Chapter7

537 6 0
                                    

#Chapter7

Belle's POV

Nabuntis ako, yes I have a child right now, pero dahil ayokong malaman ng tatay ko tinago ko ito, di lang sa tatay ko pati na din sa pamilya ko at kay Voltaire except kay mommy alam niya, alam niyang may anak ako, siya yung nakasama ko ng pinag bubuntis ko si Venice.

Ayokong malaman ni Voltaire, pinangunahan ko na ang lahat noon paman, ng malaman kong buntis ako nung panahon na napag desisyonan ko ng taposin ang lahat saamin ni Voltaire, doon ko nalaman na may dinadala ako, ng malaman kong buntis ako di man ako umalis ng bansa pero dalawang buwan nalang manganganak na ako umalis ako ng bansa, pinuntahan ko si Anshirina sa Thailand.

Kinontak ko ang nanay ko at humingi ng tulong, siya ang umasikaso saakin noon, doon sa pagtakip saakin sa tatay ko, sinabi niya kay daddy noon na kasama lang ako ni mommy kaya di na siya na nag pumilit ang tatay kong tawagan ako araw araw, at ng mag one year na si Venice bumalik ako dito sa Pinas na parang walang nangyari, pero iniiwasan ko na na mag tagpo pa kami ni Voltaire.

Pero parang pinag titripan kami ng tadhana eh. Pinagkita kaming dalawa. At ngayon parang mapipilitan akong makasama siya habang buhay para lang sa buhay ng anak kong isang taon ko ng tinatago.

Tinawagan ko naman sa skype si Anshirina. Sumagot naman ito pagkatapos ng limang ring.

"Hoy! busy ka ata at ngayon ka lang tumawag"

"Yeah may lang akong inaasikaso, kamusta si Venice?" nakita ko naman na gumalaw yung camera at hinarap sa natutulog na anak ko.

"Okay lang naman siya, bisitahin mo naman, alam mo dahil sa anak mo kaya di ako nag kakalovelife eh"

"pasensya ka na Ansh ah?"

"Yung tatay ba? ganon padin ba? wala ka padin bang plano siyang ipakilala?"

"Nagkita kami, actually tumawag ako para ipaalam ko sayong alam na ni Dad"

"Ano? pano?"

"Di ko din alam, at may plano yung daddy ko na magpakasal ako kay Voltaire dahil sa kasunduan ng mga magulang namin at ginamit niya si Venice para mapilitan ako"

"Pano na yan?"

"kaysa naman patayin ng tatay ko yung anak ko? okay na siguro magpakasal ako"

"Pero di naman yun gagawin ng tatay mo siguro dahil hello apo niya ito"

"kilala mo si dad Ansh, kilala natin siya"

Nakita ko naman itong bumuntong hininga.

"Sa ngayon sayo muna si Venice Ansh ah? pero bibisita ako diyan bukas"

"Sige miss ka na din ng bata"

"sabihin mo sakanya na tumawag ako at miss ko na siya, sabihin mo din na mahal na mahal ko siya."

"okay mag ingat ka dyan"

"Kayo din"

Binaba naman yung tawag kaya napatulala na naman ako sa kawalan.

Bakit ba pinipilit ng tadhana na magkita kami ni Voltaire? alam na alam niya naman siguro kung ano ang mga naganap saakin noon.

"Miss Belle"

"Yes?"

"Bumalik po si Sir Voltaire po pinipilit pong pumasok"

"Nasan na siya?"

"Nasa labas pinipigalan ng security ano po gagawin?"

Tumingin naman ako sa orasan dalawang oras na pala ang nakalipas nung umalis ako sa bahay.

Beauty and the Beast ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon