka umiiyak, Nausicaa?" malambing niyang tanong bago niya ako ikulong sa kaniyang bisig.

Tahimik akong napaiyak, sinuklian ko siya nang mahigpit na yakap. Maybe . . . this might be the last time I'll hug him like this, kaya naman nilulubos ko na ang bawat sandali.

"Tears of joy ko lang 'to."

Humiwalay siya sa pagkakayakap at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Kung makaiyak ka parang mawawala ako ha? Tahan na, mahal ko," aniya at pinalis ang luhang lumandas sa aking mata, ngunit wala rin iyong silbi dahil kaagad iyong napalitan ng bago dahil sa sinabi niya.

"O! Mas lalo ka pang umiyak. Tahan na, baka maubusan ka niyan ng tubig sa katawan mo. I-reserve mo 'yang luha mo para mamaya," he winked.

Marahan niyang pinunasan muli ang aking mukha, tinulungan ko siya roon. Muli ko na namang pinaskil ang pekeng ngiti ko. Hanggang kailan ko ba lolokohin ang sarili ko? Hanggang kailan ko ba lolokihin ang taong mahal ko?

"Bakit anong mayro'n?" takang tanong ko.

Ngumisi lamang ito sa akin bago ako akbayan at sabay na naglakad patungo kay Tita.

"Basta."

Huminto kami sa tapat ng tiyahin ni Zach.

"Naka-graduate na si Zach, ikaw na lang ang hinihintay Renae at pwede na kayong magpakasal! Sandaling panahon na lang," Tita Les exclaimed.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi habang dinig ko ang unti-unting pagkadurog ng aking puso. Muling nanubig ang aking mata kaya mabilis akong kumurap para mawala iyon.

Sana nga, Tita. Sana sa desisyon gagawin ko ay manatili pa rin si Zach sa aking tabi at tatanggapin pa rin ako.

Mapait akong napangiti sa aking naisip. Gaano ba kakapal ang mukha mo Nausicaa para isipin na mamahalin ka pa rin ni Zach matapos ang ginawa mo?

Tanging ngiti na lamang ang isinukili ko kay Tita Les.

" 'Ta! 'Wag mo ngang takutin nang ganyan si Nausicaa! Baka takbuhan ako n'yan kapag nag-propose ako!" saway ni Zach at binalingan ako ng tingin.

Lumabot ang puso ko sa mainit at nakakahawang ngiti niya.

"Ay sus! Mahal niyo naman ang isa't isa at doon din naman iyon hahantong!"

Tumakla si Zach sa sinabi ng kaniyang Tita. Namumula ang magkabilang tainga niya, tipid akong napangiti sa kanyang reaksyon. Walang nagbago kay Zach simula nang maging kami. Ganoon pa rin siya—maalaga, minsan masungit at hindi nahihiya na ipahayag sa akin kung gaano niya ako kamahal . . . pero nahihiya siya kapag inaasar na siya sa akin.

"Tara na nga Tita! Kumain na tayo at baka gutom lang 'yan!"

Hinila na kami ni Zach at pupunta sa kanilang bahay. Naghanda raw ang nakababatang kapatid nito na si Zandro at mga pinsan niya. Ang mga magulang ni Zach ay hindi pa sigurado kung makakauwi mula sa business trip sa New York.

"Pagpasensyahan mo na si Tita, ha?" bulong ni Zach. Nginitian ko lamang siya. Nahihiyang magsalita dahil tila tinakasan na naman ako ng aking boses.

The Faded Spark | TID #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon