MHLMTD-23

11.1K 262 0
                                    

MHLMTD-23

MAGGIE'S POV 

*****

Kinabukasan...

 
"Hmm!" Ungol ko.

Nag-stretching muna ako bago bumangon tapos nag-ayos na din ng sarili ko. Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas din naman ako agad sa kuwarto ko. Naabutan ko pa si tuko na may ginagawa sa kusina. Nasaan kaya si Lucas. 

 Why Maggie? 

 Dahil magpapaliwanag ako kung bakit ako ginabi kagabi. 

 Defensive? 

 Ipapatanggal talaga kita, utak ka! 

 "Where's my boyfie?" Panunuya kong tanong kay Jazzel. 

 Inirapan niya lang ako. Sarap i-ngudngud sa mesa. I flip my hair at nagtungo sa sala. 

Alam niyo iyong feeling na nakatira ang ex-girlfriend at soon to be girlfriend sa iisang bahay, ang resulta? 'Di malaking gulo talaga.

Soon to be girlfriend talaga? 

 Naman! Diyan rin naman kami pupunta ni Lucas! haha! Balak ko na ngang i-pursue itong feelings ko, eh. 

 Ang tanong, kailan? Oo nga naman. 

 Binuksan ko nalang 'yong Tv at nanuod ng movie. Hanggang ngayon kasi 'di parin ako nanonood ng balita, pati cellphone ko hanggang ngayon nakapatay pa din. Umupo naman bigla si Jazzel sa harapan ko. 

"Kailan mo ba kami titigilan ni Lucas." 
Aba? Maka-emphasize ng 'kami'  wagasan. I cross my legs. 

"Kung makaangkin ka sa kanya parang kayo, kayo ba?" Nakangiti kong sagot. 

"Hindi nga kami pero magiging kami ulit!" 

Napailing ako sa sinabi niya. 

 "Let see." Hamon ko pa. 

 Maybe this is the time para gamitin ko ang mga katagang sinabi sakin ni Paul. Make him fall for you too whatever it takes. 

 "Nasaan nga pala si Paul?" Tanong ko bigla. 

 "Wala siyang kinalaman dito so don't involve him." Mariin nitong wika.

 "Bakit ba masiyado kang praning? I'm just asking lang naman if where's Paul." Taka ko din namang sagot sa kanya.

 Sa itsura niya kasi parang may kinakatakutan siya na malaman ko. 

 "I don't know where he was." Dagot niya at para bang hindi siya makatingin sakin. 

Inirapan ko siya. 

 "Modelo ka 'di ba?" I said.

 Nagulat naman siya sa sinabi ko.

"I'm not!" She said at nagmadali ng lumabas ng bahay. 

 Nangyari do'n? Para tinatanong lang. Ipinagpatuloy ko nalang yung panunuod ko. Ilang saglit lang ay may nag-doorbell naman.

Sino naman kaya bisita namin? 

 Namin talaga? Pssh! 

 Tumayo na ako at lumapit sa pinto. Pagbukas ko, bumungad sakin si....

 "Paul?!" Gulat kong wika. 

 "Miss me?" Anito sabay kindat pa sakin. Binatukan ko siya.

"Anong miss me? Sira!" Pagtataray ko.

MY HANDSOME LOVER [MR. TAXI DRIVER]Where stories live. Discover now