X

1K 33 2
                                    

X

Unordinary day

~Jewel's POV

"Lotus just died..." Ani Jimelo nang makarating pagkapasok na pagkapasok nang kakambal niya sa pinto. parang piniga na naman sa sobrang sakit na marinig ko ang salitang 'yun. Hindi ko mapigilan ang damdamin ko na hindi maluha. Ang bestfriend ko na si Lotus, babawiin na lang nang ganun kabilis.

        Ang bilis nang kabog nang dibdib ko, sa sobrang kaba dahil hindi ko maipaliwanag kung saan na ba nanggagaling 'to. Kasama ba 'to sa pinapahiwatig nang batang babae dito na kailangan na ba namin umalis? Pero bakit, bakit kailangang may mamatay pa?

        Umupo ako sa sofa at napahimalos ang mga palad ko sa mukha ko. Sino ba kasing hindi maiiyak nang malaman mong patay na ang bestfriend mo, hindi ko na talaga maipaliwanag ang mga nangyayari sa amin. Kung pwede ko lang ayusin ang bawat gulo at siguro hindi na kami hahantong pa dito. O siguro hindi na lang kami tumuloy dito?

        *Flashback~

        "Alam niyo ba, ang saya saya ko ngayon!" Tuwang tuwang nagtatalon talon si Greg. Ngayon, halos wala na naman akong magawa dahil ang boring nga dito pero alam mo ba 'yung feeling na, boring ka nga pero sa iba... hindi. Ibigsabihin ko lang, ang gumagawa nang kababalaghang ito.

        "Ano na naman ba 'yan, Greg?" Masungit na tugon ni Boisen sa kanya. Inirapan naman siya ni Greg.

        "Echos nito! Di bale, nakita ko kasi to..."Nakatingin lang din naman ako kay Greg at inaabangan ang ipapakita niya sa amin. May ano kasing tinatago siya sa likod niya at mistulang ayaw niya pa talaga ipakita.

        "Ano ba 'yan?" tanong din ni Harold. Si Harold minsan ko nal ang din Makita ditto sa bahay at kapag tinatanong ko kung saan siya pumupunta ang sagot niya lang ay kila Mang Remmuel. Wala naman akong angal doon eh, kasi mukhang magkakilala naman talaga kasi sila.

        "Hindi talaga kayo makapaghintay!" nguso pa nito. Maya maya ay dahan niya ring inilabas ang putting manika. "Hahaha! Look girl oh! Ang linis na niya, I washed her na." tawa pa niya.

        Kinabahan naman ako sa ginawa ni Greg. Tumayo ako at hinablot sa kamay niya ang manika. "Hindi mo dapat ginalaw 'to Greg." Pagpapaalala ko sa kanya.

        "Ay! Bakit naman girl?" napabuntong hininga ako sa kanya.  Kung alam niya lang kasi pero kasi isa si Greg sa walang pakelam sa amin, sa mga nangyayari sa paligid niya.

        Umiling ako, "Kung maaarilang sana... wag na natin gagalawin 'to."

        Pero sa sinabi kong 'yun ay nagtawanan langsila. Napagbagsak ako nang balikat at tumuloy palabas nang pinto at saka ko hinagis ang manika. Kungmay mangyayari man sa akin ngayon dahil sa ginawa kong paghagis, wag sanang magpanganib sa buhay ko.

StaircaseWhere stories live. Discover now