MHLMTD-22

11.1K 260 4
                                    

MHLMTD-22

STILL MAGGIE'S POV

*****

Angels orphanage...

 Ilang oras lang ang biyahe ay nakarating kami agad. Lumabas na ako ng taxi at binitbit iyong mga pasalubong ko. Sumaglit kasi ako sa convenience store para bumili na rin ng mga pasalubong. Naglakad na ako papasok sa loob. 

 "Ate!" Sigaw nilang lahat ng makita ako. 

Yumukod ako at binitawan ang mga dala ko. Sinalubong ko sila nang mainit na yakap.

 "Kumusta ang mga babies ko?" Masayang tanong ko sa mga bata. 

"We are good po." Stacy answered. 

 I hug her tightly. I miss this kid. Everyone of them. 

"Margaritte?" 

 Napalingon naman ako sa tumawag sakin. 

 "Sister Carmen, kumusta po!" Masiglang bati ko at umayos sa pagtayo. Nagmano ako rito bilang respeto.

 "Ikaw ang kumusta, Iha. Matagal-tagal ka rin na hindi nakadalaw dito ngunit naiintindihan ko din naman kung bakit." Aniya.

 Ngumiti nalang ako kay Sister Carmen. 'Di naman lingid sa kaalaman nila ang tungkol sa nangyari sakin. 

"May mga dala nga po pala ako." 

 Iniabot ko sa kanya ang mga pinamili ko. 

 "Nako salamat, Iha." 

 "Your welcome po Sister. Kamusta na ho nga pala si Stacy?" Tanong ko.

"Stacy is good Maggie." 

 Nakahinga ako ng maluwag sa narinig ko. Ang akala ko kasi ay  tinanggalan ni Dad ng suporta itong orphanage, lalo na si Stacy. Hindi kasi alam ni Dad na orphanage ang napili ko para sa charity works ng company. Modeling school iyong sinabi ko kay Daddy. Ang talino ko, 'di ba? Kasi hindi naman mahirap gawan 'yan ng paraan kung sakaling sisilipin ng company. Anong saysay ng pagiging anak ng isang Montero kung 'di mo gagamitin ang role mo sa buhay. 

Umupo ako sa swing at nakatanaw lang sa mga bata. Napabuntong-hininga ako habang pinapanood 'yong mga bata na masayang naglalaro. Sooner or later may mag-aampon din sa kanila. I hate to lose them but I should accept it. 

Tumayo na ako at naglakad papasok sa loob kung nasaan si Stacy. I leaned down para magpantay kami. Nakaupo kasi siya sa desk niya. Gumuguhit na naman siya ng mga stick figure. 

 "Ate look?" Baling nito sakin.

 Curious din naman akong napatingin sa drawing niya. Ako iyong nasa drawing, ganda ko nga eh. Para akong walis tingting. Haha! May pangalan ko kasi na nakalagay. Nagulat pa ako sa nakita ko na katabi ng stick figure image ko.

 "Where did you get this idea, huh?" Gulat kong tanong sa kanya. 

 "I saw it in the news po." Sagot niya habang napapabungisngis.

Napakamot ako sa batok ko. Iyong drawing niya kasi, stick figure na lalaki at parang nakasakay sa taxi. Pambihira naman oh! Pati dito abot ang kasikatan ni Lucas. 

 "Bakit naman ito pa ang naisipan mong i-drawing?" Nakangiti ko na lamang na tanong ulit.

 "Siya 'yong asawa mo ate." Nakangiti niya pang sagot.

 Ang landi ng batang 'to. Ni hindi ko pa nga nagiging nobyo, asawa agad-agad? I patted her head nalang at ngumiti. 

 "Ate promise me na siya ang magiging asawa mo, okay?" 

MY HANDSOME LOVER [MR. TAXI DRIVER]Where stories live. Discover now