XX

897 30 0
                                    

XX

Burned

 

Hindi namin siya kaya. Masyado siyang malakas, halos kapag lumalapit kami sa kanya ay bigla bigla na lang kaming titilapon. Dinala ni Jamela sa malapit na hospital upang mapagaling sa natamo nitong saksak sa likod. Hindi pa rin ako makapwersa ng lakad dahil sa pagkatilapon ko kanina. Kasama ko ngayon si Boisen at Greg kaming tatlo lang. Si Flyx na walang malay, at ngayon ang batang babae na ang kaharap namin.

            Kung tutuusin hindi siya 'yung batang kakatakutan mo dahil sa maamo nitong mukha pero iba siya, kapag nagalit lumalabas ang tunay na anyo. Nakapa ko ang bulsa ko na meron pa pala akong bendita dito na bigay ng pari sa amin tag-iisa kami nito at ako na ang nagbalak na sabuyan siya nito. Nasusunog siya sa bawat patak na nakukuha niya, umuusok siya pero hindi siya nawawala.

            "Ano bang kailangan mo?!" sigaw ko sa kanya.

            "Papatayin ko kayo!" sigaw nito sa amin. Lumamig ang paligid nang magsalita siya sa amin, tila ang bawat pagsalita niya ay may dala ng bugso ng hangin. Susugurin sana kami nito pero sinabuyan ko muli siya nang bendita at tumakbo papunta sa may hagdan at tumagos sa dingding sa may pinto sa may hagdan.

            Naiyak na lamang ako sa nangyari sa amin ngayon, nanlantang gulay ang mga binti ko at niyakap ako nina Greg at Boisen. Kami ang nagmatapang dito, gusto niya nang maghiganti sa amin pa. Kung naririto lamang si Harold upang kausapin si Maria, parehas silang Ferlinger at alam kong magkakaintindihan silang dalawa.

            "Ano ka ba Harold!" halos mapalingon kaming tatlo na makitang bumukas ang pinto at nakita namin si Harold na walang damit kundi puting benda lamang ang nakapalibot sa dibdib nito. Agad akong napatayo palapit sa kanya at saka siya niyakap.

            "Pasensya na..." sambit ko na lamang sa kanya. Hindi ko kasi kakayanin kung mawala siya sa amin, nawala na nga ang kabigan namin na sina Lotus at Jimelo, dadagdag pa rin si Harold sa mga mawawala sa amin? Sobra naman ata kaming pinagkaitan ng kamatayan na 'yan at sa amin naghiganti. "Ayos ka na ba?" Tanong ko naman sa kanya. Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi niya at pansin ko na maraming dugo ang nawala sa kanya.

            "M-maayos na kahit papaano."

            "Hindi ko siya nadala sa hospital dahil pilit niyang kila Mang Remmuel ko siya dalhin, wala akong nagawa." Sabi ni Jamela na sobrang pag-aalala ay bakas sa mukha niya ang takot at kaba. Niyakap naman siya ni Greg. Hindi ko kakayanin na mawala pa si Harold. Mabuti naman at hindi nangyari 'yun.

            Napansin naman namin na gumalaw si Flyx, tumayo ito ng dahan dahan at napatingin sa amin. May agad na itinutok si Harold kay Flyx na kung anong bagay, bigay siguro ni Mang Remmuel ito. "Anong ginagawa niyo? Harold, ibaba niyo 'yan!" sabi ni Flyx o hindi.

            "Paano kami makakasigurado na hindi ka si Flyx?" sabi ko naman sa kanya.

            Nanuot ang noo niya at parang nagtaka naman sa sinabi ko, "Ano ba kayo?! Anong nangyayari sa inyo? Ako ito si Flyx Gamboa? Mga baliw ba kayo? Saka ano nga palang ginagawa ko rito?"

            Napabuntong hininga naman ako, "Mukhang wala nga siyang alam." Sambit ni Jamela.

            Lumapit ito sa amin at dahan dahan naman binaba ni Flyx ang hawak na kung ano ni Harold. "Flyx, sumanib sayo si Maria. You wouldn't know it kasi gamit gamit niya ang katawan mo. Sinaksak rin ng sarili mong kamay sa likod si Harold na muntik na niyang ikamatay." Halos mamilog ang kanyang mata sa mga sinabi ko.

StaircaseWhere stories live. Discover now