MHLMTD-19

11.1K 249 3
                                    


MHLMTD-19


MAGGIE'S POV

"Maggie where have you been? Kanina pa kita hinahanap." Biglaang sulpot ni Lucas.

Tingineng! Nag-co-conyo na naman siya at ang sarap lang sa tainga. 

"Maggie!" Sigaw niya kaya napatingala ako. 

"Huwag mo nga akong sigawan! Hindi ako bingi!" Sigaw ko din pabalik sa kanya.

Tumayo na ako at pinagpagan ang sarili ko. 

"Maggie...." He paused. 

Curious naman akong napatitig sa kanya. 

"Ahm...I'm sorry." Tila nahihiya niya pang sabi. 

Aw! Ang cute niya tuloy. 

"Apology accepted." Sagot ko din naman agad. 

Umalis naman agad ito bigla. Aba't ang bastos niya talaga minsan. Wala man lang 'Uy! Maggie thank you'. Ugh! Ang kapal niya talaga! 

Padabog akong naupo sa bakanteng cottage. Napalinga pa ako sa paligid ko. Saan kaya nagpunta ang mokong na 'yon. 

"Are you not going to swim Margaritte?" Sulpot ni tuko.

Tinaasan ko lang siya ng kilay. 

"Later! Why don't you go first?" Iritado kong sabi. 

Naghubad naman siya agad sa harap ko. Sinipat ko ang ayos niya mula ulo hanggang paa.

Puwede na rin irampa sa devesoria. Haha! Iyong two piece niya kasi color pink! Ehh! Walang taste. 

"Mukhang kaming dalawa lang ni Lucas ang mag-e-enjoy!" Anito sabay papunta kay Lucas.

Ugh! Kainis talaga ang tukong 'yon. Siya lang ba may ibubuga? Pati din kaya ako! Let's start the seducing.

Sabi nga ni Paul, do everything just to make him fall for you. Hinubad ko na ang loose shirt ko. 

Pulang-pula na bikini ang two piece kong suot. Litaw na litaw ang kaputian ko dahil sa pula kong suot.

"Hi Miss? Wanna hang out with me?" A guy said to me. 

Ngumiti lang ako sa kanya at sasagot na sana pero...

"Try to hang out with me first and let's try to hang you in that coconut tree." 

Nagulat ako sa sinabi ni Lucas. Napaatras din naman bigla 'yong lalaki at agad na lumayo samin.

Kinikilig ako promise! Shumashalala na naman itong puso ko. Eh! So it means gumana ang plano ko. 

Walang pasabi naman nito akong hinila papunta sa dulo ng beach. Ano na naman kaya problema nito. Tumigil naman kami tapos tiningnan niya pa ako. Napa-cross arms ako. 

"Wear that!" Utos nito.

Tinapunan niya lang naman ako ng sando niya. 

"Ugh! May nag-swi-swiming bang nakasando!" Reklamo ko. 

"You are going to wear that or else you want some...." Banta niya pa habang humahakbang palapit sakin.

"Oo na!"

Pinutol ko na agad 'yong sasabihin niya kasi alam ko na kasunod no'n. Porke't gusto ko na siya, papayag nalang ba ako ng ganoon? Na? Ano? Huwag niyo na nga lang tanungin. 

Sinuot ko na 'yong sando niya. Ang laki naman nito, parang pantulog ko lang. 

"You can swim now." Utos niya pa ulit sakin. 

MY HANDSOME LOVER [MR. TAXI DRIVER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon