Chapter 17

4.5K 168 15
                                    

Three months.

Three months pa ang dadaan bago magpasukan. Bago ako pumasok sa reyalidad—sa kolehiyo. Matagal pa, pero ramdam ko na kaba. Iniisip ko kung sino sino ang mga magiging kaklase ko. Gaano ba kahirap 'yong magiging subjects. Kung mas dodoble pa ba ang mga terror na professors, at kung makakatagal ba ako sa kursong pinili ko.

My mind went haywire. I felt dizzy when those thoughts swallowed my mind. Para akong lalagnatin sa mga katanungan ko. Napahawak ako sa aking ulo at mariing napapikit. My pessimistic side is showing up.

"Okay ka lang, Renae?" concerned was evident in Alliah's eyes. Sa aming dalawa, siya ang mas matanda (but two months lang naman), pero kung umasta siya, parang mas bata pa sa 11-year old. But when she's on a serious mode, para ko na siyang ate, sometimes more like a mother. She treated me as if I am her younger sister, a real one.

We were both only child kasi, pero mabuti na lang, simula pagkabata ay magkaibigan na kami.

Our relationship is much stronger ever than those massive biceps and rippling abs of Zachary (if ever he had one of those).

I nodded, "Yeah."

"Sigurado ka ha?"

"O—" sasagot palang sana ako kaso bigla niya iyong pinutol.

"Baka na-juntis ka na pala d'yan ni Zach," parinig nito habang nag-iimpake.

I felt a blush seared through my cheeks, it's like my face was on fire. I suddenly felt awkward on what she'd said. I wanted to shout at her and say that I ain't pregnant but my voice was nowhere to be found. Sobrang hiya ang naramdam ko sa sinabi niya.

"Hala, pa demure ang gaga," she added and laughed at my expression.

I glared at her, kung nakamamatay nga lang ang tingin baka nililibing na ito, but of course I was just kidding!

"Kailan ka pa natutong magmura?" I raised an eyebrow at her.

Bigla siyang napahinto sa pagtawa, nabigla ata siya sa tanong ko. Alliah and I rarely cussed, siguro ay kapag nadadala lang ng emotion, doon na kami napapamura. But in a casual conversation? Nah, never. And we never swear at each other.

Napalunok siya at pilit na ngumiti pero mas nagmukha iyong ngiwi.

"Ngayon lang," aniya at kinakabahang tumawa.

Dapat lang siyang kabahan dahil isusumbong ko siya kay Tita. I squinted my eyes on her, sa paraang ito, alam kong sasabihin niya rin ang totoo. Nakaka-pressure daw kasi ang mga tingin ko minsan lalo na kapag may pinapaamin, sabi ni Alliah.

Pero patay-malisya lang siya, may pasipol sipol pa ito habang nagtutupi ng damit.

"Oy! Si Zach!" aniya.

Nawala ang atensiyon ko sa kanya at mabilis na napadako sa may pinto. My face automatically fell when I saw no one. Kinuha ko ang throw pillow at mabilis na ibinato kay Alliah na bumubungisngis. Hindi ito nakailag kaya naman tinamaan siya. Nainis din ako sa sarili ko, bakit pa ako tumingin eh wala namang nag-doorbell?

"Aray! Bilis ng flexes natin, Renae, ha!" she said while wiggling her eyebrows and grinning like a Cheshire cat.

"Ewan ko sa'yo!"

Nakangisi lang itong umiling-iling.

Bumalik na kami sa pagtutupi ng mga gagamiting naming damit. It's already 11 O'clock in the morning at balak naming bumyahe ng ala una ng hapon but Zach will arrive at 12 noon kasi rito na siya niyaya ni Alliah na kumain ng lunch.

Hindi parin ako sang-ayon sa pagsama ni Zach sa amin. Like, ano bang gagawin niya roon? Magsisibak lang ng kahoy para sa trip ni Alliah? Then, what? Uuwi na siya? 'Yun na 'yun?

The Faded Spark | TID #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon