#Chapter12

446 4 0
                                    

#Chapter12

Belle's POV

Pupuntos pa sana si Voltaire saakin pero hindi na natuloy ang gusto niya nang pumasok ang anak niya.

"Mama! I'm done!" pabagsak naman na humiga sa tabi ko si Voltaire at niyakap ako ng napakahigpit.

"Fck I hate it, hating my daughter right now, nabibitin na ako dahil sa pag pasok niya" bulong niya saakin, tumawa nalang ako at pinalo siya ng mahina.

"Bumangon ka na Voltaire, nagugutom na ako" reklamo ko sakanya pero pinatungan lamang siya ni Venice at siniksik ang sarili sa gitna namin ni Voltaire, umusog nalang ako, nakita ko pa ang pag ngiti ni Voltaire at niyakap niya kaming dalawa ng anak niya.

"Mag ayos ka na Venice paparating na yung school bus mo"

"Ayaw ko pong pumasok mama please"

"It's no, papasok ka"

"Papa" bumaling naman ito kay Voltaire, tumingin saakin si Voltaire pero iling lang ang tinugon ko sakanya.

"Mag momoment muna kami ng mama pwede ba yun?, uuwi ka dito ng may kapatid gusto mo?"

"gusto ko po yun!" biglang bumangon si Venice at agad umalis sa kwarto namin.

Lalapit na sana saakin si Voltaire pero sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit wife? may problema ba?"

"Ano ba pinagsasabi mo sa anak mo?" nakita ko naman ang pag ngiti niya saakin at niyakap ako, siniksik niya pa ang sarili niya saakin na parang bata.

"Atleast papasok si Venice tulad nalang ng gusto mo"

"Mag bihis ka na nga Voltaire, nagugutom na talaga ako"

"Ako nalang kainin mo" biro nito at tumawa pa ito ng mahina.

"Ah!" sigaw ko sa sakit nang kagatin niya ang dibdib ko, naka subsob kasi ang mukha niya sa dibdib ko.

"Ano ba Voltaire!"

"I miss you wife" tiningala niya naman ako at ngumiti pa ito.

"Promise me, na papakasalan mo ako ah?" habol niya.

"Alam mo, ako nalang babangon parang wala kang planong bumangon eh"

Bumangon naman akong balot ang katawan sa kumot, kumuha muna ako ng damit ko at nagbihis naman sa cr.

Pag labas ko nakita ko naman siyang nakasuot na ng boxer niya at tshirt.

"Pupuntahan ko muna si Venice" tumango nalang ako bilang sagot sa sinabi niya bago siya lumabas ng kwarto.

Dumiretso naman ako ng kusina at nag luto ng makakain namin ni Voltaire. Hindi ko pa nga alam bakit siya andito.

Narinig ko naman ang pag busina sa labas.

"Venice!" tawag ko sa anak ko pero wala akong narinig na sagot sa anak ko, pupuntahan ko na sana pero pumasok naman si Voltaire.

"Si Venice? andiyan na service niya" niyakap niya naman ako at sinandal ang ulo sa balikat ko.

"Nakaalis na wife, solo na kita"

"Teka nga yung niluluto ko" humiwalay naman ako sakanya at nag handa na para makakain na siya pero niyakap niya ulit ako.

"Ano ba Voltaire kanina ka pa yakap ng yakap ah?"

"Miss kita wife bakit bawal ba?"

"Ewan ko sayo kumain ka na nga"

Umupo naman ako at sinandokan siya ng kanin, umupo naman ito sa tabi ko at kinuha yung platong nasa kaharap kong upuan, nilipat niya sa tabi ko.

"Bakit ka diyan?"

Beauty and the Beast ✔Where stories live. Discover now