III

1.5K 45 0
                                    

III

I see her

 

~Lotus POV

Everything were so unusual. Wala lang nasabi ko lang. Ang saya saya kasi nakapagvacation na naman kaming magtotropa, walang iniintinding problema puro kasiyahan lang kahit na ako 'yung laging binubully nila pero I love them, shunga shunga daw kasi ako e. I admit it, ni hindi nga ako nakapagtapos ng college eh pero ayos lang kasi nakatapos naman ako ng high school diba. After we have a party last last night, I don't feel uncomfortable here.

            "Guys! Mag-iikot kami mamaya sa Barrio? Sasama kayo?" Boisen asked us. Nagtinginan naman kaming lahat, I just shrugged at nagngitian naman ang iba.

            "I'll come." The twin, Jimelo said. "Me too!" his twin, Jamela.

            Lahat sila ay gustong sumama maliban sa aming dalawa ni Greg. Maiiwan na lang kami dito sa bahay para maglinis ng gamit gamit at sulok sulok dahil mukhang aatakihin ako ng bahing dito kung hindi pa malinis ang ibang gamit. Maganda naman ang bahay na natirhan naming medyo sa unang tingin mo lang ay parang haunted house pero sa loob ay well perfectly look naman ang dating at maayos siya kaya lang madumi at maalikabok na.

            "Operation: Linis bahay!" sabi ko sabay aja.  Nakangiti pa ako nang malapad, kasi hobby ko talaga ang paglilinis nang paligid at hindi ako sanay sa madumi at makalat. Kahit hindi ko bahay o kung saan man ako pumunta kapag may nakita akong kalat, pupulutin ko talaga. May pagkamaarte daw ako pero its just me.

            Nakaramdam na lang ako nang batok at napatingin sa gumawa sa akin n'un, nakapameywang pa 'to. "Ano girl? Maglilinis ka na naman nang bahay kaya ka magpapaiwan? Kaloka ka!" hinilot hilot naman niya ang ulo niya. "Bahala ka diyan, magpapaiwan ako pero di ako maglilinis. Got it?"

            Nakatingin lang ako sa kanya na naguguluhan.

            "Hoy, Lotus? Naiintindihan mo?"

            "Na ano?" napahilamos naman siya sa sinabi ko. Mas lalo tuloy akong naguluhan sa kanya.

            "Nevermind." He rolled his eyes at pumunta sa sala.

            Dahil mamaya pa naman daw sila aalis ay lumabas naman ako nang bahay at napaghangin. Sa harapan ako nang bahay at nang suriin ko ang lugar ay napakatahimik, siguro nga nung nagparty kami dito ay nakabulabog kami nang mga kapitbahay namin dahil sa lakas nang tugtugan naming pero kasi minsan lang din mangyari 'to at walang pumipigil sa amin. Umupo naman ako sa may bench sa tabi at napangalumbaba na lamang.

            Magiging masaya kaya 'tong vacation namin dito? Unlike last year kasi hindi, may nangyari kay Jamela na kambal ni Jimelo, na food poisoned siya at syempre sa sobrang pag-aalala namin noon ay minarapat na lang din naman na umuwi na lang at 'yun ang worst vacation naming. Nauwi bigla bigla.

            "Lotus!" napatingin naman ako sa babaeng tumawag nang pangalan ko at nakita ko naman si Jewel na palapit sa akin. Bestfriend ko na si Jewel since grade school pa lamang kami, lagi ko siyang binubully n'un at humantong sa point na ako naman ang nabully pero dumating 'yung araw na siya 'yung lumapit sa akin at iligtas ako sa mga bullies na 'yon.

            Kaya hanggang ngayon, I cherished her. I treasured her.

            "Bakit parang ang lalim naman nang iniisip mo diyan?" pagtatanong niya sa akin.

            "Wala," I hold her hand. "Naalala ko lang kung paano kita ibully dati." She glared at me but I laughed. Sinong hindi kais matatawa kung iisipin mo kung paano siya mapahiya sa harap nang madaming tao but that's my consequence, nakick-out ako sa school namin at lumipat nang school at hindi ko inaasahan na susundan din pala niya ako kung saan ako nag-aaral non. That's why, I love her the most.

StaircaseWhere stories live. Discover now