Chapter6

585 7 0
                                    

#Chapter6

Belle's POV

Ang gusto ko lang naman sa buhay ay yung makamit ko yung inaasam asam kong kalayaan ko.

Akala ko nga pag natapos ko ang trabaho ko kay Alice, may kalayaan na ako pero ito ako nakakulong sa isang sitwasyon na kailangan kong sundin lahat ng mga gustong gawin saakin ng daddy.

Bumuntong hininga nalang ako.

"Anak"

"Mom, ano po ba gagawin ngayon?"

Nasa Hongkong ang mommy ko di sila mag kasama ng tatay ko dahil si mommy yung humahawak sa kompanyang andito sa Asia, si Alexander all around yan, si tito at tita naman magulang nila Alice at kuya Alexander at sa Thailand, Korea, China, Japan at Taiwan, at si mommy sa mga naiwan well except sa Pinas, dahil kami ang may hawak nito ngayon.

"Nakausap mo na ba daddy mo? ng kayo lang?"

"Hindi pa po, ang hirap po eh, nangunguna kasi yung galit ko sa ngayon"

"Well di ko naman makausap ang daddy mo about sa mga plano niya you know na no one can't stop him"

"Yeah right"

"Uhm make a deal with your dad nalang kaya anak?"

"Ano naman?"

"I don't know? it's your life alam mo anong mas nakakabuti sayo"

"Mom pagpapakasal ko po ang pinaguusapan dito"

"Ikaw talagang bata ka, ayaw mo non? si Voltaire yung napili ng daddy mo"

She knows everything, sakanya ko sinabi ang lahat.

"Mom alam mo naman diba kung bakit ayawko?"

"Bakit nga ba?"

"Dahil ayoko ng masaktan mom natatakot na akong maulit yung nangyari noon at isa pa mommy may Dianna na siyang pinoprotektahan ngayon"

"My baby"

"Nga pala kailan uwi mo sa France?" pag iiba ko ng usapan at nag simulang mag basa ng mga report.

"Tomorrow"

"Mom di mo ba namimiss si dad? kasi tignan mo? ganito sitwasyon niyo malayo sa isa't isa"

"I miss your father pero nag uusap naman kami eh, binisita nga niya ako kagabi yun nga sinabi niyang binisita ka din niya umuwi siya kaninang madaling araw na"

"Ako mom pwede po ba akong umuwi?" tinignan ko naman si mommy tulad ko busy din ito, di naman ito ganito kanina nung nag usap kami tungkol kay Voltaire ewan ginaya niya siguro ako.

"Pwede naman para sa akin tanong mo kay daddy mo"

"Mom, dad is unexplainable"

"That's why I love him"

"Ako yung nahihirapan eh"

"Because you are Kyril's heiress, kahit naman yung mga pinsan mo nahihirapan din sa buhay nila, ganyan din kaya nangyari sa daddy mo noon"

"Ewan ko ba mom"

"Makakawala ka din sa problema mong yan anak"

"Sana nga"

May kumatok naman kaya nilingon ko ito nakita ko ang secretary ko.

"Miss Belle"

"Bakit?"

"May gusto pong makipag kita sayo"

"Sino?"

"Si Mister Montesca po"

Beauty and the Beast ✔Where stories live. Discover now