MHLMTD-14

11.7K 241 3
                                    

MHLMTD-14

MAGGIE'S POV 

"Stuck staring right at you." Mahinang wika nito at biglaang pumasok na sa sasakyan.

Iniwan akong STATUE.

Packing tape! Siopao! Ikaw kaya sabihin ng ganyan sa tingin niyo 'di kayo kikiligin. 

Ang ganda ko ba sa suot ko? 

Maikling faded short lang naman siya tapos fit na sando, 'yong pang-summer talaga. Nakalugay lang din naman ang buhok ko. Magulo pa nga itong buhok ko sa malapitan.

Aw! It means nagagandahan siya sakin. Lihim akong napangiti.

"Ano ba! Sasakay ka ba o hindi!" Sigaw ni tuko. 

Aba? Sa harap pa siya nakaupo. Ako 'yong girlfriend 'di ba! Assuming. Haha! Talak ng aking utak.

Padabog akong pumasok sa likod ng kotse. Taxi pa rin kasi ni Lucas ang gamit namin. 

Kainis! Napa-cross arms ako. Sarap mang tiris ng kuto. 

Isinuot ko nalang ang shades ko. Napatingin naman ako sa gawi ni Lucas and he was staring me using the passenger mirror.

Gosh! Damn it! Hindi ko mapigilang magmura sa isipan ko. Sa sobrang tense, wala sa loob kong nasipa ang upuan ni malandi.

"Ano ba!" Angal ni hitad at nilingon ako.

Tinaasan ko lang siya ng kilay. 

I admit it! Nasipa ko ang upuan hindi dahil sa tense kung 'di sa kilig mismo. Ikaw kaya ngitian niya gamit ang passenger mirror habang nakatingin sakin. 

Whoa! Sarap niya kagatin. Haha! Panakaw na ngiti lang iyon pero isa na 'yong malaking achievement para sakin. Ang gwapo niya kaya lalo kapag ngumingiti. 

Pakiramdam ko tuloy ay magiging masaya itong out of town na ito for sure. 

*****

"Maggie wake up!"

Ugh! Makasigaw wagas. Dinilat ko na ang mga mata ko. Masarap pa tulog ko, eh!

"You sleep like a butter." He said. 

Nag-echo sa tainga ko iyong sinabi niya. 

Oh my gee! So, totoo 'yon? Hindi ko lang basta guni-guni lang? Lumabas ako agad ng sasakyan at lumapit sa kanya.

Nakapameywang itong napapamasid sa paligid namin at bahagya pang naniningkit ang mga mata nito dahil sa sikat ng araw.

"Hoy Lucas, umamin ka nga sakin!" 

Tiningnan niya lang ako saglit matapos ay nagpatuloy na sa paglakad. 

Kaasar! Binilisan ko din ang paglakad ko para magsabay kami.

"Pumasok ka sa kwarto ko kanina,  ano?!" Sabi ko pa rito.

Natigilan naman siya bigla sa tanong ko. 

"No." Sagot niya pero 'di naman makatingin sakin ng diretso. 

"Weh! Alam ko na pumasok ka tapos ninakawan mo ko ng kiss!" 

Okay! Drama ko lang po iyan. Haha! Ang alam ko lang ay pumasok siya at  ginigising niya ako. 

After I said that, huminto na talaga siya sa paglakad at alanganing napaharap sakin.

"I....I never intended to do that! It was you who were half asleep and accidentally kissed me!" Nahihiya niyang sabi and he's blushing pa at tinalikuran na ako agad. 

MY HANDSOME LOVER [MR. TAXI DRIVER]Where stories live. Discover now