VIII

1K 32 0
                                    

VIII

Cry

I heard some issues with the house that we lived today, kakagaling ko lang kasi sa palengke para bumili nang supplies namin sa bahay dahil nauubos na ang mga foods and suchs namin doon. Pero iba ang tumatak sa isip ko nang pumunta ako doon, may nagtanong kasi sa akin na matandang babae doon na nagtitinda nang mga gulay na kung bago raw ba ako dito sa barrio, ang sabi ko naman ay oo pero bakasyon lamang at doon siya nagsimulang magkwento, naguguluhan ako sa kwento niya at hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan. Ang basta lang naintindihan ko sa mga sinabi niya, may nagpaparamdam daw doon at kailangan daw namin mag-ingat.

            Pauwi na ako ngayon, nagboluntaryo kasi ako mag-isa na pumunta sa palengke pero bago pala ako umuwi ay dadaanan ko muna si Jam sa naging pahingaan nito sa lugar na 'to. Nadatnan ko si Jam na may kausap na lalaki doon, nagbalak pa akong lumapit pero nang makita niya ako ay nagpaalam na ito sa kausap niya at hinigit na niya ako palayo dito sa lugar.

            "Tara na!" yaya nito sa akin. Nakakapanibago lang, siya pa ngayon ang nagyaya sa akin na umuwi. May something talaga dito kay Jam na ayaw niyang ipaalam sa amin pero sige, hahayaan ko na lang muna siya sa mga nalalaman niya. Darating din naman tayo sa puntong, malalaman din namin yan.

            Patungo na kaming dalawa ni Jam sa bahay at bakas pa rin sa mukha ni Jam ang mga ngiti nito sa labi, pansin ko rin naman kaninang umaga ay ang maaliwalas nitong mukha at pagbati pa sa amin. Nakahawak lamang siya sa braso ko at masayang kinakausap ako pero ako ay masyadong lutang.

            "Teka Jam... sino nga pala 'yung kausap mo?" pagtatanong ko naman sa kanya.

            She shrugged. "Nevermind him." She said.

            "Eh, sino nga kasi 'yun?" pagpupumilit ko pa sa kanya.

            Napansin ko naman na nagbuntong hininga siya kaya bahagya naman akong napatingin sa kanya. "Nakilala ko lang siya kahapon at ngayon ay magkaibigan na kami." Ngiti pa nito.

            "Talaga? Edi anong pangalan niya?"

            Nagabang naman ako nang sagot mula sa kanya pero napatingin siya sa akin at kunot noo niya akong hinirap at saka umiling sa akin, "Yun nga lang, ayaw niya ipagsabi Jel. Pasensya na."

            Napatango naman ako sa kanya at hindi na nagpumilit pa dahil hindi naman siya ang may sabi noon at baka ako pa ang mapahamak dahil sa kakulitan ko. Nang makarating naman kami sa bahay ay agad naman ako tumungo sa kusina at inayos ang mga binili kong stocks namin sa bahay. Ang barkada naman ay nasa sala at masayang mga nag-uusap.

           

~Greg's POV 

            "Sure kayo, magna-night party na naman kayo?" Tanong ko naman sa kanila. Nakakabaliw naman kasi 'tong tatlong lalaki na kasama namin, magnanight party na naman daw sila kasi hindi na naman daw masyadong exciting ang nangyayaring vacation namin dito kaya gogora daw sila sa party na naman na ito.

            "Ofcourse!" Ani Harold sabay tawa pa.

            "Well kung 'yan ang gusto niyo. Count me in!" Sabi ko pa. Sino bang hindi mageenjoy sa isang party diba, mabuti na lang at namili si Jewel nang stocks namin dito sa bahay atleast meron kaming snacks later.

            "Melo, pati ba naman ikaw?" Tanong ni Jam sa kambal niya pero nginisian niya na lamang ito.

            "Girl, if you still worrying about such crazy things in this house. Please could you please mind, just this time forget them." Sabi ko sa kanya. Nakakaasar na kasi minsan, she always bother herself in those things na hindi naman kapaniwala-wala like me, binabalewala ko na lang ang lahat. Maniniwala ba ako sa mga gawa gawang kwento nila? No way.

StaircaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon