#Chapter11

484 3 0
                                    

#Chapter11

Belle's POV

Nagising naman ako sa humahalik saakin kaya naimulat ko naman ang mga mata ko, ang huling naalala ko ay wala akong kasama sa kwarto ko. Si Venice may sariling kwarto yun at hindi yun nanghahalik para magising ako.

"Good Morning" natigilan naman ako, bago ko pag tanongin siya hinalikan na niya ako, itutulak ko na sana siya pero umibabaw na to saakin at palalim na ng palalim yung halik niya.

Napatawa naman ako ng mahina sa pagitan ng paghahalikan naman, niyakap ko nalang ito sa batok niya at mas tinulak siya saakin.

"Uhm!" ungol ko dahil sa pagkagat niya sa ibabang parte ng labi ko.

"Papa! Mama Good Morning!"

Naitulak ko naman si Voltaire dahil sa pag bukas ng pinto at pumasok si Venice, tinakpan naman ni Voltaire ang buong katawan ko ng kumot ko at bumangon ito.

"Baby ang aga ng gising mo"

"Nope! tama lang po gising ko pa, tapos na din po akong maligo" bumangon naman ako habang hawak ko ang kumot para hindi ito mahulog at makita ng anak ko ang hubad kong katawan.

Napatingin naman ako kay Voltaire, nakatingin lang ito sa anak niya na may pag hanga, nakangiti pa ito habang tinititigan si Venice.

Hindi man kami nakapag usap tungkol kay Venice dahil tinutotoo niya ang sinabi niyang susundan niya si Venice, nakailan nga ba siya saakin kagabi?

Alam ko naman gustong gusto malaman ni Voltaire ang lahat tungkol sa anak niya na minsan ko ng ipinagkait sakanya, bumuntong hininga naman ako.

Dahil sa ayaw kong malaman ni Voltaire noon na nag bunga ang ginawa namin at dahil na din sa galit ko kaya hindi niya na subaybayan ang paglaki ni Venice, kinuha ko sakanya ang karapatan niya sa anak ko sa mahabang panahon.

"Papa andito ka padin po pala, sana po hindi mo ko iwan, hindi mo kami iiwan ni mama" lumapit naman si Venice kay Voltaire at niyakap ng bata ng sobrang higpit si Voltaire, nakita ko pa ang pag tulo ng luha ni Voltaire.

"I'm sorry" nahihiyang sabi ko sakanya, napatingin naman ito saakin na may kunot ang noo pero agad din namang nawala.

"You don't have to wife, I understand, I won't leave you, I won't let you leave me again Belle"

"Right papa hindi mo kami iiwan?, diba yun gusto mo mama?" tumango naman ako bilang sagot kay Venice, naramdaman ko nalang ang pag akbay ni Voltaire saakin at mas nilapit niya pa ako sakanya.

"I won't leave you, marami man akong nagawang pagkakamali sa buhay ko pero hindi ko kayo bibitawan at iiwan dahil kayo lang naging tama sa buhay ko, especially you Belle, I know marami akong kasalanan sayo simula't sapol palang."

"Yeah you stole a kiss sa simula" tumawa naman ako ng mahina, narinig ko naman ang pag tawa niya din.

"I won't say sorry for that okay? haha your lips is inviting my lips" umayos naman ako ng upo at tinitigan si Voltaire, hinalikan niya lamang ako, ako na yung unang humiwalay pero hahabolin niya sana ito pero nilingon ko lang si Venice, nakatingin ito saamin na manghang mangha.

"Did you already drink your milk?"

"Oh hindi pa po, teka lang po papa, babalik lang po ako, iinom at kakain po muna ako ng cookies and milk po babalik po ako" ngiting saad ni Venice at umalis na ito sa kwarto ko.

"Ang dami kong kasalanan sayo Voltaire" mahina kong sabi at siniksik ang sarili ko sakanya, naramdaman ko naman ang mga braso niyang pumulupot sa hubad kong katawan.

"Wala ka kayang kasalanan, sino nagsabing meron?"

"Ipinagdamot ko si Venice sayo Voltaire, umalis ako non and I found out buntis ako, hindi ko yun sinabi sayo at umalis nalang ako ng bansa"

Alam ko naman kung anong rason kung bakit mo ko iniwan noon Belle, dahil din yun saakin, kung di dahil sa kagagohan ko, ang tanda ko na pero ang bata masyado ng rason ko noon para maghanap ako ng iba Belle, it's not enough reason just to leave my beauty, maybe it's enough reason para hindi ko malaman na may anak ako sayo."

"Pero tinago ko siya sayo Voltaire, kahit na kasal na tayo, tinago ko padin siya"

"I don't deserve to know that Angel Venice, product of me and you is exist, wag mo ng sisihin sarili mo please, just love me and marry me again let's be a happy family, gusto ko na din sundan si Venice"

"Ano ka ba! ikaw ba magbubuntis?!" reklamo ko sakanya, at sinamaan siya ng tingin, ano akala niya madaling mag buntis? eh kung siya kaya ang mag buntis at ako mag mag request sakanya?

"Alam ko namang mahirap yun wife pero andito naman ako aalalayan kita habang buhay"

"Bakit ba gusto mong magkaanak ha?"

"You clock is ticking my wife, so bibilisan ko dapat"

"Gago ka ba?!"

"Noon, nag bago na ako ngayon" pang lalambing niyang sabi at niyakap ako, humiga naman siya, nasama naman ako dahil nakayakap ito saakin.

Inikot niya naman ang pwesto namin, siya na naman ang nasa ibabaw ko at tinitigan niya ako ng ilang minuto.

Hinawakan niya pa ang buhok ko.

"I love you hair" sinunod niya naman ang noo ko.

"I love your forehead kahit na nakakunot ito palagi pag ako ang kaharap." sunod niya namang hinawakan ang mata ko kaya napapikit nalang ako.

"I love you eyes, it's telling me that you love me and begging me not to let you leave me again" ang ilong ko naman ang sinunod niya at ang pisnge ko hanggang sa umabot ang kamay niya sa labi ko.

"And I love your lips, wife I love it when your lips is inviting my lips" hinalikan niya naman ako ng dahan dahan na para bang natatakot siyang masaktan ako? natatakot na pag sinaktan niya ako iiwan ko siya ulit?

napahawak naman ako sa pisnge niya at hinila siya palapit saakin. I love his lips too, I love it how gentle it is.

"I love you wife, I love you more that what you think, I love you wharever you are in this world wife no matter what I'll always choose you, you're the only beautiful in my life wife." mahina pero ramdam kong sabi niya, napapikit nalang ako at may nahulog na butil ng luha ko, naramdaman ko naman ang pag halik niya sa kung saan man tumulo ang luha ko.

"Don't cry, please marry me again"

"I love you Voltaire, hindi yun magbabago, and yes I'll marry you."

Beauty and the Beast ✔Where stories live. Discover now